fugi's playlist

Huwebes, Disyembre 27, 2012

One Great Love 13



by: FUGI

 
Authors Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN, nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba iyon na rason? hehe)

Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________

“Galing, marunong na sya” si Calyx na sinamahan pa ng pagpalakpak

“Compliment ba yan o pang-aasar?” ang nakangiting si Joss

“Actually..... both!” at hindi na nga napigilan ni Calyx ang mapatawa na sinabayan na din ng huli

Kanina pa gusto tumawa ni Calyx dahil sa nalaman na kaya pala ito dalas dalas na pinauuwi ni Joss ay dahil sa hindi ito marunong magpalit ng diaper, pero nang mapansin niya ang nag-aalangan, nahihiya at napapakamot na lang na si Joss ng sabihin nito ang rason ng pagtawag nito sa kanya ay agad niyang pinigil ang sariling mapatawa at agad na lang pinuntahan ang umiiyak na sanggol.

Kita ni Calyx si Joss sa kanyang peripheral na mataman itong pinapanood ang ginagawa niya para siguro alam na nito ang gagawin sa susunod at nang malinisan ang bata ay agad namang iminuwestra nito kay Joss ang bata

“Ikaw na ang magpalit” ang nakangiting sabi nito na agad naman nilapitan ng huli

“Paano ba ito?” si Joss na hawak na ngayon ang diaper

“Ganito lang.....” si Calyx na sinumulan ng i-coach ito

-o-o-o-o-

“Kaya mo na ba mag-isa?” pagtatanong ni Calyx na masiguro na alam na ni Joss lahat na sinagot na man nito ng marahang pagtango

“Babalik na ako.....”hindi natapos na sasabihin nito

“Dito ka na maglunch! Malapit na namang mag-12 eh!”para may kasabay din ako” pag butt-in ni Joss

Hindi naman agad nakasagot si Calyx dahil napatitig ito sa mga mukha ni Joss at naalala niya ang itsura nila kanina pagkagising niya, ang pagkalapit na halos na magdidikit na nilang mukha konting ibo na lang.

“Please!” ang pakikiusap nito sa pag-aakalang nag-aalangan si Calyx sa hindi agad pagsagot nito.

“Si..sige” kasabay ang pag-iwas na ng tingin dito

“Sino ba makakatanggi sayo” pabulong na sabi ni Calyx na hindi pala nakalagpas sa tenga nito?

“May sinasabi ka ba?” pagpuna ni Joss sa pagbulong ng huli

“ah eh.. ano kakainin natin? Ang mabilis na pagpapalusot na lang nito

“Pagkain?” nang-aasar na si Joss na sinabayan pa ng hagikgik na ikinasimangot lang Calyx na lalo lang ikinatawa nito

Masaya ang naging lunch ng dalawa napuno ng asaran at tawanan sa mga nangyari sa araw na iyon sa kanilang dalawa hanggang sa napabalik na ulit si Calyx dahil sa mga klase nito sa hapon

-o-o-o-o-

Naging smooth sailing ang mga nangyari sa dalawa kasama ang anghel na kanilang inaruga sa paglipas ng mga araw na sa hindi nila namalayan na mag-iisang buwan na sila sa ganoong set-up

May mga gusot man katulad nang mga hindi nila nasusunod ang kalendaryo nila dahil sa mga biglaang lakad ay nagagawan nila naman ito ng paraan, ng lusot at sa paglipas din ng mga araw na iyon ay lalo lang napapalapit sa isat-isa ang dalawa, na mas nakikilala nila ang bawat isa, ang kahinaan nila, ugali, ang kahit hilig at mga hindi gustong bagay, mas lumalim na nga ang samahan nila.

”Labas tayo, ipapasyal natin si tsikiting” ang bungad ni Joss pagkapasok sa unit ni Calyx

“Wala ka bang lakad ngayon” ang nangungunot noo nitong nasabi sa pagkabigla habang hawak hawak ang naglalaway at pumapalakpak na si baby Andrie

Sanay na kasi ito sa biglaang lakad ni Joss at magti-text na lang ito na gagabihin ng uwi, pero hindi naman ito nagpapabaya sa mga responsibilid nito.

