fugi's playlist

Huwebes, Marso 29, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 44)


By: FUGI

----) Una, labis akong nagulat sa mga violent reaksyon ninyo, tandaan  may mga sides pa tayong hindi naririnig (hehe), sobrang napressure tuloy ako at hindi makapag-isip kasi ang dami nyo nang ini-expect na para bang lahat ng maisip kong pwedeng dahilan ay hindi nyo magugustuhan kasi ramdam kong sobra kayong naapektuhan, PERO SANA PO AY, AY HAYAAN NYONG AKO NA LANG ANG MAG-ISIP AT I-ENJOY NYO NALANG ANG BAWAT PAHINA.. PLEASE........! nalalapit na po kasi ang KATAPUSAN..................................................................................
....................................................................................
.................JOKE! hehe

----) Pangalawa, SORRY po at natagalan ang post nito sa kadahilan pong hinare ako ng pinsan ko na maging private nurse para sa kaka ko ulit kasi medyo nanghihina ulit sya, sana ay ay isam nyo sya sa inyong mga panalangin.. PLEASE!

-----) Wow WALO na ang member nitong blog ko nakakatuwa naman, ok kelangan kong magrol-col, say present if your online (hehe)

-Yume
-Jerneel Malonzo
-Markus Kaine (wow change name ha! Hehe)
-James Escol
-McFrancisGonzalez
-Lou (hi!)
-Arnold Lachica (hi din!)
-Jekjec Castromero (hello! Hehe)

at syempre sa hindi pa member na si COFFEE PRINCE pero super duper naman ang pagsuporta sa akin (hehehe)

SALAMAT SALAMAT SA INYONG LAHAT!

@ sa mga Lihim na tagasubaybay... TY PO!

Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento

Tahimik akong humihikbi habang nakasalampak pa rin sa sahig ng CR na iyon

Paulit ulit ko pa ring naririnig ang mga huling binitawang salita ni ian.....

“Yun din ang akala ko, pero hindi pala”

“Yun din ang akala ko, pero hindi pala”

“Yun din ang akala ko, pero hindi pala”........ na parang patalim na na umaatake hangang sa kaibuturan ng puso ko pati sa bawat himaymay ng katawan ko

“Ganto ba talaga ito kasakit? (Yung parang unti-unti kang nilalagutan ng hininga), ang naitanong ko na lang sa sarili ko sa pagitan ng aking paghikbi

Sa puntong iyon ay ay hindi ko na namalayan na may pumasok na pala sa loob ng CR na iyon kung saan ako nagpapakawala ng aking pagtangis at tahimik na ako nitong inoobserbahan


...... :’(tahimik na paghikbi at sa pagitan noon ay ang parang pagsinoksik na dahilan para gumalaw ang aking katawan:’[.....


At nang parang napagod na ang aking mga mata sa pagpapakawala ng mga mumunting butil ng tubig ay nanatili pa rin ako sa  ganoong posisyon ko, parang naubos na ang lahat ng lakas na meron ako, na kahit ang lumikha ng kilos o gumalaw ay hindi ko magawa, na parang hindi ko na maramdaman ang sarili at buong katawan ko, mas nangibabaw pa rin at naging duminante  sa sistema ako ang sakit, ang sobrang sakit na gawa nito (sabay napakapit ako sa dibdib ko) at sobrang lungkot dahil sa parang nawala na ang nagsisimula palang na na ako, si ian at at at yung love na unti unti na sanang umuusbong:[........ at sa puntong iyon ay ay nakiisa nang muli ang aking emosyon at nagpakawala na ulit ng mga mumunting luha ang aking mga mata na sumisimbolo sa tunay kong nararamdaman:(

Maya maya pa ay naramdaman kong may lumapat na mga palad sa aking magkabilang balikat at namalayan ko na lang na itinatayo nya na ako, at nang maangyari iyon ay ay ay bigla na lang ako nitong ikinulong sa mga bisig niya

Hindi ko natapunan ng tingin kung sino ang taong iyon pero panatag ako sa kanya, naramdaman ko ang pagdamay nya kaya naman hindi na ako nahiyang ipakita ang kahinaan ko

Ipinatong ko ang aking mukha sa kanang balikat niya at nagsimula na namang kumawala ang emosyon na lumukob na sa buong pagkataoko dahil sa mga nangyari sa pagitan namin ni ian
Hindi sya nagsalita bagkus ay naramdaman ko na lang na hinigpitan niya na lang ang pagkakayarap niya sa akin na naging dahilan para mapasubsob na ako sa dibdin nya, hindi ko na rin napigilan ang paglakas ng aking mga hikbi:’(

“Sorry..............!” bulong nito

Agad napukaw nito ang atensyon ko at ng itaas ko na ang akin tingin ay nakita ko ang nag-aalala at ang sobrang lungkot na mababakas sa kanyang mga mata, sa mukha ni, ni anthony

Sa puntong iyon ay ay parang  parang hindi ko maintindihan kung bakit sya nagkakaganoon, parang basta may iba, pero siguro ay ay nakikisimpatsya lang siguro siya sa akin (yun na lang ang naisip ko), at kaya naman niyakap ko na lang din siya at mas lalo naman ako nitong isiniksik sa kanya at marahan na hinimas himas ang aking likod

Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko dahil sa ginawa nya

“Sorry fugi.........” malungkot na himig na sabi nito, naguguluhan man kung bakit sya nagkakaganoon ay pinagkibit balikat ko na lang at pinilit na kumalas na lang sa yakapang iyon, at nakuha naman ni anthony ang gutto kong mangyari kaya ay niluwagan na rin niya ang pagkakayakap sa akin na naging dahilan para makawala doon

Agad kong tinungo ang sink at naghilamos para sana mapawi o matabunan man lang kahit ang lungkot na mababakas sa aking mukha

Nakailang hilamos ako para matakpan sana, sana ang lungkot at sakit na nararamdaman ko pero ng pagtunghayko ay tumambad sa akin ang repleksyong likha ng salamin sa harap ko.... kitang kita ko sa imaheng iyon ang pighati at kasawian, at sa puntong iyon hindi na akong makatingin sa salaming iyon, sa salaming nagpapakita ng imahe kong nawalan ng sigla at buhay:(

