Pauna: Hindi po talaga ako manunulat,
naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na
ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa
natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang
ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING
at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman
ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman
ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo
ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha).
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha).
Ang dami
kong gustong mangyari sa buhay ko, ang
dami kong mga pangarap pero sa lahat ng mga yun ang MAGMAHAL at MAHALIN ng TAONG
PANGARAP ko ang gusto kong MAKAMIT.
Kelan kaya yun MANGYAYARI? ,,,,,,,, MAGAGANAP? at MAGKAKATOTOO?
Kelan kaya yun MANGYAYARI? ,,,,,,,, MAGAGANAP? at MAGKAKATOTOO?
Kelan kaya maiisulat ang LOVE STORY
KO? (tanong na
parang walang sagot kasi walang choices na A,B,C,D, hindi rin natin alam kung
kelan mangyayari o magaganap ang bagay na ito, tanging ang nasa itaas lang ang nakakaalam, kasi PAGPINILIT hindi natin makakamit ang PURO, TOTOO at BUSILAK na PAGMAMAHAL.......
agree ba kayo?? Hehe)
Yan.. yan na
yan ang lagi kong iniisip sa araw araw sa loob ng labing anim na taong
pamumuhay ko sa mundong ibabaw (OA pala yon, hindi pa nga pala ako
nakakapag-isip noong BATA pa ako (hahaha) siguro nagsimula ang pag-iisip ko
tungkol sa LOVE noong nakakapanood na ako ng mga movies tungkol sa pag-ibig)
Hoy anak
nakatulala ka na naman dyan, ano ba iniisip mo? Tanong ng aking ina habang nasa
veranda ako
Ah.. ma kayo
pla, wala po iniisip ko lng po mangyayari bukas, kung ano mangyayari at sana
maging maganda ang maging unang araw ko sa kolehiyo. Palusot na sabi ko sa
aking ina
Ganoon ba?
Wag ka kabahan anak, magiging maayos ang lahat, OK! Pahinga ka na. sabi ng
aking ina
Sige po
mama, teka! ma napatulog mo na po ba si angel? (ang pinaka cute ko na
pamangkin, anak ng kuya ko, na samin nakatira ngayon dahil nagtatrabaho sila ng
asawa nya abroad) tanong ko
Oo,
napagod siguro kanina kaya mabilis na
nakatulog. Sagot ni mama
Ah! Sige po mama pahinga na din po ako at kayo din po. Sabi
ko sa akin ina (at tumayo na ako para pumunta sa kwarto ko para magpahinga na)
-Brief
descriptions’ sa pamilya ko at sa buhay namin -
We are six in the family (originally),
si Emmanuel Chio (ang aking ama) at si Mary Rose Chio (ang akin naman ina),
biniyayaan sila ng apat na anak na sina Miguel (panganay, 25), Justin
(pangalawa, 22), AKO (pangatlo, mamaya ang self introduction ko. Hehe) at ang
bunso si John (12y/o). Nadagdag naman si ate Isabel (asawa ni kuya Miguel) at
ang pinakauna kung pamangkin na si Angel. Hindi kami ganoong kayaman, kung baga
nasa gitna, salamat sa aking ama na nagtatrabaho bilang engineer abroad
(mabuhay ang mga bagong bayani! Hehe) kaya natustusan ang amingpangangailangan
at dahil din dun ay napagpatapos sila kuya Miguel as engineer din at kuya
Justin sa kursong business management (pareho na sila nagwork abroad ngayon).
Si Mama, Ako, si John at si angel, kami lang ang naiwan sa aming tahanan.
Tok.. tok...
anak gising na malelate ka na, first day pa naman ngayon ng pag pasok mo.
Tok..... tok.....
