fugi's playlist

Biyernes, Nobyembre 23, 2012

One Great Love 10



by: FUGI

Authors Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN, nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba iyon na rason? hehe)

Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________

“Busog na busog ako, yung calderetang manok na luto mo ang the best na natikman mo, tinalo mo yung kay mama” ang nasabi ni Joss habang hinihimas himas ang kanyang bundat na bundat na tyan

“Hindi nga halatang nagustuhan mo ikaw na kasi ang umubos hindi mo kami binigyan ni baby andrie ih!” ang bara nito dito habang hawak at iniuugoy ang bata sa mga bisig niya kasabay ang pagpapadede dito

“Anu nga, hindi binigyan, inubusan tayo nang...........” baling na sabi ni Calyx kay baby andrie na hindi naituloy kasi hindi nya alam kung paano nga naman sila irerefer o ano ang itatawag sa kanila ng bata

“Daddy” maya maya ay segunda nito

“AH!” ang natureteng nasabi ni Calyx

“Sa puntong ito tayo muna ang tatayong daddy ni baby andrie, kaya gusto kong daddy na ang itawag sa akin simula ngayon para maprepara na ang munting utak ng baby natin” ang nakangiting sabi ni Joss na ngayon nga ay hinahaplos na ang malabot na bunbunan ng munting sanggol.

Nanatili lang tahimik si Calyx

“Ikaw ano gusto mo itawag nya syo? Mommy?” ang humahagikgik na biro ni Joss kay Calyx pero hindi ito ang naging biro sa pandinig ni Calyx

-o-o-o-o-

Wala nang namagitan pang usapan sa pagitan ng dalawa simula mangyari ang pagbibirong iyon ni Joss, ngayon nga ay parehas silang nasa kwarto ni Calyx, si Calyx sa kama nito habang si Joss ay nasa lapag na sinapinan ng comforter kasama ang munting bata na mahimbing na natutulog sa kabibili lang nilang crib para dito

Hindi kailanman magiging biro para kay Calyx ang mga pahapya na joke na may kinalaman sa sekwalidad na usapan lalo na pagpatungkol sa kanya sa kadahilanang iyon ang naging mitsa kung bakit siya ngayon nag-iisa sa buhay, hindi man literal na mag-isa, na ibig sabihin ay walang kaanak, nag-iisa dahil hindi nya maramdaman na may pamilya siya, kaya nga ipinatapon sya at pinag-aral sa malayo para malayo sa kahihiyan ang pamilya nila

Pero hindi din maitatatwa ni Calyx ang kakaibang nararamdaman sa sarili, kaiba sa kahawig nya na kasarian pero hindi nya mabigyan ng kung anong paliwanag kung ano ito kaya itinago nya na lang ito sa sarili nya, pero talagang mapanghamon ang planet earth, na ibinigay sa kanya ang pangyayaring iyon na gumulo sa buhay nya, ang eskandalo na nagpayanig maging sa pagkatao nya, kaya ang naging resulta ay inilayo nya ang sarili nya sa mga tao sa paligid nya, isinara ito sa lahat na gustong pumasok sa buhay nya hindi dahil natatakot sya kundi mas lamang ang maprotektahan ang sarili at hindi na muling maulit ang mga nangyari sa nakaraan

“Lyx” ang hindi na makatiis na si Joss

“Alam ko gising ka pa, sorry!” ang pahabol nito na mararamdaman ang sinseridad sa paghingi nito ng tawad pero magkaganoon man ay wala paring nakuhang pagtugon ito mula kay Calyx kaya napabuntong ito ng sobrang lalim

.................
(nakakabinging katahimikan)
................
 .................................