Iniiwas ko na ang paningin ko sa salamin na iyon ata agad nang nilingon si anthony na kanina pang nakamasid sa mga kilos ko

Hindi  alam kong saan galing ang lakas ko para magpanggap na ayos na ako, na ok na ang lahat kahit ang totoo ay unti-unti na akong nauupos sa kaloob looban ko

Ako: anthony, pasensya ka na sa itsura ko kanina na parang batang nakalupasay sa sahig at nag-iiyak nang ganoon, pinalaki kasi akong ganoon.... (sabay pakawala ng mapagkunwaying tawa.. hahaha), dyahe naman oh! (pilit pinasigla ang boses ko), nakita mo tuloy (sabay suntok ng walang kalakas lakas sa kanyang dibdib at pilit ulit tumawa, nakatitig lang ito sa akin), nabasa ko rin pala uniform mo (pagpuna ko sabay kuha ng panyo ko para rin makaiwas sa mga tingin niyang iyon, at ng akmang pupunasan ko na ang uniporme niya ay bigla naman nyang hinablot ang kamat ko at iniakap niya sa likuran nya habang ang isa nyang kamay ay iniakap niya sa batok ko at unti unti niya akong minaneobra papalapit sa kanya)

Sa pagkakataong iyon ay naramdaman ko ang mapagkalinga niyang yakap
Anthony: alam kong sobra kang nasasaktan ngayon at nasasakatan din akong nakikita kang nagkakaganyan (bulong nito), nandito naman ako, nandito ako para sayo (sabay halik nya sa ulo ko
Ako: o..ok ako (at napangiti ako sa sinabi kong iyon, ngiting mapait), .... ayos na naman ako  (pero sa pagkakataong iyon ay pinagkanuno na ulit ako ng emosyon ko, nagpakawala na naman ng mumunting butil ng tubig ang mga mata ko, hindi na nakayanan ata ng aking dadamin ang taliwas na sinasabi ng bibig ko)............. sana, sana sana maging maging maging OK na ako (ang bahadya ko nang nasabi sa pagitan ng mga hikbi ko)
Biglang lumuwag ang yakap ni anthony sa akin at naramdaman ko na lang ang paglapat ng mga kamay nito sa magkabila kong pisngi, itununghay nya ako paharap sa kanya at at dahan dahan nyang pinahidan ng mga daliri nya ang mga luhang patuloy paring kumakawala sa aking mga mata at ........
Anthony: hayaan mo akong pasiyahin ka.....
...........at at nagulat na lang ako sa sunod niyang ikinilos, bigla bigla nyang inilapit ang mukha niya sa akin at ang sumunod na nangyari ay naidikit niya ang mga labi nya sa labi ko
Hindi ako nakagalaw sa mga oras na iyon na naging dahilan para maangkin niya ng tuloyan ang mga labi ko
Naging masuyo ang ginagawa niyang mga halik at may pag-iingat, unti unti na ring nagdidikit ang aming mga katawan
Pero agad naman rumehistro ang pigura ni ian sa aking balintataw, ganoon din ang mga nangyari sa pagitan namin na naging dahilan para magkalakas akong kumawala at bumitaw sa halikang iyon at at magtatakbo palabas ng CR na iyon
Halo halong emosyon ang gumugulo sa akin, lungkot at sobrang sakit dahil sa pagbiliw sa akin ni ian at ngayon nga ay pagkalito, pagkalito sa mga sinabi at ginawa ni anthony ngayon ngayon lang
Hindi ko alam saan ako pupunta pero ang pag-iwas muna sa kanila ang ang naisip kong gawin at ang option na meron ako ngayon:(

Itutuloy..............

Linggo, Marso 25, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 42 & 43)


 By: FUGI

@Jiru at Coffee Prince (dahil hindi nyo nai-spot-tan hindi ko sasabihin, hehehe)

@Yume (sa aking loyalty awardee, wag kang mainggit sa akin, mas espesyal ka pa sa akin, promise!:]) 

@ sa mga LIHIM na TAGASUBAYBAY ay TY din po! Hehe

@ syempre sa KUMUMPLETO ng STORY na ito dahil sa paggawa nya ng isang “EPIC STORY COVER”, sayo MAKKI, sobrang mahal na kita, pakiss nga.. hehehe. Super duper SALAMAT SAYO! (oo ikaw lang nagpasa, ikaw lang ata marunong gumawa noon.. hehehe pero sobrang gusto ko ang interpretation mo ng title, galing.. ikaw ulit gumawa ng story cover ko if ever gagawa ako ng another story ha! hehe

Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento

“Pero sadyang laging may kapalit lahat ng bagay dito sa earth, na ang akala mo ay tuloy tuloy na ang magagandang nangyayari sa buhay mo ay tsaka ka bibiglain ng kung ano anong pagsubok” – thats LIFE and thats what you called REALITY:[ 

-------0o0-------

Nakatulog ako nang sobrang hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko sa araw na iyon, ang daming nangyari na talaga namang bumuo sa pagkatao ko, na akala ko malabong mangyari, na napakaimposibleng maganap, pero PWEDE PALA:] 

Kahit kela mama, john at ultimo kay bibang batang si angel hindi nakaligtas, buti na lang at hanggang puna lang sila at hindi na nag-usisa pa, kasi naman si ian ih! Hehe

Hanggang panaginip ay kasa kasama ko ang taong rason ng mga ngiti sa labi ko, kaya naman naging napakahimbing ng tulog kong iyon at dahil doon ay ay tinanghale ako ng gising buti na lang to the rescue si mama at naagapan ang pagiging late ko sa klase ko sa araw na iyon
Nang tingnan ko ang orasan at magseseven na

“Patay! May usapan pa naman kami ni ian, ako nga pala ang susundo sa kanya” nasabi ko nalang sa sarili ko at agad na nagising ang dugo ko, kumilos agad ng mabilis para hindi masira sa usapan naming iyon, mahirap na ba magalit pa ang mokong, isa pa naman tampururot iyon (hehe)

Pero kahit anong bilis ang gawin ko ay talaga namang nakikipag-unahan ang oras sa akin sa araw na iyon, na para bang wala syang pakisama at nang-aasar pa, kainis ih!