Agad naman
ako nagising at tumingin sa orasan, Naku! 6:00am na, patay! Late na naman
(habit ko na to! Ang pagiging LATE.. hehe siguro dahil sa kasabing “Huli man
daw at magaling HULI pa din” hahaha lakas lang maka connect hehehe), gising na
po ako ma. Sigaw ko kay mama
Agad naman
akong nagtungo ng c.r. para maligo ng mabilis (no choice baka lalo pa malate
pag hindi ako nagmadali), dahil wala pa ako uniform sa kadahilanang nalate ako
magpagawa, naka civilian ako, OK naman daw yun kasi hindi pa regular ang klase
(nakawhite v-neck shirt ako, semi fit na black faded jeans na medyo bitin ng
konti, ung alah John Lloyd style at na white vanz shoes). Pagkatapos magbihis
bumaba na ako para magbreakfast ng sobra bilis (hindi kami pinapayagan ni mama
pumasok ng hindi kumakain, hindi ko alam kung bakit pero isa yun sa mga rules
nya)
Sige ma,
alis na po ako, late na ako, hanapin ko pa room ko. pagpapaalam ko kay mama
sabay halik
Sige anak
ingat ka, wag masyado mabilis ang pagpapaandar kay DREY (motor ko na niregalo
ni papa sa akin noong naggraduate ako ng high school, yun kasi hiniling ko.
Hehe, (ASTIGIN KASI) nung una ayaw nila dahil prone sa accident pero napilit ko
din ang mga magulang ko at pinangako na magiging maingat ako sa pagdadala nun)
paalaala ng aking ina.
Mabilis naman ako nakarating sa university (salamat kay DREY.
Hehe) at nang maipark ng maayos si drey sa SAFE na lugar, agad kung kinuha ang
registration form ko para makita schedules/subjects/time/building/section at
nang makita ko ito..... COLLEGE ALGEBRA pala first subject ko (kala ko naman
ligtas na ako sa math, ano kaya relasyon nito sa course ko? Tsk tsk..),
7:00am-8:30am, TBA BLDG (san kaya to??) BSN I-4 pla ako.
-Introduction
of myself-
Ako si Chio,
Fuji, 16 years of age nasa 5’8’’ ang height, maputi (yung puti na hindi gawa ng
whitening soap.. hahaha) hindi payat hindi rin mataba, sakto lang (hindi naman
kasi ako naggi-gym pero seksi yung katawan ko, para daw pang athlete sabi ng
coach ko sa valleyball), naka eye glass na bumagay naman sa medyo singkit ko na
mga mata, hindi ako gwapo pero alam ko sa sarili ko na Cute ako (hehe), sobrang
babaw ko na tao in a sense na natatawa ako sa kahit ano makita na kakaiba o
kahit simpleng jokes, madaling pakisamahan at gusto ko light lang lagi ang
paligid, ayaw ko ng gulo/away. (tama na muna to, to follow na lang ung iba,
isisingit ko na lang pagkelan ng explain ang sa sarili ko .. hehe) BS Nursing
nga pla ang napili kung kunin tas sa LPU-Batangas ko napili mag-aral (Taking
the lead eh! Hehehe, wow free advertisment ah!hahaha)
Ayun buti
nakakita ako ng guard na mapagtatanungan;
Ako: Sir
tatanong ko lang sa ung TBA bldg.?
Guard:
(Natatawa habang nag sasalita) ano ba course mo?
Ako: Nursing
po
Guard: ah!