“Wala ka bang naaalala sa date ngayon?” ang tanong nito na agad nagpalingon naman sa kalendaryo at napaisip na kung anong meron sa araw na iyon, ilang segundo din bago niya naalala kung anong meron at napatingin siya kay Joss na nakangiting nakatingin sa kanya kasabay ang pagtango na parang nababasa nito ang naiisip niya sa puntong iyon at ng magawi naman ang tingin nya kay baby Andrie at papalak-palakpak ito na kala mo ay natutuwa at nalaman na ni Calyx ang kung ano meron sa araw na iyon na lalo ikinangiti ni Calyx at napayakap na lang ito sa bata

“Happy month old sa puder namin baby!” kasabay noon ay ang pagyakap na din ni Joss sa dalawa

-o-o-o-o-

Ngingiti ngiti na may kasamang paghanga si Calyx habang palihim na sinusulyapan ang mag-ama-amahang si Joss habang nakasukbit dito ang carrier na pinang lalagyang ng cute na cute sa suot nitong superman costume na si baby Andrie

Kung hindi nya lang siguro kilala ang dalawa ay iisipin niyang mag-ama talaga ito dahil sa halos nakakahawig na ito

“Mag-ama siguro sila!” ang naisaisip na sabi ni Calyx at hindi na niya namalayan na nakatitig na siya sa dalawa

“Natulo na” si Joss sabay lahad ng towel ni baby Andrie sa gilid ng kanyang labi at sa ginawang niyang iyon ay agad na nakabalik sa wisyo ito at nag-iwas ng tingi kasi nararamdam niya ang pag-init ng pisngi nya, alam niyang pinamumulhan siya sa pagkakabisto sa pagtitig nito kay Joss

“Muntikan na kami matunaw ah!” maya maya’y pang-aasar nito kay Calyx na hindi naman nito pinansin na ikinahagikgik lang ni Joss

“Sobrang nagagwapuhan ang papa Calyx mo sa atin ih! Muntikan pang tumulo ang laway ano nga baby!” ang mahinang bulong nito kay baby Andrie na sapat lang para marinig ni Calyx at magdulot ng lalong pamumula ng pisngi nito

“Mag...mag—C—C-R lang ako”  ang nag-stammer na saad ni Calyx at agad na itong tumayo at hindi na inantay ang sasabihin nito pero narinig naman nito ang hagikgik nito habang papalabas ng simbahan

-o-o-o-o-

May awkwardness naman na feeling si Calyx dahil sa pagkakahuli sa kanya kanina na nakatitig kay Joss ay hindi niya ito na ipinahalata at nagpanggap na wala na lang syang naririnig na pang-aasar mula kay Joss

Ngayon nga ay nasa isa silang malaking mall at naghihikap, naghahanap ng makakainan.

 “Saan mo ba gustong kumain?” si Joss habang nilalaro ang tumatawang si baby Andrie

“Ikaw, ikaw naman ang manlilibre” pagpaparinig ni Calyx

Naging komportable na nga ang dalawa sa isat-isa, pero magkaganoon man ay may pagkakataong naiilang pa din si calyx sa presensya nito dahil sa ang lakas o mas tamang lumalakas ang dating nito sa kanya pero pinipigilan nya ang sarili dahil baka ito ang ikasira nilang dalawa

Nagpapasalamat na lang siya at natanggap nito ang pagkatao niya at hindi ito naging hadlang sa lumalalim na pagkakaibigan nila.

“Si baby Andrie lang ang lilibre ko, hindi ka ba nainform na KKB” ang natatawang biro ni Joss na ikinangiti naman nito

Nasa ganoon sialng kasayahan ng bigla nakuha ang atensyon

“Anak!” ang boses na nagmumula sa likuran nila


Itutuloy.......