At nanmuli kong silipin ang orasan ay lalo lang akong nainis kasi late na ako sa usapan naming iyon ni ian, at mukhang mahuhuli na rin kami sa klase, kainis talaga ih! Kasi kasi
Naisipan kong takasan na lang ang ihihandang breakfast ni mama, dahan dahan akong bumaba at pagsilip ko sa may kusina, sakto nakatalikod si mama sa aking kinatatayuan, agad na akong bumwelo ng tahimik na pagtakas ng sa pagharap ko...

Angel: to nong, no lip mo dyan? (“tito ninong, sino silip mo dyan?” sabi nya sabay sisilip silip din sya sa kung saan ako nakatingin)

“Ah! Wala nang lusot!” nasabi ko na lang sa sarili ko at pagkatapos ay BOOM

“O! anak andayan ka na pala, kain ka muna” nakangiti sabi ni mama, wala na akong nagawa, dahil kahit anong gawin kong rason kailan kong kumain dahil hindi nya talaga ako paaalisin, ganoon talaga si mama

Subo-inum ng tubig-lunok (tama wala nang nguya-nguya, matutunaw naman din iyong kinain ko ng mga gastric juices sa tyan ko.. haha), hindi ko na din pinansin pa si angel na nangungulit kahit yung mga sinasabi ni mama, at wala pang tatlong minuto ay naubos ko na nga iyon at agad nang nagpaalam, nagtatakbo palabas, bukas ng gate, labas kay drey (motor ko), sara ulit ng gate pagkatapos sakay na kay drey at agad nang pinaharurot ito, wala nang paipainit ng makina, kasi mas mainit na pihado ang ulo ni ian.. kasi kasi.. hehe

Naging mabait naman si pareng trapik sa akin kasi maluwag sya kaya walang naging aberya at narating ko ng mabilis ang kanto nina ian pero pero sa kasamaang palad ay ay wala sya kahit saan mang sulok ng kantong iyon, kahit sa ilalim ng mga tuyong dahon at balat ng tsu-wing-gam na nasa lugar na iyon ay wala sya (hahahahaha)

“Baka nasa kanila pa!” may pag-asa kong nasabi sa sarili ko at tinungo ko na nga ang sa kanila, lakasan na ng loob

Nang mapatapat na nga ako sa kanila ay agad kong hinubad ang helmet na suot ko sabay lapit na sa gate nila at akmang “magtatao po” na ay biglang.....

“Fugi!” pagtawag sa akin ng isang pamilyar na boses at agad din naman akong napatingin sa kinaroroonan noon at nakita ko nga ang nakangiting si kuya joseph (gwapo talaga ang lahi nila, pinsan ata nila si Lord ih! Hehehe)

Ako: kuya seph! (bati ko naman dito kasama ang magiliw na ngiti din at naglakad na ito papunta sa akin pagkatapos ay agad na din binuksan ang gate nila), ah.. eh kuya.... (hindi ko natapos dahil sa pagsingit nito agad)

Joseph: si Ian ba? Kanina pa sya umalis, may usapan ba kayo? (tumango na lang ako sa kanya bilang tugon)

Ako: kuya seph, una na ako ha! (sa puntong iyon ay hindi na maipinta ang mukha ko kasi patay ako sa tampururot na iyon, hehe)

Agad na akong tumalikod at mabilis na tinungo si drey, pero narinig ko ulit si kuya joseph na nagsalita

Joseph: easy lang! nahahalata (hindi ko masyado naintindihan, pero hinarap ko pa din ito at nakangiti itong nakakaloko)

Ako: ano iyon kuya seph?

Joseph: napakaswerte sayo ng kapatid ko (magiliw na itong nakangiti, pero nalilito pa rin ako sa sinasabi niya, masyado talagang vague, kaya nagtapon nalang ako ng nagtatakang tingin sa kanya at agad naman itong naglakad palapit sa akin), basta pag-inaway ka ng loko kong kapatid sabihin mo lang sa kuya seph mo, hindi ko sasantuhin iyon, sumbong mo sa kuya! (nasabi na lang nito habang magiliw pa rin itong nakangiti at nakatingin sa akin)
Ako: sige kuya! Yes! may magtatanggol na sa akin pag nag “JINCHURIKI” ang isang iyon (parang bata kong sabi dito na ikinatawa lang nito, hahaha)

Joseph: ganoon ba sya kahalimaw magalit? (natatawa nitong nasabi)

Ako: slight! (natatawa ko ring sagot), kuya tama na baka kung ano na nangyayari kay ian, isusumbong kita doon (pagbibiro ko na ikinatawa lang ulit nito), sige na kuya seph, malelate na ako (pagpapaalam ko naman dito)

Nagulat na lang ako sa mga sumunod na nangyari, bigla bigla nalang akong nakaramdam na may humablot ng braso ko at ang sunod kong namalayan ay ay ay nakasalampak na ako sa matipunong dibdib ni bi kuya joseph (mas matangkad kasi sya all most 6 footer na ata)

Sa puntong iyon ay wala akong nagawa at pagkabigla ang bumalot sa akin na naging dahilan para hindi ako makagalaw (buti nalang at naihulog ko ang card field ng sa bakugan at huminto ang oras pati na rin ang paggalaw ng tao, bagay o kahit anong living things sa earth na naging dahilan para walang makakita ng yakapan na iyon... haha joke, yes naisingit ko ito! Hahaha)

Nagising na lang ako ng biglang magsalita si kuya joseph..............

