fugi's playlist

Linggo, Oktubre 7, 2012

One Great Love 7



by: FUGI

Pauna: Nais ko po muna humingi ng sorry sa late update, salamat sa mga patuloy pa rin nagkokomento at nagbabasa ng likha ko

Authors Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN, nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba iyon na rason? hehe)

Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________

 

Dahil sa nakatungo si Calyx ay hindi niya nakita ang palihim na pagngiti-ngiti ni Joss sa mga ginawa nito, ang pagharang ng una para pigilan syang makasakay sa kotse nya at ang paghingi nito ng oras para makapag-usap sila. 

“Kala ko ba ay mas gusto mo yung ganito ang set-up natin, yung parang hindi tayo magkakilala, hindi hindi na nga ako nangungulit na sya gusto mo nung nakaraan.” ang sunod-sunod na nasabi ni Joss habang pinipilit na pigilin ang mapatawa sa palabas na kanyang ginagawa at magiging seryoso para mas epektib ang kanyang drama

Hindi naman nakatugon si Calyx dahil tama ang mga paratang na ito nanatili lang siyang tingin sa baba

“Dumidistansya na ako, dahil ayaw kong ipagsiksikan ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin, oo may mga nagawa akong mali pero paano ko mo makikita ang pagtatama ko sa mga pagkakamali ko sayo at ang pagbabago ko kung hindi mo ako pagbibigyang pumasok sa mundo mo, nakikipagkaibigan na nga ako calyx at wala akong iba pang intensyon” ang pagpapatuloy nito

Hindi malaman ni Joss kung saan nya mga nahugot ang mga salitang nasabi nya pero palihim palihim pa din syang natutuwa dahil nakikita nyang may tama iyon kay Calyx

“Sorry!” ang mahinang pagtugon na lang ni Calyx at unti-unting inihahakbang na ang mga paa para umalis na sa lugar na iyon dahil tumagos lahat ng sinabi nito sa kanya

Bagsak balikat na naglakad na si Calyx pero agad din naman syang  napahinto ng biglang may humablot sa kanyang braso at hinila siya nito at dahil sa bilis ng mga pagyayari ay namalayan nya na lang na nakasakay na siya sa passenger seat ng sasakyan ni Joss

-o-o-o-o-

Hindi maalis alis ang ngiti sa mga labi ni Joss dahil bukod sa nagtagumpay ito ay alam nyang ito na ang magiging simula ng magandang samahan sa pagitan nila ni Calyx.

Hindi naman nakaligtas sa mga mata ng huli ang mga ngiting iyon kaya naman sya na ang bumasag sa katahimikang sumasakop sa kanila

“Best Actor!” ang pasinghal na parinig ni Calyx dito

“Sorry!” ang mahinang tugong naman nito na mahihimigan ng pagmamakaawa

“Mag-usap naman tayo” si Joss

“Please!” ang panggagaya ng huli kay Calyx kasabay ang hindi mapigilang paghagikgik nito

“You moron! Arrrrrhhhgggg, ihinto mo na nga ito, bababa na ako” ang naiinis na naitugan lang ni Calyx

“Na ah!” kasabay ng paggalaw ng kanyang pointer finger na nagpapahiwatig ng hindi pwede habang tatawa tawa pa siya na lalo lang ikinainis ni Calyx dahilan para manahimik na lang siya

“Yan ganyan nga, dapat magbehave ka na lang” dagdag pang-aasar pa nito

-o-o-o-o-

Hindi namalayan ni Calyx na naidlip na pala sya, ugali na talaga niya iyon na mapasandal lang ay mabilis siyang makatulog. Pero magkaganoon pa naman ay naramdaman niyang may mga matang nakamasid sa kanya. Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mata at ang nakangiting si Joss ang bumungad sa kanya

“Nandito na tayo sleepy head” ngingiting nakakaloko ni Joss

“Nginingiti-ngiti mo na naman” pagpuna nito

“Wala naman, may falls pala sa bibig mo pag natutulog ka, buti hindi ka nalulunod” ang natatawang sabi nito habang mabilis na lumalabas ng kotse niya

“Moron!” singhal nito na agad din na-conscious dahil sa mga sinabi ni Joss sa kanya

“Yan wala, wala na yung residue!” patuloy na pang-aasar nito pagkalabas nya ng kotse nito

Pero hindi na lang niya pinansin ito at agad na tiningnan ang paligid kung nasaan ba siya dinala ni Joss

“Theme Park ha!” ang nakangiti nang nasabi ni Calyx habang tinitingnan ang buong paligid. Ngayon ay nasa isang sikat na theme park sila sa south.

“yan ngumiti ka na din! Tara na enjoy na natin ang buong araw” ang yaya nito kasama ang isang napakagandang ngiti

Bubuntot buntot lang si Calyx kay Joss hanggang sa makapasok na sila hanggang sa pagpila sa para sa ticket nila. Akmang magbabayad na ang huli nang biglang sumingit si Calyx

“Miss ito yung bayad” sabay harap kay Joss

“This time its my treat!” nakangiting sabi nito sabay alis at lakad na paloob

-o-o-o-o-
Nagsisisi na ngayon si Calyx nang sabihin niyang sya ang bahala sa lahat ng gastos nilang dalawa ni Joss sa kadahilanang hindi ito nahihiya na kala mo ay sobrang close na sila

“I-try natin yun mukhang masarap yon” ang laging linya ni Joss sa kanya sa tuwing matatapos sila sa mga rides at ibang mga atraksyon ng park na iyon at makakakita ng ibat-ibang food cart o kainan sa paligid

“Sige i-try na natin, nahihiya naman ako sayo” nakangiting huwad ni Calyx na mahihimigan ng pasaring

“Tas iyon din, siguro masarap din doon, dami bumibili” sa bay turo nito sa kalapit na Food stand

“Mukha na namang hindi, madami lang bumibili dahil doon lang yung malapit sa rides na yon” ang mahinahong pagkontra nito para hindi mahalatang umaalma na sya kasabay din ang malapit na rides sa tabi nito para gumana ang palusot nito

“Subukan na din natin para malaman natin para kung hindi nga masarap di sasusunod  alam na natin hindi na tayo bibili doon” ang pagharap naman ni Joss dito na may pagkalaki laking ngiti

“Nakakapagsisi” ang naibulong nalang ni Calyx

“May sinasabi ka ba?” nakakagagong tanong lang nito

“Wala” sabay pakawala nito ng hilaw na ngiti

-o-o-o-o-

Lumalalim na ang gabi at halos nasakyan na rin naman nilang dalawa ang lahat ng pwedeng sakyan at puntahan at lalot higit ay mukhang nabilhan din nila lahat ng mga tindahan doon ng pagkain dahil sa pasadyang pagtuturo-turo at pagpapabili ni Joss dito

“Joss, ah eh paano kasi gumagabi na may pasok pa tayo bukas” ang medyo nag-aalangan na pagpapaalala nito sapagkat kita nya ang labis na pag-eenjoy ni Joss at kahit sya at ang dami nya rin nalaman sa pagkatao nito.

“Oo nga no!” sabay tingin nito sa relo niya

“Pasensya na sobra lang ako nag-enjoy kaya hindi ko na namalayan, tara na” ang dagdag nito

“Salamat!” ang nasambit ni Joss bahang naglalakad sila palabas ni Calyx

Napangiti naman ang huli sa sinabi nito:)

“Dapat lang, grabe ka, ilang taon ka bang hindi kumain at lahat nalang binilhan mo, yumaman sayo ang mga food stands ah!” ang pambabara na tinawanan lang ng malakas ni Joss


-o-o-o-o-

Nang makarating na silang dalawa sa sasakyan nila ay sya namang pag liwanag sa likuran nila at nang lingunin nila ito ay labis na paghangan ang dahil sa magagandang fireworks sa kalangitan

“Ang ganda!” ang bulong ni Calyx

Napasandal na lang silang dalawa sa kotse at pinanood ang fireworks display ng theme park na kanilang pinuntahan

Habang nagpuputukan ang mga iyon sa himpapawid at nagbibigay ng magandang desenyo sa kalangitan ay ang paggagundong ng malakas na payagak malapit sa kinatatayuan nina Calyx

Isang malakas na iyak na mas kumuha na ng atenyon ng dalawa

Itutuloy..........
(abangan ang mga susunod na kabanata dahil dito na magsisimula ang lahat, ang mga twists ng storya at ang magpapalapit sa mga bida ng istorya. Salamat!)

Lunes, Oktubre 1, 2012

Ikaw ang aking Pangarap II: Nag-iisang Ikaw 1



by: Fugi

Pauna: eto po ang kadugsong ng Ikaw ang aking Pangarap (parang lumalabas na ito ang Book II, o kung sa pelikula ito ang sequel.. hehehe, pero ang totoo wala sa plano ito at tuloy-tuloy dapat ang IAAP hanggang sa totoo nitong katapusan kaso sa pagdaan ng mga araw at sa dami ng revisions na naganap ay humantong ako sa ganitong ideya para maiaba naman ang flow.. hehe). Kung sa unang yugto ay medyo lamang ang pagiging isip bata ko, dito ay pipilitin kong gawing mas mature base na rin sa edad ko.. hahaha (sana magawa ko, pray for me!). At nais kong sabihin na kung sa unang libro ay 10% lang ang katotohanan, dito... dito sa pangalang aklat na ito ay purely kathang isip na (hahaha kala nyo maglelevel up ng mga ilang percent ang based on sa aking buhay no?? hehe)


>after a year<


“.. ang mahiwagang mensahe...” (ang medyo malakas na message alert tone ko, hahaha)

(kung babalikan ang Book I, ay wala po ako cp doon dahil hindi ko naman hilig pero dahil sa mapilit  kong tatay-tatayan SLASH super bestfriend SLASH ang aking super duper gwapo kong boyfriend na si hubs (Ian), yes naman! Ayieee naman kayo.. hehe kailangan ko daw iyon para lagi daw niya naririnig ang boses ko at para namomonitor nya rin daw ako, oh diba parang Vital signs lang hahaha)

“Baby fugs ko, hindi kita masusundo ngayon ha, may inaasikaso lang ako. Sorry po! I LOVE YOU” ang laman ng text nya

“Inaasikaso? Siguro para sa anniversary namin bukas” sa isip isip ko lang at sobrang ngiti ang sumilay sa aking mga labi

Ang bilis talaga ng panahon mag-iisang taon na pala kami bukas, parang kailan lang noong pinangarap ko na sana, sana mahalin nya rin ako katulad nang nararamdaman ko sa kanya at pinagbigyan naman ako sa hiling kong iyon. May mga hindi man pagkakaintindihan o mga childish fight ay nagagawan naman namin ito ng paraan mara maayos agad at mas lalo ko lang syang minamahal sa bawat pagkakataong iyon, mas tumitibay ang pundasyon ng love namin sa isat isa:)

“Mas mahalaga pa ba iyon sa akin? Ha?” ang kunyari-kunyarian kong reply kay Ian

Wala pang limang segundo ng biglang nagring na ang telepono ko at nang tingnan ko ito ang mokong ang tumawag na agad ko naman sinagot

“Hello” ang kunyari ay walang kagana-gana kong bungad sa kanya

“Nagtatampo ang baby fugs ko ah!” ang simula niya

“Tandaan mo wala nang mas mahalaga sa buhay ko kung hindi ikaw, wag na po magtampo, I love you!” ang dagdag niyang paglalambing

“Ano po iyon d ko marinig?” ang magmamaang-maangan ko pero sa loob loob ko ay sobra akong kinikilig sa mga sinabi niyang iyon at kung siguro kung nasaharap ko lang ito ay agad niyang napuna ito dahil sa lawak ng mga ngiti at feeling ko at kumikuslap pa ang aking mga mata sa sobrang kasiyahan

“I love you, i love you, ilove you, I LOVE YOU!!!!!” ang pag-uulit niya na nagsimula sa mahinang volume hanggang sa palakas ng palakas ang pagkakasabi niya

“I love you hubs!” ang malambing ko nang tugon kay ian

“Paulit po choppy, d ko narinig” ang natatawa nitong balik sa akin

“Gaya-gaya” ang natatawa ko na ring sagot

 “Behave ha! At hintayin kita sa school, ingat po!” dagdag ko at pinutol ko na ang tawag


Hindi na maalis ang napakagandang ngiti ko habang papasok na ako sa campus, at dahil doon hindi ko na napuna ang nasa paligod ko dahil ang kasweetan ni Ian ang tumatakbo sa utak ko (kasi kasi ka-su-weyt ih! Hehehe)

“May bukas pa ha!, magtira ka, bago bukas wala ka nang maingiti” ang narinig ko na lang mula sa gilid ko


Nang tingnan ko si janine ang isa sa pinakamalapit ko, namin ni ian na kaibigan na isa sa mga nakakaalam ng relasyon namin. Paano may pagkadetektib pala ang isang ito at simula palang pa ay naoobserbahan na nito ang kakaibang saya ko kapag nasa tabi ko si Ian at kung gaano ako nag-aalala kapag wala ito at yung mga tinginan daw namin at kung anu-ano pang proof ang pinagsasabi niya na ikinamula lang naming dalawa ng ilahad nya sa amin ang mga iyon.

“Sabi ko na ih!” ang huling komento ni janine sa pagtatapos naming magkwento ni Ian sa kanya ng relasyon namin

“Pero hindi mo man lang pinahirapan ha! Easy to get ka tuloy” ang natatawang biro nito na ikinahagikgik naman ng mokong na si Ian

Agad kong inambangan ng mahinang tampal si Ian dahil sa paghagikgik nito na naging tawa ng malakas dahil sa ginawa ko

“Paano kasi.. ano..“ ang walang mahinuha kong naisagot sa komentong iyon ni Janine

“Wag ka namang magpaliwanag dahil alam ko na ang sagot” ang nakangiting pagtatapos ni Janine

“Salamat sa supporta Janine ha!” ang nasabi na lang ni Ian

“Basta wag mo sasaktan si fugi, kung hindi ako ang susugod sayo at bubugbugin kita” ang natatawang pagbabanta ni Janine na nagpatouch sa akin kaya nayakap ko nalang ito.

“Salamat!” bulong ko dito

“Hindi ako mangangako pero gagawin ko ang lahat para maiwasan iyon” sinserong saad ni Ian

“Good answer huh!” natatawang banat ni Janine kay Ian na ikinatawa naman naming lahat

Nangiti na naman ako nang maalala ang tagpong iyon. Ang swerte namin kay Janine.


“Hala baliw na, Ca-lling Mr- Fu-gi, please back on earth” ang natatawang pagkuha ng atensyon ko ni Janine na agad nagpabalik sa aking wisyo

“Sorry may naalala lang” ang nangingit ko pa ring balik dito

“Kasi naman, buti hindi kayo napapagod ano?”

“Ha?” ang nalilito kong sagot

“Paano peras kayo tumatakbo sa isip ng isat isa” ang biro nito

“Malakas kasi ang stamina namin” ang pagsakay ko naman sa biro nito

“Oo nga naman, inaraw-araw nyo ba naman paghindi lumakas ang stamina ninyo” ang nakakalokong ngiti ni Janine

“Adik!” ang natatawa ko na lang balik dito

“Tara na nga, pumasok na tayo ba kung saan pa mapunta ang usapan natin” ang dagdag ko at nagpatuloy na kaming maglakad papunta sa unang kasi namin


“Asan ka na ba? Bakit hindi ka pumasok?” ang text ko kay Ian

“Kasi kasi naman magtitext lang, hindi man lang nagpasabi alam na may nag-aalala sa kanya” ang nakasibangot ko namang nasabi sa sarili ko

Kanina lang hindi matawaran ang ngiti ko tas ngayon naman hindi mailarawan ang itsura ko.

“Kasi naman sinagad ang pagkakangiti kanina” ang komento ni Janine habang nasa cafeteria kami sasagot pa sana ako ng bigla

“Kain na tayo” ang masayang nasabi ni anthony sabay lapag ng tray na naglalaman ng pagkaing inorder niya

Pagkaupong pagkaupo nito ay nagulat na lang ako nang biglang hablutin ni anthony ang cellphone ko

“Tatawag iyong ulupong naiyon, hindi ka noon matitiis, siguro may inaasikaso lang, kain na muna tayo ok!” nakangiting sabi ni anthony sa akin

Tumango na lang ako bilang pagpayag dito

Nakakatuwa dahil ang bestfriend kong ito ay lagi lang nasa tabi ko at kahit nasaktan ko sya dahil sa pagpili ko kay Ian ay hindi nagbago ang samahan namin kung may changes man may lumalim ang pagkakaibigan namin at sobrang protektib nito sa akin lalo na pag wala si Ian


 .....bbbbbllllagggggggg.......

Ang tunog ng suntok ni anthony kay ian dahil sa lakas nito na nagdulot ng putok ng labi ni Ian

“Tandaan mo, mas malakas ma dyan ang gagawin ko sayo sa oras na lokohin at paiyakin mo si Fugi at aagawin ko sya sayo pagnangyari iyon” ang seryosong sabi ni Anthony kay Fugi

“Makakaasa ka pare” ang seryoso ding balik ni Ian habang nakasalampak sa sahig dahil sa pagkakasuntok nito sa kanya

Inalalayan ko namang makatayo si ian at pag katapos ay agad kong inambangan ng mahinang suntok sa dibdib si Anthony na ikinahagikgik lang ni Ian at anthony

“Aray!” ang sigaw ni Anthony habng tumatawa na ng malakas

“Ang swerte mo pare ho! Ipinagtatangol ka pa” nakangiting nang sabi ni Anthony kay ian pero alam ko na nasasaktan sya kay niyakap ko na lang ito

“Salamat at sorry!” ang bulong ko dito

“Mahal kita kaya gusto ko maging masaya ka” ang balik nito

Napaluha naman ako sa sinabi nito at hinigpitan ko lang lalo ang yakap dito

“Ehem!” ang pagpapapansin naman ni ian

“Nagseselos na ako ha!” ang parang batang sabi ni ian

“Pare, ngayon lang, pagbigyan mo na ako” balik ni Anthony habang lalong humihigpit ang yakap nito sa akin

Maya maya ng kumalas na kami sa yakapang iyon

“Pare last na wag ka magagalit ha” ang nasbi ni anthony at nagulat na lang ako sa ginawa nito

Bigla akong kinabig ni anthony at dahil sa bilis ng mga pangyayari ay nalaman ko na lang na magkalapat na ang labi namin. Mabilis man iyon naramdaman ko ang labis labis na pagmamahal ni anthony sa akin

Simula noon ay naging parang magkapatid ang turingan nilang dalawa pero minsan ay natatawa na lang ako sa paging isip bata ni ian dahil hindi niya maiwasang oagselosan si anthony hehe


“Ako na maghahatid sayo ok” si Anthony habang palabas na kami

Hindi na lang ako umimik. Paano hindi man lang nagparamdam ang mokong ni text o tawag magkahalong inis at pag-aalala ang aking nararamdaman.

“Wag ka na mag alala malay mo naman busy lang iyon sa pangsusurprise sayo di ba anniversary nyo na bukas” ang biro ni Janine

“OO nga naman” pagsang-ayon ni anthony

“Pasurprise surprise, hindi na nakakatuwa pwede naman niya ako itext, o tumawag para hindi ako nag-aalala” ang na busangot kong sabi

“Tara na nga at nag-aalburoto na ang bulkan” ang natatawang sabi ni Janine

Nagpaalamanan na kami at sumabay na ako kay Anthony. Tahimik lang ako habang nasa byahe hanggang sa bigla na lang nagring ang telepono ko at nang tingnan ko ay si ian ito at nang dahil sa inis ay hinayaan ko na ito

“Si Ian ba iyon?”

“OO” ang walang gana kong sagot kay anthony

“O yan tumatawag na sayo ang ulupong bat ayaw mo naman sagutin?”

“Yan mo na yang ulupong na iyan” ang nasabi ko na lang na nagpahagikgik kay anthony

“Gusto mo ba itanan na kita, parang ayaw mo kay ulupong ah!” ang natatawa nang banat nito

“Adik, kahit na ulupong iyon mahal ko pa rin iyon” natatawa ko nang sagot

“Yun naman pala sagutin mo na” sulsol ni anthony

At agad ko na nang sinagot ang tawag ni Ian

“Hello” simula ko

“Sorry baby fugs ko kung hindi ako nakakatext o nakakatawag, nandito po ako sa campus, asan ka po?”

Sasagot na sana ako nung bigla na lang nagulat ako sa biglaang pagpreno ni Anthony at ng silipin ko kung ano ang nangyari ay na kita ko na may humarang na itim na kotse sa amin at may lumabas na mga nakaitim na mga lalaki at palapit sa amin

“Baby fugs ko nandyan ka pa ba?” ang narinig ko sa kabilang linya

Natulala ako sa mga sumunod na nangyari dahil bigla lumabas si Anthony ay bigla syang pinagtulunga ng mga lalaking iyon

“Ian!” ang natatakot ko na lang nasabi

“Baby fugs! Anong nagyayari sayo?” ang nag-aalala na niyang nasabi

Hanggang sa nabuksan na ang pinto sa side ko at bigla na lang niyang tinakpan ang bibig at ilong ko at may na ako na kakaiba na nagpahilo ay maya maya lang nawala na ang malay ko




Itutuloy.....











One Great Love 6



by: FUGI

Pauna: Nais ko po muna humingi ng sorry sa late update, salamat sa mga patuloy pa rin nagkokomento at nagbabasa ng likha ko

Authors Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN, nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba iyon na rason? hehe)

Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________

 

Nagyon ay muling bumabyahe na si na Joss at Calyx at kung saan man sya dalahin ng una ay wala na siyang pakialam dahil hindi na nya alam kung ano ang kung anong kakaibang pakiramdam na lumilipol ngayon sa buong pagkatao nya. Hindi nya ito maiwaksi waksi sa kanya isipan lalo’t higit na maliit na muscle sa bandang dibdib niya.

-o-o-o-o-

Hindi naman maintindihan ni Joss ang nangyayaring muli sa pagitan nila ni Calyx akala niya kanina ay nagiba na niya ang wall sa pagitan nila kani-kanina lang dahil nakakausap na niya ang huli ng maayos at nakikita niya na sensero ang mga ngiti na ibinibigay nito sa kanya tanda na hindi na ito iwas o ilag sa kanya dahil sa mga nagawa niya dito nung nito lang at maging nung mga bata pa sila, ang pag-iwan niya dito dahil lang sa isang mababaw na dahilan kung tutuusin, pero dahil sa mga nangyari sa buhay ni Joss kaya naging big deal iyon sa kanya na ngayon ay bumabawi si sapagkat nakita na niya ang kamalian niya.

Isang mas malaking pader ang sa pakiramdam niya ang nabuo na naman sa pagitan nila ni Calyx na bumalik na naman sa pagiging tahimik at hindi na naman siya nito pinapansin kaya nang hindi na ito nakatiis ay bigla bigla na lang niyang inapakan ang preno dahilan para biglaang huminto ang kotseng minamaheno niya na nagsanhi ng mild impact kaya medyo napaabante si Calyx paharap, na nagpagising sa malalim na pag-iisip ni Calyx.

“Ano na naman ang nagawa ko?” ang mahinahon pero mahihimigan ng pagkalito sa boses ni Joss na naging dahilan para mapaharap si Calyx dito pero ang una ay nakayuko at nakatingin lang sa manubela

“ah... eh.. pwede bang iuwi mo na” ang wala sa sariling nasabi ni Calyx

“Ayaw mo talaga akong kasama ano?” mahina lang iyon pero halos pasigaw na iyon nang rumehistro sa dalawang tenga ni Calyx

Agad na iniliko na pabalik ni Joss ang kotse nya at mabilis na itong pinaandar.

-o-o-o-o-

“Nandito na tayo” walang ka-emo-emosyong nasabi ni Joss matapos sobrang katahimikan sa pagitan nilang dalawa at ng maitapat ang kotso sa harap ng building kung saan sila naninirahan

“Sa...salamat!” ang nauutal na nasabi na lang ni Calyx sabay dahan dahang lumabas ng kotse ni Joss

Pagkasarado nya ng pinto at agad pinaharorot ni Joss ang sasakya niya at naiwan si Calyx na nakatulala habang pinapanood ang pagkawala ng kotse nito dahil sa napakabilis ng pagpapaandar ng huli.

-o-o-o-o-

Parang tangang nagpagulong gulong si Calyx sa kama niya habang nasa isipan niya anang mga huling sinabi nito... “Ayaw mo talaga akong kasama ano?” pati ang itsura nito.

“Ahhhhhhrggggg!” ang sigaw ni Calyx habang nakadiin ang unan sa kanyang mukha

Labis siyang nakokonsensya sa kanyang ginawa, na dahil doon pinatotohanan lang niyon na parang ayaw nya nga makasama si Joss na kabaligtaran naman sa totoo niyang naramdaman kanina simula ng nagtatawanan na sila, nagbibiruan at nakakapag-usap nang mahinahon na ginusto nyang mangyari. Kakaibang saya ang dolut noon pero may hindi maipaliwanag na damdamin na syang parang humadlang kaya nauwi sa ganoon ang nangyari kanina.

“Ano ba kasi ito?” ang naitanong ni Calyx sa kanyang sarili habang ang kanang kamay niya ay nasa dibdib kung saan naroroon ang kakaibang ritmo na pagtibok ng kanyang puso

Hanggang sa nakatulugan na niya ang ganoong posisyon

-o-o-o-o-

Wala pa rin sa sarili si Calyx na ngayon ay nakahandanang umalis para pumasok na at sa isang bahagi ng isip nya may isang munting hiling na...Sana, sana makasabay nya itong muli, na sana irewind ung kahapon at hindi na sya magdadalawang isip na sumama dito

Pero hindi pinahintulutan ng pagkakataon ang gusto nya, na kahit anong bagal niyang nilakad ang daan papuntang elevator ay ni hindi niya narinig bumukas ang pinto ng unit nito.

Ilang beses nya ring pinindot ang “<l>”button pag magsasara ang elevator na sinasakyan nya pero wala pa ring lumalabas mula sa unit nito kaya wala na syang nagawa kung hindi ang pumasok na.

-o-o-o-o-

Hindi man lang nagtagpo ang landas nila kahit sa school kung saan parehas sila nag-aaral, halos mabali na ang ulo ni Calyx kalilingon para hanapin si Joss pero wala hanggang sa makauwi na siya. 

Labis labis na pang hihinayang ang kanyang naramdaman. Kaya bagsak balikat syang umuwi sa condo niya.
:(

-o-o-o-o-

Lumipas ang tatlong araw at wala ni anino ni Joss ang nakita ni Calyx sa school at kahit sa building kung saan sila nakatira at kahit magkatabi pa ang unit nila hindi man lang nagkasalubong ang landas nila.

Gustong gusto nang kantukin ni Calyx ang pinto ni Joss pagnapapadaan siya sa tapat ng unit nito pero wala syang lakas ng loob o mas lamang yung nahihiya siya dahil sa inasal nya nung magkasama sila.

-o-o-o-o-

Isang umaga habang sakay si Calyx sa elavator at nang pasara na ito at nahagip ng paningin nga ang ninais niyang makita sa nakalipas na araw, na naglalakad patungo sa kanya kay agad niyang iniharang ang kamay nya para hadlangan ang pagsara ng elevator at nagtagumpay naman sya. Hindi niya naramdam ang sakit na naidulot nito dahil labis na kasiyahan ang humari sa kanya, at nang magbukas ito ay sya naman palapit na palapit na sa kanya na si Joss.

Kinakabahanna nilalamig ang pakiramdam niya sa nakikita pero laking pagkadismaya niya nang akala niya ay sasakay ang huli sa elevator na sinasakyan niya pero lumiko ito at kitang kita sa mukha nito ang walang pakialam na itsura.

Tinumbok ni Joss ang o tamg sabihin na mas pinili nito na gamitin ang fire exit, ang paghagdan na lang kesa ang makasama siya, ang nasa isip ni Calyx

Natulala man ay nakabuo nang plano si Calyx na hindi na niya palalampasin ang pagkakataon na maayos na ang gusot sa kanila ni Joss kaya agad na niya pinindot ang close button ng elevator kasabay ng pagsasara nito at ang pindot naman ng underground floor kung saan nakaparada ang kotse nito at ang sigurado siyang pupuntahan nito.

-o-o-o-o-

“Mag-usap tayo” ang bungad agad ni Calyx ng makalapit na si Joss sa kotse nito kung saan siya nag-antay

Pero imbes na sagutin ito ay agad nang naglakad ang huli sa bahaging driver seat ng kotse nya na maagap namang naharangan ni Calyx

“Please!”



Itutuloy..........