By: FUGI
“EXPECT D’ UNEXPECTED!”
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po
ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang
naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa
based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na
author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA
TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman
ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento
“Anak may gusto ka bang sabihin sa iyong
mama?” seryoso pati ang tono ni mama ng sabihin nya ang mga katagang iyon na
ikinakaba ko ng husto.......
Sa tingin ni mama parang may gusto itong
ipahiwatig at parang may kung ano itong nalaman na dahilan para lalong bumilis
sa pagtibok ang puso ko
Nang hindi ko na matagalan ang mga
tingin na iyon ni mama ay agad kung pinalingan ng tingin si ian para sana
humingi ng tulong dito pero nakatungo ito na kala mo ay nasapol sa kung ano
mang kasalan na nagawa nito at base rin sa itsura ng mukha nito ay mababakas
ang kaba din na nararamdaman nito sa mga oras na iyon
Napabuntong hininga na lang ako ng
malalim para kumuha ng lakas ng loob na harapin si mama at sabihin na sa kanya
ang tungkol sa amin ni ian dahil alam ko at nararamdaman ko na may alam na si
mama at hinihintay lang siguro ako nito na ako mismo ang magsabi sa kanya
Alam kong kung may isang tao man na
pinakanakakakilala sa atin iyon ay ang ating ina, dahil sa naging bahagi tayo
ng buong pagkatao nya at ang nagsilbing tahanan natin sa loob ng siyam na buwan
habang gumagawa tayo ng sarili natin katauhan, na hanggang sa ngayon ay lagi
lang nandyan sa tabi natin para sumuporta, gumabay, promotekta at magmahal na
walang hinihintay na kapalit, na walang katapusan
“Ma....” pabulong na simula ko habang
hindi makatingin ng diretso sa kanya
“Mahal na
mahal ko po.........(pause)..... si...si
ian” (at napatungo na lang ako ng nang sa wakas ay nasabi ko na rin ang
totoo kong nararamdaman kay ian sa mama ko
Natahimik
ako sandali dahil sa iniintay ko ang sasabihin ni mama pero wala kaya..
Ako: ma,
sa...sa..sana po, sana po ay..ay wag..wag..wag ka...yong magaga.... (nauutal
kong hindi natapos na sasabihin ng marinig ko ang mahinang tawa ni ian sa tabi
ko kaya agad na nakuha nito ang atensyon ko)
Nagtataka ko
itong tiningnan at sa direksyon ni mama ito nakatingin, dahan dahan kong
sinundan ng tingin at bumungad sa akin ang nakangiting si mama ko na talagang
nagpagulo ng isip ko
“Alam at
nararamdaman iyon ni mama” wala na ang kaninang seryosong hitsura ni mama,
nakangiti na ito ngayon na nagmaalis ng mga apprehensions ko
“Halika ka
nga dito anak” dagdag pa ni mama sabay muwestra ng bisig at nang lumapit na ako
sa kanya ay niyakap ako nito, yakap na nagpawala ng takot ko na baka hindi sya
pumayag, na baka magalit sya, at higit sa lahat ang madisappoint ko sya (aminin
natin, kung meron tayong gustong-gustong i-please na tayo dito sa mundo yun ay
ang mga magulang natin, ang mga mama, inay, nanay, mommy, mi/papa, itay, tatay,
daddy, di natin, na sa lahat ng gagawin natin gustong gusto natin nandayan sila
kasi pagganoon nagagawa natin lahat at lalong lalo na pagsinabi na nila yung
inaasam asam natin na marinig sa kanila ayun ay pagsinabi na nila na “I am
proud of you anak!” kasi sa mga salitang yan masasabi mo sa sarili mo na na na
nagawa mo ang pagpapasaya sa kanila, na kahit papaano naging mabuti ako, ikaw
tayong lahat na anak nila)
Pero hindi, kasi
sa yakap na iyon alam ko na na natanggap nya, tanggap nya ako ganoon na din ang
pagmamahalan namin ni ian
Ako: ma,,,,
mama ko... salamata po! (ang naluluha ko nang nasambit sabay ang paghigpit ng
yakap ko sa kanya
“Masaya ako