Joseph: payakap lang (at lalo kong naramdaman ang paghigpit ng yakap niya na naging dahilan para lalo akong maisiksik sa kanya), masyado mo kasi akong pinasasaya (bulong nito kasabay noon ay dahan dahan na din nitong inalis ang pagkakayakap niya sa akin)

Naiilang at nahihiya ako (kasi kasi) at at agad kong tiningnan ang paligid at nakahinga ako ng maluwag dahil wala namang tao, wala naman sigurong nakakita, pagkatapos ay agad ko na ding tinapunan ng tingin si kuya joseph ng tingin at nakita ko itong nakatingin din sa akin at nakangiti ito

Ako: ah.. eh.. (naiilang kong panimula), kuya, a...a...alis na ako (nauutal kong nasabi at tango lang ang naitugon nito kaya agad na akong sumakay kay drey at ng napaandar ko na ang makina, narinig ko uli ito)

Joseph: ingat fugi ha! (humarap ako dito at nginitian ito at saka tuluyan ng umalis)
Sa byaheng iyon ay halo-halo ang pumapasok sa utak ko isa na doon ay si kuya joseph pero agad din natabunan iyon ng maalala ko si ian pati na din ang wala nang takas na pagkalate ko sa araw na iyon

Haist.........! tanging nagawa ko nalang

Sa kabutihang palad ay narating ko ng mabilis ang Lyceum at nang silipin ko ang akong relo 20 minutes na akong latable kaya agad ko nang tinakbo ang room namin

Takbo...lakad..takbo...hinga ng malalim... takbo ulit hanggang sa wakas ay nasa pintuan na ako ng room namin iyon, agad kong inayos ang aking sarili at pagkatapos ay agad ko nang pinihit ang doorknob sabay bukas ng pinto

Narinig ko naman nahindto ang ingay na sa tingin ko naman ay discussion na iyon at agad na nagtinginan sa akin ang mga tao sa loob na iyon

Pero imbis na sila ang pansinin ko ay, inunang hanapin ng paningin ko ang prisensya ni ian at ilang sandali pa ay namataan ko na ito at nagtatakang hindi man lang ako itinapunan nito ng tingin at ang isa pa sa napansin ko ay ay sobrang seryoso nito

“Mukhang bad trip” nasabi ko sa sarili ko

“Mr. Chio, your late and now your distracting my lecture, you may now take your seat” mukhang galit ito base sa tono nito na agad namang nagpakilos sa akin para tunguhin ang aking upuan sa katabi ni janine (alphabetically arranged na kasi)

Pagkaupong pagkaupo ay sumulyap ulit ako sa kinatatayuan ni ian at katulad kanina ay ganoon pa din ito at sa white board lang ito nakatingin, nang maramdaman kong parang may nakatingin ay agad kong hinanap iyon at si anthony ang bumulaga sa akin

Nakangiti itong nakatingin sa akin at tinugunan ko naman ito at pagkatapos ay agad namang kinuha ni janine ang atensyon ko

Janine: friend, Monday na Monday late ka, ano bang ginawa ko kagabe (bulong nito, pero imbis na sagutin ay nagtanong nalang din ako sa kanya)

Ako: janine, akong oras dumating si ian? Nandito ka na ba noong dumating sya? (sunod sunod kong bulong na tanong sa kanya na mababahiran ng pag-aalala)

Janine: eight something na pero mas nauna naman sila kay prof, magkasabay panga sila ni anthony at mukhang seryoso sila (nailahad nito)

Ako: ah ganoon ba? (ang naitugon ko na lang)

Janine: may problema ba kayo? (imbis na sagutin pa sya ay nanahimik na lang ako at umiling iling at agad na tinuon kunyari ang atensyon sa naglelecture na ulit na prof namin)

Nagtataka ako sa sinabing iyon ni janine pero kahit anong isip ang gawin ko ay wala akong mahinuha na kasagutan

“Nagkataon lang siguro na nagkasabay sila” nasabi ko na lang ulit sa sarili ko

Paminsan minsan ay tumitingin ako sa kinaroroonan ni ian pero ni hindi man lang nagtama ang aming paningin na labis ko namang pinag-aalala, kasi mukhang may something ih!

Natapos na ang klase naming iyon na hindi ko namamalayan dahil sa aking mga iniisip at nang makalabas na ang prof namin ay agad kong inayos ang gamit ko, habang ginagawa ko iyon ay napansin ko ang paglabas na ni ian sa room naming iyo, na talaga namang nagpatotoo sa aking hinala na nagalit ito sa hindi ko pagtupad sa aming usapan

Mabilis pa kay flash na isinilid ko agad ang mga gamit ko at ni hindi ko na tinapunan ng tingin si janine o kahit si anthony agad na akong lumabas para habulin si ian

Nang mahanap ang kinaroroonan niya ay, malayo na pala ang nalakad nito kaya tinakbo ko ito, napansin kong papunta ito sa cafeteria at nang makalapit na ako dito ay ay bigla naman itong pumasok sa rest room, agad ko na rin itong sinundan at nang makapasok na ako at napansin ko agad ito na naghihilamos at nang igala ko pa ang akong tingin ay napuna kong walang ibang tao bukod sa amin kaya inilock ko agad ang pintuan para makapag-usap kami ng maayos at masinsinan ayaw kong magtagal pa itong hindi namin pagkakainitindihan

Naghihilamos pa rin ito, nilapitan ko na sya ay sabay hila sa laylayan ng unipome nito na parang bata para kuhanin ang atensyon nito

Ako: ian! (naiilang kong pagtawag sa kanya habang hinihila ng madahan ang laylayan ng uniform nito)

Sa puntong iyon ay bigla syang umayos ng tayo pero imbis na humarap sa akin ay sa salamin ito tumingin para tingnan ako

Napansin ko ang walang emosyong mukha nito habang ang mga tubig gawa ng paghihilamos niya ay tumutulo simula sa noo pababa sa pisngi, sa baba at babagsak sa sink, habang nakabukas pa din yung faucet kung saan sya naghilamos

Ako: so....sorry kung kung ano, na..na nalate kasi ako ng gising (nauutal kong nasabi dahil habang nakatingin ako sa kanya sa pamamagitan ng salamin sa harap namin ay kakaibang ian ang inilalabas ng repleksyon nya na nagpapakaba sa akin, parang may iba talaga), uy! Ian wag mo naman akong biruin ng ganyan oh! (medyo nag-aalala ko nang sabi), hoy! Sige na anong gagawin ko para hindi ka na magalit, ikaw kasi ih! Kahit sa panaginip ko hindi ko ako nilubayan yan tuloy, napahimbing ako (magbibiro ko na sinamahan ko pa ng pekeng tawa para lang kahit papaano ay may bumahid na ibang emosyon sa kanya, pero wala pa rin, ganoon pa rin, na para bang basta hindi ko maipaliwanag), i..an...! (ang naisatinig ko na lang sabay napayuko na ako bilang pagsuko)