Lunes, Disyembre 17, 2012

One Great Love 12



by: FUGI
 
Authors Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN, nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba iyon na rason? hehe)

Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________

“Akin ang Saturday at Sunday ok lang ba?” si Joss habang hawak ang kalendaryo at minamarkahan ang mga araw na hindi sya makakatulong sa pag-aalaga sa kinopkop nilng sanggol

Matapos nga ang muntikan nang mauwi sa away na sagutan nila kanina ay ngayon naman ay masaya nilang inaayos ang calendar nila ng schedule for the month kasama ang pabibo nang pabibong bata na si baby Andrei na sa puntong iyon ay kinikilala nang mga magulang ang dalawa

“Ang daya, bakit sayo lang paano ako paggusto ko lumabas” ang angal ni Calyx na nakasalampak ngayon sa sahig habang inaalalayan si baby Andrie na makatayo

“Naka-note na kasi ito sa phone ko, lakad ng barkada” ang nagpapaawang pagpapaliwanag naman nito

“Sige pero pwede naman kami lumabas ni andrie sa mga araw na iyon na wala ka” ang pagpayag nito at pamamaalam na din nito kay Joss

“Basta mabilis lang at wag ka na ulit makikipag-usap sa mga hindi mo kakilala maliwanag ba” ang mga paalala nito kay Calyx na tinanguhan nalang nito

“Narinig mo ba iyon baby pwede daw tayo mamasyal” ang masayang makikipag-usap na baling nito sa bata

Nag-chuckle naman si baby andrie na ikinangiti naman ng dalawa

“Natuwa naman ang baby andrie ah!” ang pagpuna ni Joss sabay karga sa bata at itinaas ito sa ere na lalong ikinatuwa ng bata

“Nga pala kelan ka uuwi sa atin?” biglang naitanong ni Joss habang karga karga ang bata at hinahalikan

Agad naman nagbago ang emosyon ni Calyx bigla itong nalungkot na hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Joss

-o-o-o-o-

“Hello! nanay” si Calyx na tinawagan ang kanyang yaya na itinuturing na niyang pangalawang ina

“Calyx, anak kamusta ka na? miss ka na ni yaya” ang agad na nasabi nito pagkarinig sa boses ng alaga

“Miss ko na rin po kayo, OK lang po ako dito, nakakaadjust na po, kamusta naman po kayo?” ang mangiyak-ngiyak na si Calyx

“Mabuti lang ako, nangunguli ako dahil wala ang alaga ko, kailan ka uuwi dito?” ang naluluha na din nitong nanay-nanayan

“Hindi ko pa po masabi dahil busy na po ako dito” ang pagdadahilan na lang niya dahil kahit gustong-gusto man niyang umuwi at makita ito lalong lalo na ang pamilya nito ay hindi niya magawa dahil masasaktan lamang ito sa pagtrato sa kanya ng pamilya na parang hindi siya nag-eexist sa bahay nila pag-andoon ito

“Ganoon ba anak, laging kang mag-iingat dyan ha! Wala si yaya para ipagtanggol ka”

“Opo nanay, kayo din lagi kayong mag-iingat, sige na po!” ang mamamaalam na nito dahil baka humagulhol na ito at nagpaalaman na nga sila sa isat isa

Tahimik na humihikbi si Calyx pagkatapos ng tawag na iyon dahil sa sobrang na nya na miss ang nanay-nanayan at lalong lalo na ang pamilya pero kailangan nyang magpakatatag, kailangan nyang mapatunayan muli ang sarili sa pamilya

Nagulat nalang ito ng biglang may humawak sa balikat niya at minaniobra siya paharap at napasalampak na lang ang mukha nito sa dibdib ni Joss

“Nami-miss mo na ba sila? Kaya siguro ang lungkot mo kanina nung mabanggit ko ang pag-uwi sa atin” ang nag-aalalang si Joss na niyakap at inaalo si Calyx

Hindi na lang umimik si Calyx at niyakap na lang si Joss dahil kailangan nya ngayon ng shoulder to cry on

-o-o-o-o-

Naalimpungatan na lang si Joss ng maramdamang wala na siyang katabi sa kamang iyon ni Calyx

Pupugas-pugas na iginala niya ang kanyang mata sa paligid at walang Calyx siyang nakita

“Pumasok na yata, hindi manlang nagpaalam” ang nasabi nalang nito sabay taob ng mukha sa unan

Maya-maya pa napapaling siya kung saan nakahiga si Calyx at tumambad sa kanya ang nakatuping papel na nakapatong sa unan nito. Agad siyang napaupo at inabot pagkatapos ay binuksan

“Salamat sa pagdamay! Gumaan ang pakiramdam ko! Pagkailangan mo din ng shoulder to cry on, nakareserve na parehas yung sa akin, teka lang pala, umiikay ka ba? Hahaha biro lang.