at nakikita ko na ulit na masaya ka na, na hindi na pilit ang mga ngiti mo,
alam mo ba anak ang mapasaya kayo ang nais ko kaya kung ano magpapaligaya sayo,
nandito lang si mama, susuporta ako, tandaan mo iyan” kalmadong paglalahad ni
mama, kalakip noon ay ang paghigpit din ng yakap nito sa akin
“Ma, salamat
po!” maya maya’y pagsasalita ni ian
“Halika nga
dito” pag-anyaya nito kay ian at nagmapalapit ito sa tayo naman ay niyakap din
ito ni mama
At yumakap
naman ng mahigpit si ian sa akin at kay mama
Paglipas ng
ilang sandali ay kusa na kaming bumitaw sa yakapang iyon
Ako:
nakiki-mama ka na din ha! (pagbibiro ko habang pinipunasan ko ang mga luha ko)
Halata naman
sa mokong na nahiya sya sa biro kong iyon dahil medyo namula ang tenga nito na
lihim kong ikinangiti:)
“Alam mo ba
anak” biglang pagpasok ni mama na kinakuha ng atensyon namin ni ian
“Sobra akong
pinabilib ni ian, pinatunayan nya sa akin kung gaano ka kahalaga sa kanya”
(nagulat ako sa sinabi ni mama at agad nga akong napatingin kay ian at masuyo
lang itong nakatingin sa akin at nakangiti)
“Na nitong
nakaraang mga gabi lagi kong nakikita ang batang iyan na nakatingin sa binta ng
kwarto mo, na aalis lang yan pag nasiguradong patay na ang ilaw sa kwarto mo”
nakangiting pagkikwento ni mama
Napansin ata
ni mama ang may pag-aalangan sa itsura ni ian dahil sa mga sinabi niya kaya
pinangunahan na niya ito
“Alam ko ang
mga iyon iho,” sabi nito kay ian at nandoon pa din ang magandang ngiti ni mama
“Kaya kanina
nung ipagtapat mo sa akin ang totoong intensyon mo sa anak ko, nakita ko yung
sencerity mo, na sobra sobra mong pinapahalagahan ang anak ko, na hindi mo lang
sinasabi na mahal mo sya, ipinaparamdam mo din lalong lalo na sa akin, kaya
lahat nang pag-aalala ko nawala dahil alam kong mapapanindigan mo si fugi, kaya
hindi ako tumututol at buong puso kong ikaw tinatanggap bilang anak ko na rin”
madamdaming pagsasalaysay ni mama
Agad tumakbo
si ian kay mama at muli nitong niyakap si mama
Ian: salamat
po mama (medyo naluluhang nasabi nito)
“Salamat din
anak sa pagpapasaya kay fugi” si mama at yumakap na din ako sa kanila
Nakakataba
ng puso ang lahat ng mga sinabi ni mama, na dahil doon napanatag ako, na parang
yung approval nya sa espesyal na pagtitinginan namin ni ian ay sapat na para
mawala ang lahat ng takot ko, na mas lumakas ako na para bang kahit anong unos
ang dumating sa buhay ko, namin ni ian alam kong may back-up ako at ito ang
mama ko:)
“Paalaala lang
mga anak hindi normal ang pinasok ninyo, may mga makikitig ang utak na
manghuhusga sa pagmamahalan ninyo, kaya dapat maging matatag kayo at...” hindi
natapos ang sasabihin ni mama sa pag-interrupt ko sa kanya
Ako: Ma,
normal po ang nararamdaman nito” (sabay turo ko sa puso ko), siguro mas tamang
sabihing hindi pangkaraniwan dahil sa mokong na ito tumibok ng ganito ang puso ko
(dagdag ko sabay tingin kay iyan at masuyo itong nakangiti at nakatingin pala
sa akin kaya ngumiti din ako dito)
Ian: wag po
kayong mag-alala, ako po ang bahala kay fugi, ako po ang poprotekta at
magtatanggol sa kanya (pag-a-assure nito kay mama sabay akbay sa akin)
Isang magandang
ngiti at pagtango lang ang itinugon ni mama sa amin, na nangangahulugang
ibinibigay nya ang buong tiwala nya sa amin:)
ian: ma,
ah..eh.. pwe..pwede ko pong i-date fugi ngayon at baka po medyo..medyo gabihin
kami (ang nauutal at pahina ng pahinang pamamaalam nito kay mama na
ikinatinginan naman namin ni mama at nangiti na lang)
“ahmm..
papayagan ko kayo sa lahat ng gusto nyong gawin pero uunahin nyo muna ang pag-aaral,
ok ba iyon?” at tumango kaming sabay ni ian kay mama
“One more thing,
bawal mo na magbaby ok ba iyon?”