“Alam mo yung mga bagay pala na laging ipinipilit ipamukha sayo ay magiging ikaw sa paglipas ng panahon, grabe kahit ano pilit mong sabihing hindi, hindi ako magiging ganon, pero wala, yun pa din ang kakalabasan, kasi pag lalo mo palang nilabanan mas lalo lang syang kakawala, kaya pagtanggap na lang ang option na matitira sayo, kasi hindi.. hindi din..... hindi din”  ang medyo naiiyak nang si Calyx

“Hindi na rin naman magbabago ang perception ng tao sayo, kahit ano gawin mo iyon kana para sa kanila” ang pagpapatuloy ni Calyx

“Lyx...” mahihimigan ang pag-aalala sa boses nito

Napaupo na si Joss at bumungad sa kanya ang nakatalikod na tahimik na umiiyak na si Calyx

“Kaya hindi na rin ako magtataka kung mawa....” hindi na naituloy pa ni Calyx ang mga nais sabihin dahil pagyakap ng mga bisig sa kanya mula sa kanyang likuran.

“Sssssssshhhhhhh........ walang magbabago, hindi na ako mawawala at hindi na kita iiwan katulad noon” ang pabulong na naiwika ni Joss dito

Nanatili ang dalawa sa ganoong posisyon hanggang sa hindi na nila namalayan na nakatulog na sila pareho, hindi dahil sa pagod dahil sa pinaggagawa nila sa araw na iyon kagaya ng mamimili ng gamit para kay baby andrie at ang pag-aayos ng unit ni Calyx para isalansan ang mga gamit ng bata sa condo nito bagkus dahil sa yakap na iyon ni Joss, nakaramdam si Calyx ng kapayapaan, na parang nawala lahat ng dahalin niya simula pagkabata at maging ang issue nito sa pamilya at higit sa lahat naramdaman nito na hindi sya nag-iisa at hindi na muling mag-iisa dahil may Joss na siya na nasatabi nya na kahit hindi man nya tahasang inamin ang isang damdamin sa katauhan nya ay dahil sa yakap nyang yun alam alam ni Calyx tanggap na sya nito ano man ang mangyari

-o-o-o-o-

Unang nagising si Joss dahil sa may naramdaman syang nakuskos sa may dibdib nya at ng masanay at nakita nya ang himbing na himbing na si Calyx na nakaunan na pala sa kanyang braso at ang mukha nito ay nakahilig sa kanyang dibdib. Imbis na maasiwa sa posisyon nilang iyon ay nangiti na lang ito sa nakikitang itsura ng pagtulog nito, ang aliwalas kasi ng mukha nito

Maya maya pa ay napagdiskitahan nito ang ilong ni Calyx ng makakita ito ng hibla ng buhok nito sa kanyang dibdib. Ikinalikot nito ito ng pahapyaw sa bukana ng ilong nito na naging dahilan para mangati ito at kamutin naman ito ni Calyx na ikinahagikgik naman ni Joss

Maya maya ay nakita ang orasan at may klase ito sa araw na iyon sa umagang iyon kaya dahan-dahan itong tumayo para hindi magising ang himbing pang si Calyx at nang makita niya ang crib ay ang sobra ring himbing na natutulog na si baby andrie

At nangiti na lang siyang pinagmasdan ang dalawa

Humalik lang ito kay Baby Andrie at nag-iwan ng note para alam ni Calyx kung nasaan sya at pagkatapos ay umalis na ito at tinungo ang unit niya para makapaghanda sa pagmasok sa klase nya sa umagang iyon

-o-o-o-o-

“huwaaaaaaaaaaaaaa” ang pumalahaw na iyak ni baby Andrie na na talaga namang gumising sa buong pagkatao ni Calyx

Tatakbo ito nilapitan si baby andrie at agad kinarga

“ano ang gusto ng baby andrie, nagugutom na ikaw?” at agad niyang kinuha ang tsupon nito na puno ng gatas na sa tingin niya ay bagong timpla kaya biglang pumasok sa isip nya si Joss, at unti-unti niyang naalala yung kagabe na nangyari

Agad syang kinabahan pero mas lamang ang pagkailang dahil sa mga nasabi niya dito

“jo.....joss” ang nag-aalangan niyang pagtawag at agad sumilip ng dahan dahan sa nakauwang na pinto ng kwarto nya nang makitang wala ni kahit bakas ng anino nito at nakahinga ito ng sobrang luwag pero hindi rin maaalis ang pagkadismaya kasi wala ito sa unit nya pero hindi na lang niya ito binigyan ng pakahulugan

“Kuh! Gutom na gutom ang baby andrie ah!” ang masayang pagpuna nito sa masigasig 
na pag-ut-ut nito sa nipple ng tsupon nito

Maya maya ay nahagip ng mga mata ni Calyx ang pilas ng papel na  nakatupi sa may 
study table nya. Agad nito itong nilapitan at kinuha

“Lyx, grabe ka pinaliguan mo ang katawan ko ng laway mo ih!. Hahahaha hindi na kita tatabihan :)) nga pala hindi na kita ginising himbing ng tulog mo, pati si baby andrie ganoon din, may naman agad sayo ah! Hehe, may klase pala ako kaya ako maaga umalis pero babalik agad ako pagkatapos isa lang naman iyon at sa hapon na ang sunod. Ingat kayo ni baby Andrie, goodmorning!” –Joss

Pagkakalawak nang ngiti naman ang plumaster sa mukha ni Calyx pagkatapos mabasa ang note nito

“Pumasok ba lang si daddy joss mo kaya maaga umalis” ang nakangiting sabi nito kay baby andrie

“Pumasok si daddy Joss, pumasok..pumaso....” ang hindi naituloy na sabi ni Calyx dahil may naalala ito at agad na  tumingin sa orasan

“May pasok din ako.....” ang sigaw ni Calyx sa sarili nya dahil sa patulog na si Baby Andrie kaya hindi nya ito naisatinig


Itutuloy..................

Linggo, Nobyembre 18, 2012

One Great Love 9



by: FUGI

Pauna: Nais ko po muna humingi ng sorry sa late update, salamat sa mga patuloy pa rin nagkokomento at nagbabasa ng likha ko

Authors Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN, nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba iyon na rason? hehe)

Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________

 

“Saan muna tayo pupunta?” ang naitanong ni Joss pagkasakay na pagkasakay nito sa diver’s seat ng kanyang sasakyan

Pagkatapos magkasundo ng dalawa na maging pansamantalang tagapangalaga ng munting anghel ay napagkasunduan nila na bumili nang lahat ng gamit nito katulad ng mga damit, gatas, at kung anu-ano pang gamit bata na kakailanganin nito.

“ahm” ang pag-iisip ni Calyx habang nakatingin sa hawak hawak nya ngayong baby na mahimbing na natutulog

“Buti talaga nasama na sya” nakangiting sabi ni Joss habang tinitingnan ang ayos ng dalawa habang karga karga ni Calyx ang baby na nakaupo sa passenger’s seat na ginantihan nalang ng ngiti nang huli

“Ibili muna natin si Andrie ng stroller, para comportable sya habang nag-iikot-ikot tayo 
buying his things” nakangiting nasambit ni Calyx kay Joss

“Great idea!” pagsang-ayon nito at agad nang inistart ang makina ng sasakyan at maya maya lang ay pinaandar na ito.

-o-o-o-o-

(Earlier)

“Matagal pa ba yan? Gutom na ako ih!” sunod sunod na sabi ni Joss habang nakatayo ito sa pinto ng kwarto ni Calyx kung saan natutulog ang baby kasabay ang pagsilip sa bandang kusina kung saan nagluluto naman ang huli ng breakfast nila

“Luto na po, sandali na lang ihahanda ko lang mahal na senyorito” ang sagot na lamang nito

Maya maya nga ay pareho na silang nasa hapag at kumakain ng agahan

“Wow, may talent ka pala sa kusina, nakatikim din ng lutong bahay, namiss ko ito ih!” ang sunod sunod na nasabi nin Joss habang nilalantakan ang inihanda nito sa kanya

“Bakit hindi ka ba marunong magluto, kahit prito man lang?” ang naitanong ni Calyx na inilingan lang nito

“Puros fast food ako pag andito pag nakakauwi lang ako sa atin tsaka lang ulit ako nakakakain ng mga lutong bahay” pagsigundang pagsasabi nito ng totoo

“Lagi naman ako nagluluto ih! Sige ganto nalang lagi ka na lang may kabahagi” ang nakangiti nitong sabi kay joss

“Hindi ko tatangihan yan, wala nang bawian hah!” ang parang batang reaksyon nito na ikinatawa nalang nilang dalawa

“Nga pala wala pa pangalang ang baby natin” ang biglang naisatinig ni Joss nang makabawi ito sa munting kasiyahan nilang dalawa

“Talagang inaako mo na ah!” ang pagbibiro naman ni Calyx dito na tinanguhan lang na sinabayan pa ng pangiti ngiti pa ni Joss

“Ahm... Lee na lang” ang unang suhesyon ni Calyx

“Baduy! Parang tatak lang ng Damit” bara nito dito

“Angel na lang, mukha kasi syang anghel” suggestion ulit ni Calyx

“Ano? Hindi ka na nakaimik dyan, angel na lang nga” ang dagdag nito dahil sa katahimikan nito halatang nag-iisip ito ng mabuti

“Ahm... why not Andrie na lang..” maya maya ay naisatinig nito na dahilan para magkatinginin sila at base palang doon ay parang alam na nila ang ibigsabihin noon

“Andrie..” pag-uulit ni Calyx sa ibinigay na pangalan nito na nilakipan pa ng pagngiti dahil kahit sya ay nagandahan din sa pangalan na iyon

At nagkasundo na nga sila na iyon na ang ipapangalan sa kanilang ampon na sanggol.

-o-o-o-o-

Halos pagtinginan sina Joss at Calyx na karga karga si Andie habang namimili ang mga ito ng stroller para sa huli.

“Miss ito nalang blue yung kukunin namin” nakangiting sabi ni Joss matapos mamili sa tatlong stroller na inilabas nang nag-aassist sa kanila

“Sir baka gusto nyo pa ng mga baby’s item, may mga damit, toys po para sa baby nyo” suhesyon ng sales lady sa kanila, hala ang pagpapacute nito kay Joss na hindi nakaligtas kay Calyx

“ahm.. Miss pwede bang gamitin na yung stroller?” pagsingit ni Calyx

“Sir, babayaran po muna ninyo nandoon po yung cashier” ang sagot dito ng sales lady

“Tara bayaran muna natin” nakangiting wika ni Joss kay Calyx na tinunguhan lang nito

“Salamat sir, balik kayo!” ang pahabol ng sales lady bago sila makaalis


“Nagpapacute syo yung babae ah!” komento ni Calyx nang makalayo na sila

“Oh!” ang parang wala lang kay Joss na sagot sa kanya

“Ano ang sunod nating bibilhin? Nakakatuwa pala dito sa baby’s section, may nakita akong damit kanina bagay yun kay baby andrie” ang excited na sabi ni Joss at ikinagiti lalo ni Calyx dahil natutuwa sya sa nakikita niya kay Joss, ibang iba na talaga ito.

-o-o-o-o-

Matapos nilang mabayaran ang stroller ay agad agad nilang inilapag at inihiga si baby andrie doon. Sobrang aliw na aliw ang dalawa sa pamimili ng gamit ni andrie, nariyan ang mga Baby Clothing (Cloth Diaper, Boy Clothing, Sleepwear and Wearable Blankets)

“Malaki pa iyan sa kanya” ang pagtutol ni Calyx sa mga gusto nitong damit para kay baby andrie

“Madali na naman lalaki si baby andrie, masusuot na rin niya ang mga ito” ang depensa naman ni Joss dahil alam niya babagay ang napili niyang damit sa bata

“At pag sinuot niya yan kahit hindi na sya magkumot” humahagikgik na dagdag ni Joss

“Baliw” at napatawa na lang si Calyx


“Hindi pa naman malalaro yan ni baby andrie, ikaw lang ata maglalaro nyan idinadahilan mo lang na kay baby andrie yan ih!” ang mga nasabi ni Calyx habang tinitingnan ang mga pinagkukuha ni Joss na mga laruan

Hindi naman ito pinansin ng huli at agad na minuwestra ang mga kinuhang laruan sa harap ng gising na ngayon at dumedede na si baby Andrie

“Baby gusto mo ba nito, eh! Ito, ito o nailaw, ito naman superman” ang ilan sa mga sinasabi ni Joss habang ipinapakita ang kung ano anong laruan pinagkukuha niya at kung alin ang hawakan ni baby andrie ay sya naman niya ilalagay sa basket namin


Binilihan din nila Joss at Calyx ng bagong Bottle and Nipples (o tsupon ), nang pang Health and Safety na mga gamit katulad ng Thermometers and Gadgets,  Head and Body Supports, Shampoos, Soaps, and Lotions at nang sa tingin ng dalawa ay okay na at nabili na nila ang mga gamit na kailangan ni baby Andrie ay agad na nilang binayaran ang mga ito

Napagkasunduan nila rin na pagtungkol kay baby Andrie ay hati sila sa gastusin at si 
Calyx na ang pinaghawak ni Joss ng pera nila.

Dahil sa aliw na aliw ang dalawa hindi nila napapansin ang nasa paligid na mataman na nakatingin sa kilos nila merong mga nagtataas ng kilay sa kadahilang iba ang napupuna nila sa dalawa kesa sa kung ano ang totoo, may palihim na natutuwa at kinikilig sa kadahilanan naman iba din ang pananaw ng mga ito sa nakikita sa dalawa pero walang pakialam ang dalawa dahil parang may sariling mundo ang dalawa kasama si baby andrie sa mga oras na iyon

-o-o-o-o-

“Tara sa supermarket” ang masaya paring si Joss na hindi man lang napagod sa pag-iikot nilang iyon


“Tara na baby” nakangiting pag-aya naman ni Calyx sa natutulog na ngayong si andrie

“Nagugutom ka ba?” naitanong naman ni Joss habang naglalakad na sila papunta sanang supermarket

“Ikaw ba?” balik tanong nito dito

“Grocery nalang tayo tas magluto ka nalang ulit” nakangiting pagbibigay ng suhesyon ni Joss

“Sa bahay na lang tayo kumain” dagdag sabi ni joss

“Sige, ikaw ang bahala, ano ba gusto mo lutuin ko?” pagsang-ayon ni Calyx dito

“Calderetang manok, yung medyo mahalang, favorite ko yon, miss ko na kumain non” nakangiting pagsasabi ni Joss

“Sige bilisan nalang natin, feeling ko bigla ka nagutom sa sinabi mo” natatawang nasabi ni Calyx

Hindi naman sila ganoong nagtagal sa supermarket, nagsabi kasi si Joss na sya na ang kukuha ng mga kailangan nila habang si Calyx ang magsasabi ng mga ito, naiwan nalang ito sa section kung saan nandoon ang mga ulam, manok, baboy, ang kung ano-ano pa.

Nang makompleto na nila ang pinamili ay agad na din silang umalis ng lugar na iyon.


Itutuloy...............

Huwebes, Nobyembre 15, 2012

One Great Love 8



by: FUGI

Pauna: Nais ko po muna humingi ng sorry sa late update, salamat sa mga patuloy pa rin nagkokomento at nagbabasa ng likha ko

Authors Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN, nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba iyon na rason? hehe)

Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________

 

Blanko, sobrang blanko ang pag-iisip habang tahimik na pinagmamasdan ni Calyx at Joss ang munting angel na ngayon ay natutulog na sa mismong kama ni Calyx.

At sa mga pagkakataon namang magsasalubong ang mga mata ng dalawa ay astonishment at hindi maipaliwanag na feeling dahil sa isang hindi inaasahan na happenings sa buhay nila ngayon kasabay nang muling pagtingin nila sa baby na mahimbing na natutulog sa kanilang harapan.

Hhhhhhhhhhhoooooooooooo..... sabay na mahabang buntong hininga nila

“Anong gagawin natin sa kanya?” pag kuwan ay naitanong ni Joss habang nakatingin parin sa baby

“Hindi ko alam” ang tanging naisagot ni Calyx dito

-o-o-o-o-

Tinalo ng malakas na payakag na iyon ng parang sanggol ang magandang fireworks display ng naturang theme park na pinuntahan nina Calyx at Joss

Agad agad nila itong hinanap at sumambulat sa kanila ang isang may kalakihang basket na gawa sa water lily na natagpuan nila sa ibabaw ng compartment ng sasakyan ni Joss

Nang malapitan na nila ito ay pagkabigla ang lumukob na emosyon sa kanila, sa kadahilanang hindi nila alam ang gagawin hanggang sa palakas ng palakas ang ginagawa nitong iyak na pumukaw sa nabigla nilang katauhan.

Natatarantang hindi malaman ang gagawin ni na Joss at Calyx

“Kanino yan?” ang naitanong na lang ni Joss na natataranta dahil sa palakas na palakas na iyak ng bata na sinaman pa ng sabayang paggalaw ng mumunting kamay nito nito na nakatikom na parang sumusuntok sa ere at ang mga paa nito dahilan para tumaas ang kumot na tumataklob sa mga paa nito.

Pero imbes na sagutin ni Calyx si Joss ay agad niyang bihuhat ang sanggol, dahan dahan at may pag-iingat pero hindi ito gumana dahil patuloy pa rin itong pumapalahaw ng iyak

“Tahan na baby” ang nasabi ni Calyx kasabay ang pag-ugoy nito sa sanggol na nakahiga sa kanyang mga bisig at sa pangalawang pagkakataon walang effect iyon sa munting anghel

“Hindi kaya gutom, o basa na ang diaper nyan kaya umiiyak?” ang naisatinig ni Joss, kalmado na ito sa punto iyon

Agad agad hinawakan ni Calyx ang lampin na suot ng bata

“Hindi naman pa basa” pagkuwan ay nasabi nito pagharap nya kay Joss

“Baka may gatas sya dyan” sabi ni Calyx sabay turo sa basket na pinaglagyan sa munting angel na agad naman tiningnan ni Joss at nanduon nga ang mga tsupon, meron na may timpla na ng gatas meron na tubig lang ang laman meron din pacifier, mga lampin, towel, at isang maliit na kahon ng gatas na iyon ata ang milk nya.

Dalas dalas na iniabot ni joss ang tsupon ng na may timpla nang gatas kay Calyx

“Baby, ito na ang milk mo, gutom na ba ikaw?” at inilapit na nito ang nipple sa may labi ng bata pero iniiwas lang nang bata ang bibig nito at nagiiyak pa din

“Ano ang gusto ng baby, ha!” ang parang tangang pakikipag-usap ni Calyx sa baby

“Baka nagagalit sya kasi alam nya na wala ang mga magulang niya” ang naiwika ni Joss sa pag-obserba sa kung bakit pa rin ito umiiyak ay gayong lahat ng paraan ay nasubukan na nila

Humarap sa kanya ang nagmamakaawa nang mukha ni Calyx na parang humihingi ng help.

Lumapit si Joss sa huli ay ihilahad ang pagkuha sa baby

“Ako muna ang susubok magpatahan sa kanya” may pag-aalangan man si Joss ay iyon lang ang maitutulong nya kay Calyx.

Pinasa dahan dahan nito kay Joss ang munting sanggol na patuloy pa rin sa pag-iyak

“Tahan na baby!” ang halos pagmamakaawa namang nasambit ni Joss pagkahawak kasabay ng paghimas-tapik sa likod nito


........huuuuuuuwaaaaaa..... huuuuwaaa....huuwaa....  ang pahina nang pahina nang iyak ng bata na agad na ikinatingin ng dalawa sa isat-isa na labis nilang ikinasorpresa

“Ikaw lang pala ang gusto ih!” ang natatawa na nasambit ni Calyx, tinugunan lang ito ng matipid na ngiti si Joss at patuloy paring henehele sa kanyang mga braso ang batang hindi nila alam kung ano ang ginagawa sa ibabaw ng compartment ng sasakyan ni Joss

“Umamin ka, anak mo iyan ano?” dagdag na tanong-biro ni Calyx dito

“Paano na, ano gagawin natin?” dagdag tanong ni Calyx

“Maghintay muna tayo, baka balikan sya dito” pabulong na sagot ni joss

Pero lumipas na ang halos isang oras pero wala ni anino ng tao, ina, ama o kamag-anak na nakakakilala sa sanggol na iyon kaya napagpasyahan na lang nilang iuwi muna ito sa kanilang condo.

-o-o-o-o-

Hindi na namalayan ng dalawa na nakatulog na pala sila kakaisip ng hakbang na gagawin nila para sa sanggol na sa tinggin nila ay inabanduna na ng mga magulang nito..

 ......Huuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuwwwwwwwwwwwwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa............. ang nakakagulantang na gumising kay na Joss at Calyx na agad naman napatayo at hindi na naman malaman ang gagawin

“buhatin mo na lang ulit, habang ipagtitimpla ko sya ng gatas” ang natatarantang nasabi ni Calyx kay Joss

Dali-dali naman lumapit ang huli at dahan dahan binuhat ang nagwawalang sanggol sa hindi malamang dahilan, kung naguguton o ano

Tatakbo naman si Calyx bitbit ang mga tsupon at gatas nito papuntang kusina para ihanda ito. Sobrang bilis nang pagpeprepara ni Calyx dahil sobra na sa lakas ang atungal ng baby, salin ng mainit na tubig sa tsupon na dahil sa taranta ay natapunan sya pero hindi na niya ito ininda, tapos lagay ng apat-lima na takal ng gatas gamit ang kutsa, tas tinakpan at tatakbong pumunta ng kwarto habang kinakalog ang tsupon.

“Ito na baby, gutom na ikaw?” ang bata-bataang pakikipag-usap ni Calyx sa bata habang iminumwesta ang tsupon sa bibig ng sanggol

Umiiyak na inaabot ng sanggol ang tsupon ng mahawakan nya ito

“Baby sandali lang check ko lang kung tama na ang init” na sinagot lang ng iyak ng bata

Nang macheck na ok na ang temperatura na pwede na ipadede ang gatas sa bata ay agad na itong inilagay sa bibig ng bata na agad naman pagngasab ng sanggol sa tsupon para lumabas ang gatas

Agad agad na tumigil sa pag-iyak ang sanggol at matuloy sa pag-ut-ut sa tsupon nito

“Gutom na pala ang baby namin diyan ih!” ang nasabi naman ni Joss habang nangingiti sa pagpanood sa pagdede ng sanggol.

“Baby namin diyan?” ang pagulit at pagtingin ni Calyx kay Joss na sinagot lamang nito ng magandang pagngiti

-o-o-o-o-

“ahm.... lyx” pagtawag sa pansin ni Calyx habang dahan dahang papalabas sila ng kwarto para di mabulabog ang ngayon ay sobrang himbing nang natutulog na bata

“ano, may plano ka na ba kung anong gagawin natin sa kanya?” ang naisagot na tanong naman ni Calyx sabay ang pagsulyap sa sanggol

“ahm... hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko lang magaan ang loob ko sa kanya at ayaw ko syang dalahin sa DSWD o kung saan mang opisina, ako na lang ang tatayong gardian niya simula ngayon, at kung may maghanap man, di tsaka natin sya ibigay, sa totoo nyang pamilya” ang mahabang nasabi ni Joss na nagpatahimik sa akin

“Tutulungan mo ba akong alagaan sya?” ang naitanong nalang nito kay Calyx
Lumipas ang ilang sandali bago nakasagot ito

“Tayo ang magiging gardian nya simula ngayon” ang nakangiting nasambit ni Calyx


Itutuloy...............