“Nga pala may niluto na akong breakfast nasa mesa tas yung mga instructions sa pagtitimpla ng milk ni baby Andrie nandoon nakadikit sa lata ng gatas nya, pag nagka problema ka tawag ka lang ok! Uwi agad ako pagkatapos ng klase ko.

“Salamat ulit! =) ”

Napangiti nalang si Joss matapos mabasa ang note na iyon ni Calyx

Maya maya pa na nakuha na ang atensyon nito ng walang anu-anoy umatungal na si baby Andrie

-o-o-o-o-

Nasa klase man ay lumilipad naman ang utak ni Calyx dahil sa hindi mawala sa isip niya ang pagdamay at ang yakap ni Joss sa kanya kagabe at nang magising siya kanina ay sobrang lapit na nang mukha nila sa isat-isa na kaunting galawa na lang ay mahahalikan na nila ang isat-isa. Sobrang bilis ng ritmo ng pagtibok ng puso niya sa mga oras na iyon.

Napailing na lang si Calyx na parang iwinawaksi ang mga imaheng iyon sa kanyang utak

“Kamusta na kaya silang dalawa?” ang naitanong nalang nito sa sarili patungkol sa naiyan niyang si Joss at Baby Andrie

Nagulat nalang siya ng biglang nagvibrate ang kangang telepono at nang tingnan niya ito ay si Joss ang tumatawag kaya agad syang nagpaalam para mag-CR sa kanyang prof

“Ano kayang problema?” nag-aalala niyang tanong sa sarili

-o-o-o-o-

“Hello! Napatawag ka?” nag-aalala nitong pambungad ng masagot nito ang kayang phone

........................

“Ha! Sige sige uuwi na ako” agad na nagtatakbo pabalik ng room niya si Calyx at nagpaalam ng maayos sa professor nito dahil nagka-emergency lang at pinayagan naman siya nito

Mabilis pa sa alas kwatrong umalis si Calyx pagkakuha niya ng gamit niya

“Ano ba kasing nangyari?” ang sobrang napapalatak na naitanong na lang si Calyx habang patakbong lumalabas na ng campus nila.


Itutuloy.......


Huwebes, Disyembre 13, 2012

One Great Love 11



by: FUGI

Authors Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN, nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba iyon na rason? hehe)

Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________

Kakaiba ang tuwa at fulfillment ni Albertn pagnaka-capture nya ang mga bagay na sa paligid na may ibat-ibang mensaheng nais ipabatid gamit ang lente ng pinakamahalagang bagay na pag-aari niya, ang kanyang kamera

Sa paggala niya ng kanyang kamera sa paligid hindi inaasahan na nahagip ng kamera nito ang isang lalaki na may sanggol na nakasukbit sa katawan nito gamit ang baby carrier, nakaupo sa isa sa mga bench ng park ng eskwelahan nila

Nang makuhanan niya iyon ay agad niya itong tiningnan, i-zi-noom niya ito para mas makita ang nakunan niya at nakita ang masayang itsura nito na naikipag-usap sa tangan tangang sanggol. Hindi niya napansin na napapangiti na pala siya sa larawan na iyon

-o-o-o-o-

“Baby andrie, hindi nasagot ang “daddy Joss” mo ih!” ang pagkausap ni Calyx sa bata habang nilalaro-laro niya ito

“Kailangan talaga naming magpapalit ng schedule para hindi ka nawawalan ng kasama, para kahit isa saamin lagi mo kasama ano nga baby?” ang dagdag pagkausap nito pero abala naman ang sanggol sa pagkalikot ng mukha niya gamit ang mumunti nitong mga kamay

“Nilalamutak mo naman ang mukha ko ih!” ang pagpuna nito habang nagme-make face para pangitiin at laruin ang bata

“hihihi” ang marahang paghagikgik na nakakuha ng pansin ni Calyx dahilan para hanapin nya ito kung saan nagmumula at sa pagharap sya sa pinagmumulan ng tawa ay sya namang pag click ng kamera sa nakatututok malapit sa kanya

-o-o-o-o-

Hindi namalayan ni Joss ang mga text at tawag ni Calyx dahil bukod sa nasa klase ito ay kasama at katabi nito ang babaeng masugid niyang nililigawan, si Celestine.

Matagal na niyang kursonada ang dalaga hindi dahil sa elegante nitong ganda kundi dahil sa likod niyon ay sobrang mabait at magaling makisama, palagi pa itong nakangiti na lalong nagpapaganda sa aura nito, pero labis syang natotorpe sa tuwing makakaharap niya ito, buti na lang at sa tulong ng kanyang mga kabarkada at sa malimit na pag-te-team-up o pag-li-link sa kanila, at naipahiwatig niya dito na gusto niya itong ligawan at hindi naman siya nabusted pero halos magtatatlong buwan na rin siyang nanliligaw dito ay mailap pa din ang “pag-oo” nito pero naiintindihan naman niya ito sa gusto nitong wag nilang madaliin ang lahat, na mas kilalanin muna nila ang isat isa, ang nais ni Celestine

“Mukha ba akong whiteboard?” ang pabulong na sabi Celestine pero ang mga mata ay nakaplaster sa whiteboard na sinusulatan ngayon ng professor nila

“Ah?” ang maang maangang ni Joss

“Sa unahan mo nga ideretso ang tingin mo, nakakailang, matutunaw na ako nyan” ang nakangiting biro nito sa huli

“Ang ganda mo kasi!” sabay paling na ni Joss sa harapan pero makikita dito ang ngiting hindi mapalis palis dahil sa pagkakahuli sa kanya

Nangiti na lang si Celestine sa sinabing iyon ni Joss

-o-o-o-o-

“Tara na!” nakangiting aya na ni Celestine sa abalang nagkakalikot ng phone nyang si Joss

“Ah eh!” hindi alam ni Joss ang sasabihin dito dahil sa mga nabasa na text sa kanya ni Calyx

“Bakit? May emergency ba?” ang panghuhula ni Celestine sa hindi madiretsong sasabihin ni Joss

Napatungo na lang si Joss dahil sa nahihiya na syang dito sapagkat ilang beses na rin bang hindi niya natutupag ang pangako dito dahil sa mga nakaraang biglaan nilang lakad ni Calyx

“Sige na! mukhang kailangan mo nang puntahan yan” mapag-intinding sabi nito

Sobrang hanga talaga sa dito sa ugali nito talagang hindi siya nagkamali ng taong mamahalin, ang nasabi nya nalang sa sarili nya at nagpakawala ng matamis na ngiti kay Celestine

“Babawi ako promise!” ang nagmamadaling sabi nito kasabay ang biglaang paghalik nito sa pisngi nito na nagpabigla din sa dalaga at agad nagtatakbo palabas ng room nila

Habang papalayo ay narinig pa niya ang kantyawan ng mga kakaklase na nakita siguro ang ginawa nya.

“Ingat hon! Text mo ako kung asan ka” ang muli niyang pamamaalam kay Celestine habang nakasilip siya sa pinto ng silid-aralan nila

Kasabay noon ay ang muling kantyawan ng mga kaklase at nakita nyang pinamulhan na ito ng pisngi na lalo lang ikinangiti

“Sira!” ang naitugon nalang Celestine at nagtatakbo na sya para puntahan si Calyx

-o-o-o-o-

“Burahin mo na kasi, para lang akong ewan ih!” ang maktol ni Calyx sa bagong kakilalang

“Ang cute kaya ng itsura mo” na pinipigilan ang pagtawa habang hawak-hawak ang kamera at ipinapakita ang naka-zoom-in na picture ni Calyx sa kanya

“Nang-aasar ka lang, sya titingnan ko lang, hindi ko buburahin” ang tugon na lang niya dito

“Palusot mo!” ang bara sa kanya nito na sinimangutan lang ni Calyx at hinarap ang kanina pa nakatingin sa sanggol sa kanila

“Wag natin kabati itong mama ha! Inaaway ako” ang pagkausap niya kay baby Andrie na nginitian lang siya

“Anak mo ba ang baby na iyan, ang bata mo pa para maging ama” ang mga nasabi lalaki

“Ha!” ang nagulat na nasabi lang ni Calyx

-o-o-o-o-

Agad na nakarating si Joss sa parke ng kanilang campus agad na iginala ang mga mata para hanapin si Calyx at si baby andrie

Agad niyang nakita ang nakangiting si Baby Andrie sa kanya at ang nakatalikod na si Calyx nasa isang bench sila na may puno na nagbibigay ng lilom sa kanilang kinauupuhan.

Malapit na siya Joss sa kinatatayuan ng mga ito ng maisipan niya gulatin ang wala paring kaalam-alam na si Calyx sa kanyang presensya. Pero ng mas makalapit ito ay tsaka pumailanglang ang isang hindi pamilyar na boses

Imbes na sya ang manggulat at sya ang nagulat dahil sa masayang pag-uusap ni Calyx at ng misteyosong lalaki na hindi niya napansin kanina dahil natatakpan ito ng puno

“Sino naman ang mokong na iyon?” ang naitanong naman niya sa kanyang sarili

Nanatili muna siyang nag-oobserba sa kanila pero makalipas ang ilang sandali at agad na niyang ipinaramdam ang presensya niya

-o-o-o-o-

“Sino ba ang mokong na iyon?” ang hindi napigilang maitanong kay Calyx

“Si Alberth, hindi mo ba narinig ang pagpapakilala niya?” ang medyo nairitang si Calyx dahil sa inasta nito ng biglaan itong nagpakita sa kanila at agad kinuha sa kanya si Baby Andrie at agad silang tinalikuran at iyang umalis na

“Kakikilala mo lang sa kanya? Tapos kung makipag-usap ka close na close na agad kayo” ang medyo galit na ring tugon ni Joss

“Walang masama sa ginagawa ko at mabait yung tao....”

“Mabait? Kakikilala mo palang paano mo nasabi ha! Hindi mo na isinaalang-alang ang kapakanan ni Andrie ah!” pagsingit sa kanyang sinasabi ni Joss

-o-o-o-o-

Tahimik, kanina pang tahimik sa pagitan ni Joss at Calyx pagkatapos ng pagsasagutan nila. Pagkatapos nilang maipaayos ang mga schedule nila sa registrar ay agad na silang umuwi.

Naayos na nila ang schedule nila pareho, pasalamat sila at nagawan pa ng paraan dahil hindi pa naman ganoong nag-start ang regular class at ngayon nga ay hindi na mawawalan ng kasama si andrie dahil ang siste ay pag may pasok si andrie ay sya namang walang pasok ni Joss, ganoon ang napagkasunduan

-o-o-o-o-

“Sorry! Pasensya na, pero alam ko mabuting tao si Alberth, hindi naman iyo sa tagal ng pagkakakilala nasusukat diba, kung hindi sa gaan ng pakiramdam mo kapag nakausap mo ang isang tao” ang paghingi nito ng despensa kay Joss pagkapasok nila sa unit nya

Alam na alam ni Calyx na may mali rin sya at may punto si Joss dahil gusto lang naman nitong protektahan  silang dalawa kaya sya na ang unang bumasag sa kanihimikang nabuo sa pagitan nila at para maayos na ang kung ano mang hindi pagkakainitindihan nila dahil hindi makakatulong iyon sa kanila lalong lalo na ay may mas mabigat na silang responsibilidad

“Psensya na din sa inasta ko kanina, pero sana naman maging maingat ka sa paligid mo kasi hindi natin masabi ano mangyayari at please lang wag na wag kana makikipag-usap sa alberth na iyon wala akong tiwala sa kanya”

Itutuloy.......