Punta ka na lang sa bldg na yun (sabay turo) nandoon ang Nursing office, nga
pla iho walangTBA bldg. TBA stands for “To be announce” (kasabay ng pasasabi
niya ay ang pagpigil ng tawa)
Ako:
pasensya na po! Hindi ko po alam (sabay ngiti at lumakad ng mabilis papunta ng
bldg kung nasan ang Nursing office, para makaiwas na sa guard, nahihiya at natatawa
ako sa sarili ko.. hahhaha... kasi naman hindi naglalagay ng LEGEND. hahhahaha)
Sa Nursing
office;
Ako: Good
morning ma’am, tanong ko lang po san yung bldg. para sa subject na ito (sabay
pakita ng reg form at turo ng unang subject ko)
Secretary:
Good morning as well! Ahm.. it says that your BSN I-4, wait I’ll check the
master list, can I scrounge your registration form? (sabay bigay ko naman),
Ilang minuto lang at nagsalita na uli yung secretary: Mabini Bldg., Room 204
(sabay abot sakin ng reg form ko)
Ako: salamat ma’am. (Time check: 7:20am na, dandyararan
LATE=)
Lumabas ako
kasama ang secretary at itinuro kung san ang daan papunta sa Mabini bldg. Agad
ko naman tinungo iyun at nagtakbong-lakad para mabilis makarating sa room ng
first subject ko. Nang mahanap ko na ang Room 204, tumingin ako sa pinto (sa
may bandang itna ng pinto ay may maliit na square na opening na itinakpan ng
glass kaya makikita mo mula dun ang loob ng class room), pagsilip ko nandun na
ang prof ko (patay!), agad ako kumatok at pumasok;
Pagkapasok
ko, nagtinginan sakin lahat nag nandoon kasama ang prof ko at napansin ko na
ako lang ang naka-civilian, lahat sila naka-uniform (agaw atensyon tuloy.. tsk
tsk)
Ako:
(tumingin sa prof ko at humingi ng paumanhin), Sorry ma’am, naligaw po kasi
ako.
Prof: it’s
ok but on our second meeting formal class resume be here early ok! Take a seat,
prepare 1/8 index card follow the pattern on the board then bring it to me when
you finish then after that get in front and give information about yourself.
(agad naman
ako pumunta sa bakanteng upuan sa likod at ginawa lahat ng pinapagawa ng prof
namin, hindi naman ako makatingin sa mga kaklase ko dahil nahihiya ako at ako
lang ang hindi naka-uniform (outcast tuloy.. hehe).
Pagkatapos
ko ay agad ko inabot sa prof ko yung index card at pumunta sa harap para
magpakilala;
Hi! I’am
Fugi Chio, 16, I hope that in the coming days we all be friends (sabay ngiti),
thats all (ang iksi ba?? Nosebleed na ih! Ubos na vocabulary, hahaha), sabay
upo na sa inukupa ko na upuan sa likod.
Tahimik lang
ako nakikinig (tahimik kasi wala ako katabi. hahaha) sa dinidiscuss ng aming
prof about sa kanyang rules and regulations sa klase nya, ganoon din ung
grading system at kung ano ano pa.
Pagkatapos
ang halos 30mins nang kakadakdak ni prof, dinismiss na kami, na next meeting na
daw sya magstart para hindi naman daw kami matrauma (buti nauunawaan nya ang
aming mga pamsariling mga daing, hahahaha)
Dali dali
naglabasan ang mga kaklase ko, hindi naman ako nakikipag-unahan kaya naupo
nalang muna ako at pinagmasdan ang kanilang karerahan papuntang finish line
(ang PINTUAN, hahaha).
Sa aking
pagmamasid sa kung paano mag-unahang lumabas ang aki ng mga kaklase may pumukaw
ng aking paningin, isang Lalaki nakatalikod sa akin kasi nasa may gitna syang
parte, sa bandang dulo malapit sa bintana, na katulad ko ay nakaupo at
hinihintay muna makalabas ang lahat saka nalang aalis.
Sa HINDI
maipaliwanag na dahilan parang gusto ko humarap sya sa akin para makita ko ang
kabuuan nya. Napako na ang tingin ko sa kanya, hinihintay na humarap sya. Hindi
ko na namalayan na tinatawag nya na pla ako, na sya naman nag pabalik sa akin
sa realidad.
Tsong, hindi
ka pa ba aalis? pagtawag nang pansin sa akin nung lalaki
Itutuloy....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento