fugi's playlist

Miyerkules, Setyembre 19, 2012

One Great Love 5



by: FUGI

Pauna: Nais ko po muna humingi ng sorry sa late update, salamat sa mga patuloy pa rin nagkokomento at nagbabasa ng likha ko

Authors Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN, nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba iyon na rason? hehe)

Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________

 

“Baba!” ang may pagka-bossy na sabi ni Joss matapos maipark ang sasakyan niya sa isang malaking mall sa labas ng metro.

Tiningnan lang ng masa ito ni Calyx na kanina pang tahimik na nagkikimkim ng sama ng loob dahil sa ginagawang ito ni Joss sa kanya.

“Bababa ka ba o gusto mo pang hilahin kita palabas ng kotse ko?” sa tono pa ring iyon
“Magmo-mall lang dayo pa tayo sa south ay ang dami dami na nito sa vicinity lang ng condo natin, lakas din ng trip mo at nandamay ka pa at sa lahat ako pa ang inistorbo mo at isinama sa pagka-cut.......” ang tuloy tuloy na sanang paglalabas ng himutok ni Calyx na hindi naman pinansin ni joss na agad nang bumaba ng sasakyan at umikot sa harap papunta sa passengers part kung nasaan si Calyx sabay bukas ng pinto nito.
Agad na ipinasok ni Joss ang ulo niya at agad inilapit ang mukha nya sa mukha ni nito  na nagpatameme dito.

“Wala kang magagawa at ako ang masusunod ngayon, kaya ireserve mo na lang yang lakas mo dahil marami pa tayong pupuntahan” ang mga nasabi nito habang nakarehistro ang pagkalaki-laking ngiti at kasabay noon ay ang mabilis na paghablot ng kamay ni Joss sa side ng upuan ni Calyx para i-unlock ang seatbelt nito at nang maialis na nito iyon ay agad hinila sa braso ni Joss si Calyx ng palabas ng sasakyan na hanggang ngayon ay halo-halong emosyon ang nararamdaham kaya para lang syang magaang bagay na hatak-hatak ngayon ni Joss at wala syang maireact dahil natutuliro pa rin sya at napakaraming bagay ang tuloy tuloy na pumapasok sa utak nya kaya napatango na lamang ito.

Nakabalik lang si Calyx sa wisyo ng maramdaman ni ang pag lapat ng kamay sa kanyang bewang at ng itaas na niya ang kanyang tingin ang mamang guard sa entrance ng nasabing mall na pala sila.

Matapos iyon ay agad naman siyang hinila dahan dahan ni Joss pasunod sa kanya.

“Hindi ako tatakas kaya please lang wag mo akong lalagkarin” mahinang nag-aalangan na sabi ni Calyx habang nakayuko pero sapat na iyon para marinig ni Joss

Agad agad naman lumuwag ang pagkakakapit ng huli kay Calyx

“Please lang din kahit ngayong araw lang kalimutan muna natin lahat ng nangyari sa nakaraan at hayaan mo akong bumawi” ang nasabi naman ni Joss na hindi hinanarap si Calyx at ipinagpatuloy na nito ang paglalakad.

Habang unti-unting lumalaki ang layo ng dalawa sa isat isa ay hindi naman natinag ang pagtitig ni Calyx sa likuran ni Joss at ang tanging tumatakbo sa isipan niya ay ang mga huling sinabi nito

“hayaan mo akong bumawi”

Nang lubusan nang lumalayo ang espasyo sa pagitan ng dalawa ay parang nagkasariling buhay ang kanyang mga paa na agad humakbang hanggang sa bumilis  na parang takbo lakad na ang ginagawa niya para maabutan si Joss at nang makalapit na siya sa likuran nito ay biglang nagsalita ang huli

“Akala ko ay iiwan mo na ako, tara na!” mahina pero sapat naman para makarating sa eardrum ni Calyx at maproseso ng utak niya at katulad pa din kanina at hindi na naman siya nilingon nito at agad na uling pinagpatuloy ang paglalakad na sa puntong iyon ay madahan na na parang inaantay syang sumabay na dito