Inisip ko na sana sabihin nya na na joke lang fugi! Tapos tatawa na sya ulit ng malakas dahil na good time nya na naman ako at kukulitin na hanggang sa magtawanan na kami paheras dahil sa kalokohan nya, pero hindi nangyari ang iniisip kong iyon bagkus ay binalot kami ng nakakabinging katahimikan

Napahigpit na ang hawak ko sa laylayan ng uniform nya ay hinila ulit ng dahan dahan habang nakatungo pa rin para kuhanin ang atensyong kanina ko pang inaasam na makuha
“itigil na natin ito” mahina nitong nasabi na kahit ganoon ay talaga namang kumuha ng lahat ng atensyon ko, wala ni kahit anong emosyang maramdaman sa mga salitang iyon

Ako: a...ano? (napatunghay ako at tiningnan ko sya sa salamin at nakatingin pala ito sa akin pero ganoon pa din sya, napakablanko nya)

Ian: itigil na natin ang kahibangan ito fugi! (pag-uulit nito na sa puntong iyon ay may diin na ang pagkakasabi nito), wala lang pala ito...... (dagdag nito na nakangiting hindi mo maintindihan na talaga naman may kong anong hatid sa akin at sa emosyong unti unting namumuo sa loob loob ko), siguro nga malungkot lang ako at naghahanap ng makakaintindi sa akin, at sa mga oras ikaw lang yung nagtiyaga sa akin, nakinig at (sabay tumawa ito), at kaya siguro nakuha mo ang loob ko, pero mali pala, wala naman palang espesyal na nararamdaman ito (sabay turo nito sa dibdib nya kung nasaan nakapailalim ang puso nya), kaya yung nasabi ko sayo kahapon at noong mga nagdaang araw ay..... (hindi nito natapos dahil sumabat na agad ako)

Ako: i....ian! (pinipilit kong hindi maggaralgal ang tinig ko dahil sa mga narinig kong sinabi nya), tama na ang joke time oh! (at pinilit kong ngumiti pero nararamdaman kong nanlalabo na ang mga mata ko sa namumuong mga tubig dito), pinagtitripan mo na naman ako, sorry....... (sabay yakap na sa kanyang likod dahil sa puntong iyon hindi na nagpapaawat ang mumunting butil ng tubig na kumawala sa mga mata ko)

Naramdaman ko ang mga kamay niya na kumapit sa kamay ko, na ang akala ko ay lalo nyyang ihihigpit ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya, pero mali na naman ang hinala ko dahil kabaligtaran ang nangyari, unti-unti niyang inalis ang pagkakayakap ko at humarap na ito sa akin

Ian: makinig ka fugi (matigas nitong sabi), mali lahat nang nangyari sa atin, mali ito, at mahal na mahal ko si sarah (tumigil ito at huminga ng malalim), ......at ikaw............ wala akong nararamdaman sayo! (bigla na itong tumalikod sa akin at naglakad na palayo)

Hindi ko napigilan ang maiyak sa puntong iyon kaya na patungo na lang ako at ipinilit na wag ipadinig ang aking mga hikbi pero hindi ko kaya, masakit kasi...... at nang marinig kong i-unlock na niya ang pintuan at bubuksan na nya ang pinto para makalabas sya at hindi ko napigilan ang sarili kong magsalita

Ako: a..aka..akala ko ba ma...mahal mo a..ako (nasabi ko sa pagitan ng paghikbi ko at ikinatigil naman nya at humarap sa akin at...................)

Ian: Yun din ang akala ko, pero hindi pala (kasabay noon ang pagtalikod niya sa akin at paglabas na ng CR na iyo)

“Yun din ang akala ko, pero hindi pala”

“Yun din ang akala ko, pero hindi pala”

“Yun din ang akala ko, pero hindi pala”

“Yun din ang akala ko, pero hindi pala”

“Yun din ang akala ko, pero hindi pala”

“Yun din ang akala ko, pero hindi pala” (ang parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa utak ko)

Madahan lang ang pagkakasabi nya sa mga salitang iyan pero halos tumagos sa lahat ng 
bahagi ng katawan ko at nagbigay nang kakaibang sakit sa puso ko, sakit na hindi gawa ng kahit anong pisikal na bagay, hindi gawa ng histamine o endorphins, hindi dahil ng lack of oxygen o kung ano mang bara, pero ito yung sakit na pinakamasakit na mararanasan mo, ang sakit na gawa ng sawin pag-ibig

At sa puntong iyon ay parang nanghina ako, napaupo na lang ako at sa puntong ito ay itinikom ko ang aking katawang, niyakap ko ang aking mga tuhog ay doon ini-ob-ob ang mukha ko at nag-iiyak, hindi na alintana ang magaganap sa paligid basta ang alam ko, sobra akong nasasaktan:,(


Itutuloy.............................

Sabado, Marso 24, 2012

Story Cover

Created by: Makki



 -----> Sobrang ganda naman nito, super duper salamat sayo MAKKI, I never thought that....... (ah! sakit talaga, wag na ngang ipilit... hahaha), basta tatanawin kong malaking utang na loob itong ginawa mong favor sa akin
At at alam mo ba na swak na swak yung kulay na pinili mo kasi pang nursing yan... hehehe
Again, Lubos akong nagpapasalamat sa iyo, I <3 U!

Huwebes, Marso 22, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 41)


By: FUGI

---) nais kong pangunahan na na may ginamit po akong lines mula sa all time favorite kong movie para sa pahina na ito, hindi ko na lang sasabihin kung anong movie yon, hulaan nyo nalang (hehe)

---) at nais ko sanang humingi ng favor sa tagasubaybay ng istoryang ito na marunong gumawa ng, yung para sa title cover, hindi po talaga ako marunong (tanga ih! Hehe), salamat kung may gagawa para sa akin noon, tatanawin kung habang buhay na utang na loob, salamat

@ sa mga ever loyal na talaga namang simulat sapol ay sumuporta at nag-iiwan ng comments.. salamat po! Hindi ko po muna kayo maiisa isa, promise, bawi ako sa next chapter.. hehe

@ sa mga lihim na sumusubaybay.... TPO!:]

Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento

Kinaumagahan nagising ako dahil sa mga daliri na dumadampi sa mukha ko, na parang tinutunton ang mga bahagi ng mukha ko

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, sa una ay malabo pa pero nang nakaadjust na ay tumambad ang napakagwapong nilalang suot suot ang napakagandang ngiti sa labi nito

Ian: Good morning! (sabay halik nito sa akin)

Agad nabuhay ang dugo ko, naenergize ba! (hehe... kasi kasi)

“Hindi nga sya isang magandang panaginip lang” nasabi ko sa sarili ko at napangiti nalang ako at napuna naman ito ni ian kaya humiwalay ang mga labi nito sa akin at magiliw na ngumiti sa akin

Ako: ikaw ha! Nakakarami ka nang kahahalik (sabay lagay ng hintuturo ko sa mga labi nito, habang pinipigilan ang sariling kiligin....... kasi kasi nga... hahahaha)

Agad namang inalis ni ian daliri ko sa labi nya at inilapit ulit ang mukha nya sa akin at muli na namang naglapat ang mga labi namin

“Masanay ka na, dahil hindi ko na makokontrol pa ang sarili kong angkinin ang malalambot mong labi ngayon pang alam kong mahal na mahal mo ako at mahal din kita” sabi nto sa pagitan ng mga halik nito sa akin

Wala nalang akong nagawa kung hindi ang kiligin (ayieeeeee.....kasi kasi.. kinikilig ako ih! Haha............ sana lagi na lang ganito, hindi yung halikan ha! Kung ganito na masaya kaming magkasama)

 Maya maya ay may bilang kumatok na naging dahilan para bumalik ang diwa namin na inanod na dahil sa halikang iyon

“Sir ian, pinatatawag na po kayo ng mama nyo, nakahanda na po ang almusal” sabi ng kasambahay nila sa pagitan ng pagkatok
Ian: sige ate susunod na kami (naitugon na lang nito habang kala mo ay nalugi ang mukha)

Narinig na lang namin ang mga yabag na naglalakad palayo sa pintuan na iyon ni ian, umalis na siguro yung kasambahay nila pagkadinig ng mga sinabi ni ian
“kasi naman, nag-aalmusal in bed na nga, istorbo naman oh!” si ian na parang bata habang pilit iniuupo ang sarili

Agad ko naman itong tinampal sa likod nito

Ako: behave ka ha! Ang bad mo na ha! (habang agad na tumalikod sa kanya dahil alam kong namumula ako sa mga sinabi nyang huli)

Ian: nagsasabi lang ako ng totoo ih! (humahagikgik nito sabi, nalalong nagpainit ng pakiramdam sa buong katawan ko at nahala na na tuloy ang pamumula ko)

Ako: tumigil ka na nga ian! Sabay kuha ng unan at bato dito (tatawa tawa naman ang loko)

Hindi na ako nagsabi sa kanya at mabilis kong tinungo sa banyo sa pagsara ko nito ay nindi ko na napikilan ang mapangiti ng sobrang luwang at sobrang kiligin (kasi kasi kasi nga kasi.ayieeeeeeeeeee!)

Agad na akong kumilos, naghilamos, nagmumog at inayos ang sarili at pagkatapos ng agad na akong lumabas, sa pagbukas ko ng pinto ay tumambad naman si ian sa akin, grabeng temtasyon naman talaga, wala itong suot na pang itaas kaya naman kitang kita ang ang ang ang sobrang nakakaakit nitong BO...BODY (sorry ulit sa term.. pero sobrang YUMMY ih!.....kasi kasi naman), habang unti-unti ko naman itinataas ang tingin ko sa kanya ay napansin kong ang kaliwang kamay nito ay nakataas na nakaflex kaya ang siko nito ang nakatuon sa gilid ng pintuan, kitang kita tuloy ang ang, kahali halina nitong buhok sa kilikili, medyo makapal na ito ay maganda ang tubo (grabe talagang temtasyon ito, nakakapanghina), at at ng mapadako ang mukha ko sa mukha niya ay ay nakangising nakakaloko ito, kaya naman nahiya naman ako sa inasta ko dahil pihado hindi ito nakatakas sa paningin nya.... kasi kasi naman ih!

Ako: a..a..are ..y-you tra....try----ying to to se...seduce meeee? (naiilang, nahihiya na bahagya ko na naisatinig ang mga ito habang pilit na iniiwas ang tingin sa kanya)

Agad naman niyang kinuha ang baba ko at iniharap ang mukha ko sa kanya na naging dahilan para magtama ang mata namin

Ian: are seducible? Nakangiti nitong sabi sa akin

Pinili ko namang iginaya ang ulo ko side by side para ipahatid na “HINDI” dahi nga hindi ko na kaya sobra na akong mahina dahil sa epekto sya

Ian: that’s what I thought (sabay bigay nito ng mabilis na halik ulit sa labi ko at agad na dumaan sa gilid ko, napansin ko naman na ngingiti-ngiti ito, at pagkatapos ay pumasok na sa loob ng CR at dahan dahan na isinara ang pinto)

Agad akong napasandal sa pader malapit sa akin at napabuga ng hangin para makabawi ng lakas (kasi kasi naman eh!.. haha)

Nang kaya ko nang maglakad ay tinungo ko na ang kama niya ay napansin kong may damit doon at ng makalapit ako ay may nakita akong maliit na papel sa ibabaw nito at ng kuhanin ko ito ay ito ang mababasa.....

“Eto na isuot mo, bagay ito sayo, favorite ko nga pala yan:]”

Nangiti nalang ako, at ng tingnan ko ito ay navy blue shirt at white semi-fitted below the knee short. Isinuot ko na nga ito at ng tingnan ko ang sarili ko sa kanyang whole body mirror built sa wall sa kwarto nya ay hindi ko talaga mapigilang hindi pangiti at at at kiligin (kasi nga.. ayieeeeee!)

“Wag ka masyado ngumiti, nahahalatang kinikilig ka” sabi ng boses sa likod kasabay ng mga hagikgik nito

Nang humarap ako ay si ian na pala (hindi ko namalayan ang paglapit nito, kasi naman ih!), nakatapis lang ito ng tuwalya at may mga butil pa ng tubig sa dibdib at ang iba ay tumutulo pa pababa sa katawan niya

“s**t!” nasabi ko nalang sa sarili ko pagkatapos ay agad tumlikod ako dito

Ako: magbihis ka na nga! Kanina pa tayong hinihintay doon sa baba nila mama mo (kunyari ay nagagalit kong turan dito pero malakas na naman ang isinagot nito, ih naman eh!..... haha)

Nang makabihis na nga ito ay parehas na din kaming bumaba at naabutan nga namin si tita at kuya joseph na nakangiti sa amin

“Good morning mga iho” nakangiting bati sa amin ng mama ni ian

“Good morning mama/tita” sabay naming bati ni ian

Joseph: fugi, dito ka na sa tabi ng kuya seph mo (napaharap naman ako dito at nakangiti ito sa akin, sabay noon ay inipod nito ang silya sa tabi nya, nangiti na lang ako sa kanya)

Humarap naman ako kay ian at seryoso pala itong nakatingin kay kuya joseph at nang tumingin ako sa dako ng huli ay nakangiti naman itong nakatingin kay ian, nagtatakaman ay agad kong kinuha ang atensyon ni ian at nagets naman siguro nito iyon at...

Ian: sige na doon ka na maupo (seryoso pa rin ito)

Agad na nga akong umupo sa upuan na ihilahad ni kuya joseph sa akin at ng makaupo ay si kuya joseph na ang halos umasikaso sa akin, nahihiya man ay wala na rin akong nagawa dahil mapilit ito

Habang kumakain ay napuno ng usapan sa pagitan namin nina tita at kuya joseph, pero hindi naman nakaligtas sa akin pananahimik ni ian na sya namang pinuna din ni kuya joseph

Joseph: mukhang tahimik ata ang isa dyan, nilagnat siguro sa pag-aaral nyo kagabe  (parang may himig pang-aasar itong patama kay an p sa akin ito nakatingin at nakangiti, ako naman ay walang naitugon)

Ian: ang epal mo kasi (singhal naman nito na mararamdaman ang inis, agad naman akong napatingin sa dako nito at)

“Ian, joseph at sa harap pa kayo ni fugi at ng pagkain nag-aaway, hindi na  kayo nahiya” ang medyo napataas na boses ni tita

“fugi, pasensya na sa mga anak kong sutil” sabi nito sa madahan na tono habang nakatingin sa akin

Ako: naku, tita wala po iyon sa akin, sanay na po ako sa mga ganyan, dahil ganyang ganyan dito ang mga kuya nung asa bahay pa po sila (nasabi ko na lang kasama at matipid na ngiti at ngumiti na rin ito sa akin)

Katahimikan na ang sunod na namayahi sa amin, tanging tunog nalang ng mga kubyertos at marahang pagnguya ang maririnig hanggang sa matapos kami

Ian: ma, hahatid ko na po si fugi (ang pagbasag na nito sa katahimikang iyon)

“sige anak, fugi pasensya na ulit sa nangyari kanina, wag kang madadala dito sa amin ha!” nakangiti na ito at kalmado na

Ako: tita, ok lang po (nakangiti ko naman dito), salamat po sa masarap na breakfast, paano po tita, una na po ako (dagdag ko sabay lapit dito at nagmano)

“sige iho, ingat kayo” si tita

Ako: kuya seph, uwi na ako (paalam ko sa kanya, nagulat naman ako nang biglang lumapit ito sa akin at maya maya pa ay may binulong ito na na labis kong ikinagulat at ikinataka)

Joseph: sorry fugi sa inasal ko (sabi nito ng ilayo na nito ang sarili niya sa akin)

Ako: wa....wala i..yon ku..ya seph (bahagya ko na nasambit dahil iniisip ko pa rin ang ibinulong ito)

“Tara na fugi” ang pagtawag na ni ian na nakatayo na pala at may kung ano na naman sa itsura nito

Agad na akong tumayo at nagpaalam ulit sa kanila at nang makalapit ako kay ian ay agad na itong naglakad  at sinundan ko na lang ito

Nang makasakay na kami ng sasakyan nya ay agad na nyang pinaandar ang makina nito at maya maya pa ay pinatakbo na niya nito, yung kasambahay na nila ang nagbukas at nagsara ng gate

Naging tahimik ang pagitan naming dalawa sa loob ng sasakyan niya at naisip ko nalang ulit ang binulong ni kuya joseph

“Masyadong halata ang kapatid ko ano?” (hindi ko gets kung anong gusto nyang ipahiwatig sa sinabi nyang iyon, ang alin ang pagkapikon ba nito? Wala talaga akong maisip sa puntong iyon, ipinagkibit balikat ko nalang iyon)

At nang nasa kanto na kami ay nagtaka ako kung bakit lumiko sya papuntang batangas imbes na pauwi sa bahay namin, kaya naman hindi ko na natiis ang sarili kong basagin ang ang katahimikang namayani

Ako: saan ba tayo pupunta? (kalmado kong tanong kay ian)

Ian: pwede bang wag ka nang masyadong makipag-usap sa kuya ko? (tanong nito na ikinalito ko)

Ako; ha? (parang tanga lang, kasi nga ay hindi ko maintindihan masyadong vague.. hahahah wow.. gusto ko lang yung pagkakatype ko ng vague.. im so proud of myself.. hahaha)

Ian: basta sumunod ka na lang, pls (sabay harap nitong mabilis at natawa ako sa itsura ng mukha nito na nagpapaawa.cute! hehe), one more thing (panimula ulit nito), wag ka na din masyado makipagclose sa mokong na anthony na iyon.........(hindi pa ito tapos ng sumingit ako)

Ako: teka teka teka nga,nagseselos ka ba sa kanila? (nagingiti ko namang pangbubuyo sa kanya at hindi nga ito nakasagot), nagseselos ang ang isang bata, uy! Nagseselos (sabay kiliti ko na sa tagiliran nito)

Ian: bakit ako magseselos? Nag-iingat lang ako (katwiran nito)

Ako: nag-iingat ka na maagaw ako nila? (nakangiti ko paring pangbubuyo dito)

Ian: nag-iingat lang ako na na mawala ka pa sa akin (sabi nito habang nasa daan ang atensyon nito)

Agad kong tinanggal ang seatbelt ko at agad na niyakap si ian ng sobrang higpit at.......

Ako: hindi na mangyayari iyon, kasi po inokupa mo  na lahat ng space sa puso ko at kahit nga utak ko sinakop mo na din, kaya malabong mangyari iyon (paninigurado ko dito)

Naramdaman ko na lang ang pag-akbay ng kanang kamay nito sa akin at ang paghalik nito sa ulo ko

Ako: kaya dapat wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano, ok po?

Ian: susubukan ko

Ako: saan nga pala tayo pupunta? (habang inaalis na ang pagkakayakap ko sa kanya at tumingin na sa kanya)

Ian: magsisimba tayo, ito yung unang unang pagkakataon na magkasama tayong attend ng mass at syempre hihingi na rin tayo ng blessings at guidance sa kanya para sa ating dalawa (nakangiti na ito)

Ngumiti na lang at tumango-tango ako dito bilang pagsang-ayon, sobra nya talaga akong pinapahanga sa ugali nya, at lalo ko syang minamahal dahil doon

Mabilis naman kaming nakarating sa basilica at saktong hindi pa nagsisimula ang misa ng makarating kami. Marami na ring mga tao kaya halos naokupa na lahat ng upuan, kaya hindi na kami nakipagsiksikan para makapasok sa pinaka loob ng simbahan, mas pinili na lang namin ay tumayo sa gilid malapit sa bukana

Habang hinihintay namin ang pagsisimula ng misa ay nagkaroon ako pagkakataon na maipabatid sa ating panginoon ang akin saloobin....

Papa Jesus, nais ko po munang humingi ng paumanhin dahil hindi ko nasunod ang kung ano man ang nais nyo na na na “ang lalaki ay sa babae and vice versa”, pero alam ko na mas malawak ang pang-unawa nyo kesa sa sinasabi ng mga tao na “mali ang ganitong relasyon sa mata nyo”, di ba po kaya nyo po ginawa ang puso na malayang tumibok at hindi kinukontrol ng kahit anong bahagi ng aming katawan o kung sino ay dahil para kusa nitong hanapin ang taong inilaan nyo para sa amin at sa puntong ito si ian po ang pinili nitong pinagkatiwala nyong puso sa akin, kaya po sana patnubayan nyo kami at bigyan ng lakas para sa mga problemang kakaharapin namin sa pinili naming ito, kakayanin ko po lahat basta wag nyo lang kaming bibitawan, salamat po!

Kapanatagan.......... yan ang naramdaman ko

Maya maya ay nagsimula na nga ang misa at taimtim naman kaming nakinig ni ian, at sa puntong nagtatama ang aming mga mata ay masusuyong ngiti lang ang ibinibigay namin sa isat isa

Pagkatapos ng misa ay agad naman kaming tumungo sa tindahan ng bibingka at puto bungbong at iba pang kakanin para ipampasalubong kela mama, at nang makabili ay agad na din akong inihatid ni ian dahil ang usapan nila ni mama ay ibabalik ako ng umaga ng araw na iyo at ayaw nya daw maisara sa usapan nila baka daw ma-bad shot agad sya kay mama, at nang malaman ko iyon ay natawa na lang ako, paimpres ang mokong ih! (hehehe)

Pagkahatid nito sa akin at tumigil muna ito sa bahay at doon na din nagtanghalian at sa puntong iyon ay sobrang close na nya talaga sa pamilya ko, nangingiti na lang ako pag nakikita ko sila

Nakauwi ito ay past 2:00 na ng hapon ng tawagan siya ni tita na umuwi at may pupuntahan daw sila, agad na itong nagpaalam kela mama, patrick at angel at pagkatapos ay hinatid ko na nga ito sa kotse nito

Ako: ingat ka sa pagmamaneho ha!

Ian: opo boss, pwede bang favor?

Ako: ano po iyon?

Ian: pakiss (nakangisi na itong nakakaloko)

Ako: ian ha!

Ian: sige na please (sa paawa nitong mukha)

Ako: baka may makakita kasi (pagdadahilan ko)

Nagulat na lang ako ng bilang naglakad si ian papunta sa passenger’s area at binuksan ang pinto nito.......

Ian: sakay, saloob walang makakakita, tinted (nakangising nakakaloko ulit ito habang nakaturo sa bintana ng kotse niya)

Ako: bukas na lang para dalawa (pagpapalusot ko ulit), dali na, umalis ka na, hinahanap ka na sa inyo (dagdag ko pa)

Ian: hindi ako aalis hanggat walang kiss (parang bata nitong sabi), dali na kasi, kiss lang ih!
Ako: quota ka na kaya, bukas na ulit (pangangatwiran ko, habang pinipigilan ko nang mapangiti dahil sa itsura na nito)

Ian: mukhang hindi ko nga ako love, sige aalis na ako (nakasimangot na ito habang parang batang nagmamaktol sabay sara na pintuan ng passenger seat at naglakad na papunta sa driver’s side)

Hindi ko na nga napigilan ang pagtawa sa inasta nito agad ko na ngang tinungo iyon at binuksan sabay pasok, napansin ko naman ang mokong na nakangisi na ulit, at nang makapasok ay agad ko nang sinunggabang ang labi nito ng mabilis tapos ay mabilis din na bumitaw sabay labas na ulit ng sasakyan, mahirap na at baka mapasarap... hahaha

Tatawa tawa naman ang mokong sa inasal ko at kumaway na ito sa akin at........

Ian: I LOVE YOU (sabi nito na walang boses)

Nangiti at sobrang kinilig na man ako doon (kasi kasi)

Ako: I LOVE YOU (sa kaparehong paraan sabay peace sign para sa “TOO”.. hehe)

At pagkatapos noon ay umandar na ang sasakyan nito habang ako naman ay tinanaw na lang ito hanggang sa nawala na ito sa paningin ko..

Itutuloy..........