Hindi na napigilan ang pagsilay ng mga ngiti sa labi ni Calyx sa itinuran nito at agad na nitong sinundan si Joss

Habang naglalakad ay nanatiling nasa likuran lang si Calyx dahil may pagkailang pa din syang nararamdam hanggang sa bigla na lang siyang nabunggo sa matigas na likuran na nasaharap niya

“Arekupo!” ang nabiglang nasabi ni calyx habang pataas na itinitingin ang paningin at biglang rumistro sa kanyang mga mata ang nakangiting si Joss na siyang nabangga nya
“Wag mo kasi masyadong iniisip ang mga nangyayari ngayon at lalong-lalo na ako, mamaya hindi lang sa likuran ko ikaw mabangga” ang nasabi ng ngayong humahagikgik na si Joss

May naramdamang mainit na sensasyon si Calyx sa mga sinabing iyon ng huli kasama ang emosyon na parang nahihiya at hindi niya ito maintindihan kaya bilang pambawi ay agad niya itong binara

“Bakit ba basta ka titigil alam mo namang may tao sa likuran mo” ang nasabi na lang nito sabay iwas ng tingin dito

“Kasi nandito na tayo” Sabay turo nito itaas kung saan nakalagay ang pangalan ng stall na ngayon ay sa nasa kanilang harapan.

-o-o-o-o-

“Yan mas bagay sayo iyan, tamang tama lang yan sa pupuntahan natin” ang nakangiti nang komento ni Joss sa kalalabas palang ng fitting room Calyx na hanggang ngayon ay labis labis ang busangot ng mukha dahil sa kung ano ano ang pinaggagagawa sa kanya ni Joss na hindi nya mahulaan dahil sibrong unpredictable ng huli.

Hindi naman mapigilan ang palihim na pagtawa at pagngiti sa nakikitang itsura nito

Nakailang labas masok din ang huli sa fitting room na iyon habang si Joss ay parang Judge na humuhusga kung bagay ba o hindi ang suot niya. Gray semi-fit short and V-neck shirt with colors such as blue, white and yellow mixing-up (yung parang rainbow ang style, tas naka-slant ang pagkakaayos, blue then white then yellow), paired with white shoes.

Hindi alam ni Calyx bakit sila nandoon sa stall ng isang sikat na local brand ng mga damit atbp. Pero na naisip na lang nito na baka may bibilhin lang ito kaya sila nanduon at nagulat na lang siya ng pagkapasok nila doon at nilapitan na sila ng mag-aasist nang sabihin ni Joss dito na....

“Pakidala posa fitting room ng mga new arrivals nyo na magkakasya at babagay dito po sa boss ko” natatawang turo ni Joss sa hindi halatang gulat na gulat na si Calyx, kundi sobra sobrang gulat;)

Pagkaalis na pagkaalis ng kausap nila ay agad namang dinala ni Joss ang hindi nagulat na si Calyx

“Ano ba talagang trip mo, nang-aasar ka ba talaga” ang natuturete nang nasabi ni Calyx ng makabawi sa pagkagulat ng dahan dahan syang ipinasok ni Joss sa loob ng fitting room

“May dala ka bang damit?” ang naging sagot lang ni joss na ikinakunot lang ng noo ni Calyx at mababasa sa mukha ni na ang tanoong na “Anong konek?” na agad namang sinigundahan agad ni Joss para bigyang linaw ang pagkalito nito

“Gusto mo bang nakauniform ka sa pupuntahan natin?” ang tanong ni Joss

Agad na tiningnan ni Calyx ang sarili pagkatapos at humarap kay Joss na walang nagawa kung hindi ang umiling pero...

“Saan ba talaga tayo pupunta?” ang naguguluhan pa ring si Calyx

“Pagsinabi ko, handa ka bang mamatay?” ang natatawa na nira ni Joss na agad na sanang sasagutin ni Calyx nang biglang

“Sir eto na po yung mga new arrivals namin” biglang pagpasok ni sir na nag-assist sa kanilang dalawa

“Yan na pala boss” ang natatawang sabi ni Joss sabay marahan na isinibasib ang mga nakahanger na mga damit, pants atbp. 

“Isukat mo na” dagdag nito kasabay ang dagliang pagsara ng pinto dahil nakikinita ni galit sa mukha ni Calyx at ang pagbuka na ng bibig nito para siya ay sigawan

“Arrrghhhhhhhh..” ang naibulalas na lang ni Calyx na ikinahagikgik na lang ni Joss


-o-o-o-o-


“O ang bayad ko” ang humahabol na si Calyx kay Joss na mabilis na naglalakad palabas na ng stall na iyon.

Nang nasa may counter na kasi sila at nang lahat ng item na kinuha ni Calyx ay na- paunch at lumabas ang amount kung magkano ay agad humarang si Joss at ito ang nagbayad pagkatapos ay tuloy tuloy itong lumabas na at naiwan si Calyx si nakatunganga hawak hawak ang pambayad sana nito.

“UY!” pagkuha ng pansin nito dahil ni hindi man lang siya nililingon nito

Nang maabutan niya ito ay iniharap niya si Joss sa kanya at agad na isinisiksik nito ang pera sa bulsa ng pants ni Joss na agad namang hinawakan ng huli na nagpatigil sa paggalaw ni Calyx

KAKAIBA, yan ang nararamdaman ni Calyx at napatunganga na lang ito sa kamay nilang pagkahugpong na ngayon ni Joss.

Itutuloy......

Huwebes, Setyembre 13, 2012

One Great Love 4


by: FUGI

Pauna: Nais ko po muna humingi ng sorry sa late update, salamat sa mga patuloy pa rin nagkokomento at nagbabasa ng likha ko

Authors Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN, nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba iyon na rason? hehe)

Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________

 

“Bakit mo ba ginagawa ito?” ang hindi na nakatiis na naitanong ni Calyx sa ngingiti ngiti na si Joss na sa puntong iyon nagmamaneho ng kotse nito at sa daan nakapaling ang mga paningin nito.
Wala itong nakuhang pagtugon mula sa huli at ni tingnan man lang siya ay hindi din nito ginawa.
“Argggh” ang pagsigaw niya sa sarili, naiinis siya sa kinikilos nito simula nung sa elevator hanggang ngayon na sakay siya sa sasakyan nito

-o-o-o-o-
Hindi na sinagot ni Calyx ang pagbating iyon na sinambit ni Joss pagkasarang pagkasara ng elevator’s sliding door, ewan para syang inalisan ng dila, marahil ay dahil sa mga nangyayari, marahil ay sa magandang ngiti din nito na ibinibigay sa kanya at lalong higit ng maramdaman niya na nakahawak pa rin ang kamay ng huli sa braso nya na naging dahilan para hindi na sya makapalag kung tatangkain niya umiwas dito.
Uwiwas na lang si Calyx ng tingin dito at ikinalag ang braso sa pagkakahawak na iyon ni Joss at ng makawala na sa pagkakahawak ay agad na tumalikod siya dito at tiningnan ang mga numero ng floors kung nasaang baitang na sila.
Grabeng kaba ang nararamdaman niya, parang gusto na niyang kumawala sa lugar na iyon, na parang gusto na niyang hilahin ang kable ng sinasakyan nilang iyon para mabilis na makarating sila sa ground floor pero para lalo lang bumabagal ng bumabagal ang kanilang pagbaba, na para bang ito na ang pinakamabagal na sandali na na naranasan niya.
Sobrang katahimikan ang nanaig sa pagitan nilang dalawa, walang nagsasalita, walang gustong bumasag doon hanggang sa “Ting” hudyat na narating na nila ang ground floor at nagsisimula nang magbukas ang elevator.
“Sa wakas!” naibulong ni Calyx sa sarili
Pero agad ding may pumigil sa kanya at ang mabilis na pagpindot ni Joss ng “><” button dahilan para muling sumara ang pinto.
“Anong ginagawa mo?” ang naitanong nalang ni Calyx dito na mababakasan ng pagkainis.
“Sa ayaw at sa gusto mo sa akin ka sasabay” ang mahinahon at nakangiti pa nitong tugon kay Calyx at sa puntong iyon ay medyo malapit na ang mukha sa isat isa
Natameme, ay ang salitang masasabi sa naging reaction na iyon ni Calyx, sobra din syang nagulat sa tayo nilang iyon kaya natigilan sya.
May kung anong kakaibang damdamin ang hindi niya maipaliwanag, damdaming nagpapalito sa kanya kaya hindi niya ito masagot o makaiwas sa mga ginagawa nito sa kanya.
Si Joss na ang unang umiwas sa face off na iyon dahil mula sa kanyang peripheral vision ay napansin niyang malapit na sila sa underground kung saan nakaparada ang kotse niya.
Pagkabukas na pagkabukas ay agad namang hinila ni Joss si Calyx kung saan nakaparada ang kotse nito, at sa ginawang iyon ay sya namang ng pabalik sa wisyo ni Calyx, pero huli na at wala siyang magagawa dahil alam niyang mas malakas ito sa kanya at nadala na lang siya sa paghila nito hanggang sa mapatapat sila sa kulay itim na kotse at pinagbuksan sya nito ng pinto sa harapang bahagi katabi ng driver’s seat, pero imbes na pumasok ay iyon ang nakitang paraan ni Calyx maisatinig ang mga nais sabihin.
“Hindi ako sasabay at hindi ba napagkasunduan na natin na.....”
“Hindi ako umoo” ang pamputol nito sa mga sasabihin pa sana ni Calyx abaout sa na pag-usapan nila sa park na sa mga pagkakataong magsalubong ang kanilang landas isipin na lang na hindi sila magkakilala, nagkakilala pero taliwas ito sa gusto nang mangyari ni Joss ang makipagkaibigan dito.
“Hindi ka makakaalis dito kung hindi ka sasakay, dalawa lang ang options mo, sasakay ka sa kotse ko o hindi ka papasaok?” ang muling pagsasalita ni Joss na nagbibigay kundisyon kay Calyx.
At sa huli wala nang nagawa pa ang huli at sumakay na ito na labis namang ikinangiti ni Joss.

-o-o-o-o-

Hindi na muling umimik pa si Calyx kahit sa loob loob ni to ay para syang bulkang nais nang sumabog sa pagkalito sa mga ginagawang iyon ni Joss, na bakit sya ganoon, ganyan, pero mas mapipikon lang sya dahil wala syang nakukuhang matinong sagot dito kaya ang pag tingin na lang sa bintana ng sasakyan para malibang ang ginawa hanggang sa napansin niyang hindi iniliko ni Joss ang sasakyan patungo sa tamang daan papuntang eskwelahan nila.
“Doon ang daan hindi ba?” ang hindi napigilang pagsasalita ni calyx sabay turo sa nalampasang daan, halata na din ang pagkalito sa ekspresyon ng mukha nito.
“OO nga” casual lang sagot nito na hindi man lang tiningnan ang huli
“Oh! Bakit hindi tayo doon dumaan, may ibang way pa ba?” ang hindi mapakaling tanong nito dahil ayaw na nyang makasama pa ng mas mahabang oras si Joss
“ahm!” ang kunwaring nag-iisip-isipan na si Joss
“Wala na” ang saglit na pagharap nito kay Calyx at pakawala ng mapang-asar lang na ngiti na nagpatindi ng pagkainis nito
“Itigil mo to, bababa na ako” ang nasabi nalang ni Calyx at halatang halata na ang galit dito
Nang akmang tatanggalin na ni Calyx ang seatbelt nya ay sya namang pagpapabilis ng takbo ni Joss
“Na ah! Wala kang magagawa, kundi sumama sa akin” ang mapang-asar na turan ni Joss
“Joss!!!!!!!!” ang pagsigaw na lang sa pangalan nito ang nagawa nya na ikinahagikgik lang ng huli


Itutuloy......

Lunes, Setyembre 3, 2012

One Great Love 3


by: FUGI

Pauna: Nais ko po muna humingi ng sorry sa late update, nagkasakit po ako ng two week, body malaise at flu, salamat sa mga patuloy pa rin nagkokomento sa chapter’s 1 & 2 na si na :

   ---->Sam1308 at Aizen Dave Avila (eto na po.. hehehe)
----->  --makki-- (hello po!) 
--  ---->youcancallmeJM (namiss ko din mga comment nyo:)
     ---->Yume (namiss ko kayong lahat:)
     ---->Jiru (yung names po na ginamit ko dito ay mga pangalan na paborito ko at gusto ko ipangalan sa magiging anak ko kung magkakameron man.. hehe, opo hindi ko po nakakalimutan, baka dito ko na ikaw maisama at maging character ka dito.. pero basta, kaya abangan mo. Hehe)
    ---->Jemyro (hi po!)

Authors Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN, nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba iyon na rason? hehe)

Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________

 

"E-eto panyo oh!" ang mahinang nasabi nito..

Hindi naman agad narinig ito ni Calyx hanggang sa may maramdaman na lang niyang may sumasagi sa kamay nya na tumatatakip sa mukha niya. Nang matanggal niya ang mga kamay na nakaharang sa kanyang mga mata ay tumambad sa kanya ang isang kulay asul na panyo na agad namang binaybay ng kanyang paningin pataas sa kung sinuman ang taong iyon.

Agad agad na nagbawi ng tingin si Calyx ng magtama na ang paningin nila ng taong nasa harap at kaagad na nagpunas ng luha dahil ayaw nya makita siya nito.

“Eto oh! panyo” ang pag-alok ng lalaki kay Calyx
“Bakit ka nandito?” natanong nalang nito
“Sasagutin ko lang ang tanong mo pagtinanggap mo na itong panyo, oh! Hindi na kaya ng kamay mo lang ang mga luha dyan sa mata mo oh!” ang may halong pagbibiro nito para sana pagaanin ang atmospera sa paligid nilang dalawa

“May sakit ka ba? Kanina lang kung maka...” hindi na ito pinatapos ng kausap at pinutol na agad siya nito

“Kaya nga ako nandito” huminga ito ng malalim kasabay ang pag-upo sa bench kung saan nakaupo kanina si Calyx bago pinagpatuloy ang sasabihin
“Tinamaan ako sa huling sinabi mo kanina kaya” ang simula nito na siningitan naman agad ni Calyx
“Buti naaapektuhan ka pa kala ko kasi” na hindi na naman niya natapos sa kadahilanang sumapaw na muli si Joss
“Sorry!” mahina pero halos bbumingi kay Calyx at nagpatameme sa kanya
Halos matigilin siya sa narinig na iyon, naramdaman niya ang sincerity sa paghingi nito ng paumanhin sa kanya
“Pasensya na sa inasal ko kanina” paharap at pagpapatuloy nito na sinabi kay Calyx na ngayon at magkatinginan na ng mata sa mata
Agad nagbawi ng tingin si Calyx dahil sa hindi niya matagalan ang tingin na iyon ni Joss, may kung anong kalungkutan itong nakikita sa mga mata nito.
“O..ok na yun! Pasen...pasensya na din sa inasal ko ngayon sayo” medyo nag-stammer na nasisaad ni Calyx habang ang tingin ay nakatingin sa malawak at magandang tanawin
Katahimikan, nakakabinging katahimikan ang sumunod na naghari sa pagitan ng dalawa, parang nagpapakiramdaman kung sino ang unang babasag at mag-oopen ng conversation at nang hindi na makatiis si Joss at may ogusto sana syang sabihin ay bigla namang umentrada si Calyx
“Kalimutan na lang natin ang mga nangyari” simula nang huli
“At magpanggap na lang tayo na hindi magkakilala, para wala na lang gulo, sige na aalis na ako” huling mga salitang binitawan ni Calyx bago tuluyan tumayo at naglakad palayo sa kinaroroonan ni Joss na natulala sa mga sinabi nito at ang nagawa nya na lang ay pagmasdan ang papalayong si Calyx.

-o-o-o-o-

Habang nasa loob ng elevator si Joss at pumapasok pa rin dito ang huling sinabi ni Calyx sa kanya na taliwas sana sa gusto nya mangyari, ang maipagpatuloy sana ang pagkakaibigan nila pero mukhang negative na dahil sa mga nagawa nito sa huli.
Nagising na lang siya sa malalim na pagmumuni-muni ng tumunog na ang elevetor that signals na nasa floor na sya kung nasaan ang unit nya.
Nang mapatapat siya sa pintuan ng unit nya ay hindi napigilang tingnan ni Joss ang kabilang pinto kung saan naroroon si Calyx at na pabuntong hininga na lang ito. Isinalpak na nito ang susi at ng akmang bubuksan na niiya ang pinto at kasabay naman ng pagbukas ng pintuan ni unit ni Calyx na nakapagpalingon kay Joss at nagtama ang kanilang mata
Agad namang umiwas si Calyx at agad na dumeretso sa paglalakad pagkasara nya ng door ng unit nya, talagang pinanindigan na nito ang sinabi na magpretend na lang silang hindi nila kakilala ang isat isa sa tumuwing kukrus ang mga landasin nila

-o-o-o-o-

Naging mabilis ang takbo ng mga araw at kinabukasan na ang pagsisimula ng klase, bagong pakikibaka ito para kay Calyx
Nasa patio sya nang mga sandaling iyon habang iniisip ang mga mangyayari kinabukasan
“Sana maging ok ang lahat” naibulong nya sa sarili habang pinagmamasdan ang mga naglalakihang building at mga kumikinang na mga ilaw sa harapan niya
Hindi agad napansin ni Calyx ang presensya at mga mata na nakatingin na pala sa kanya ng mga sandaling iyon hanggang sa mapalingon siya sa gawi kung saan naroroon ang terrace ng katabi niyang unit at nakita ang taong matagal na rin niyang hindi nakikita, si Joss
Babati sana ang huli ng bigla bigla itong nagpatiuna pabalik sa loob ng unit nito at nagsara na ng sliding door kasabay ang kurtina na agad ikinalumo ni Joss
“Wala na talaga.” naiiling nitong sagot

-0-0-0-0-

Nagising si Calyx sa tunog ng alarm clock niya at agad naghanda para sa first day of school niya. Inuna niyang magluto ng kakainin niya (marunong siyang magluto dahil sa yaya niya, kaya nakahiligan at ngayon nga ay pagyayamanin pa niya ito sa pagkuha ng kursong mag-e-enhance nito).
Kakaibang saya ang nararamdaman ni Calyx pag nasa kusina siya habang nagluluto, sobra niya itong na-eenjoy. Umabot ng halos kalahating oras bago pa sya nakapaghain at nakakain ng breakfast. Sunod niyang ginawa ay nagpahinga ng konti bago maligo at ng matapos ay nagbihis at inihanda na ang mga gagamitin niya at nang matapos na lahat ay humarap ito sa life size mirror niya at ngumiti habang nagwiwika ng
“This is it!” at tuluyan na syang lumabas ng condo nya, dire-diretso patungong elevator at nang matapat at malayo pa ang floor kung nasaan ito para magserbisyo.
Nang mapatapat na sa kanya at bumukas na ang elevator na iyon iyon ay nagulat siya nang bigla bigla ay may humawak sa braso nya at bigla bilga siyang hinila papasok doon kasabay ang mabilisang pagkilos ng humila sa kanya at pinindot agad ang close button ng elevator na iyon.
Sobrang pagkagulat naman ang namayani kay Calyx ng matunghayan kung sino ang taong iyon at ng magtama ang kanilang paningin ang nakangiting si Joss ang bumungad sa kanya
“Joss!” naibulong nito
“Good morning!” nakangiti nitong bati sa kanya

Itutuloy......