Pinamulhan naman
ako sa sinabi ni mamang iyon
Ako:
ma................! (nasabi ko na lang bilang pagsaway sa kanya at humagikgik
lang ito at ang mokong naman ay nakihagikgik din kaya naman natampal ko na lang
ito sa kanyang baraso.... kasi kasi na ih!)
“Sya sya ako
na ang bahala dyan sa pinagkainan nyo, mukhang babawi kayo sa mga panahong
nagLQ kayo” pagbibiro na ulit ni mama
Ako: mama na
man eh..............! (parang bata ko nang pagmamaktol habang pinamumulan na ng
todo todo... kasi kasi)
Tumahimik na
si mama at lumapit sa amin at kinuha ang pinagkainan namin pagkatapos ay
itinulak-tulak kami palabas ng kusina kaya naman hinayaan na namin siya
Nagtungo muna
kami sa sala at nakisali sa panonood nila john at angel. Kulitan, tawanan ang
naganap bago muli naming tinungo ang silid ko para maghanda sa paglabas namin
ni ian
Nang masarhan
ko ang pinto ng kwarto ko napansin kong seryoso si ian sa tabi ng kama
Agad ko
itong niyakap mula sa likuran nito at tinanong....
Ako: anong
problema ng ian ko??? Ano iniisip mo?
Ian: ano...
kasi naisip ko lang yung sinabi ni mama (seryoso ang tono nito)
Ako: alin ba
doon?? (ang parang bata kong pagtatanong sa kanya sabay siksik sa kili kili
nitong napakabango)
Ian: yung tungkol
sa..... (pabitin naman nitong sabi)
Ako: saan??
(sabay kiliti na dito)
Ian: yung sa
baby? (ang pabulong na nitong nasabi.... pero halos mabingi ako sa sinabi nito
agad ko itong hinampas sa likod nito at kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya)
Ako: puro ka
naman biro (ang pagmamaktol ko sabay talikod sa kanya)
Maya maya ay
naramdaman kong yumakap naman ito sa likod ko at naglambing
Ian: mine,
nag-aalala lang naman ako dahil hindi
ako gumamit ng condom kagabi baka magpenetrate pero wag kang mag-alala
papanagutan ko naman (humahagikgik ito habang pahalik halik ito sa batok ko)
Ako: ian......!
(yun na lang nasabi ko sabay siko ng madahan sa bandang tyan nito sa pagbibiro
nito), behave ka nga (ang dagdag ko pa at lumakas lang ang tawa nito)
Akmang hihiwalay
na ako dito ng biglang kabigin ako nito paharap sa kanya at siniil ako ng halik
sa labi at maya maya ay
Ian: wala
bang round two yung kagabi (mapang-akit nitong sabi sa pagitan ng paghalik
nito)
Itinulak ko
ito ng madahan para magbiliw na ang mga labi namin at naging matagumpay naman
ako
Ako: ang
hilig mo ha, sasabihin kita kay mama (parang bata kong sabi dito at tatawa tawa
lang ang loko)
Ian: sya
sabay na lang tayo maligo.. please........... (at tiningnan ko na lang nang
masama ito at nakuha naman agad niya kaya itinaas nalang niya ang dalawa nyang
kamay tanda ng pagsuko nya)
...............
Nang makaalis
na kami ni ian sa bahay ay una naming tinungo ay ang simbahan sa santisima katabi
lang sm batangas (isa ito sa masasabi kong ipaka-eleganteng simbahan dito sa
batangas, ang ganda kasi talaga ng pagkakagawa sa kanya), taimtim kaming
nakipag-usap sa panginoon thru our prayer, humingi ako ng tawad, nagpasalamat
at humingi na rin guidance para mangyayari sa hinaharap
Pagkatapos ay
nanatili kami doon, tahimik na pinagmamasdan ang paligid nang bigla kong
maramdaman na parang may inilalagay si ian sa aking kanang braso at nang
tingnan ko ay isinusuot niya ang isang bracelet na style posas na sobrang nipis
at nang tingnan ko sya bigla nyang itinaas ang kanyang kaliwang braso para
ipakita na meron din sya noon. Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at bahagya
nyang itinaas iyon para ipakita ang mga bracelet
Ian: ay ang
simbolo na akin kana, wala nang makakaporma, makakaligaw sayo, your mine, kaya
sana lagi mo yang isusuot.. ok (nakatingin ito sa mata ko at masuyong
nakatingin sa akin)
Ako:
ah...eh.. paano sa iskol?? (nag-aalangan kong tanong)
(bawal po
kasi sa aming mga student ang kahit anong jewelry pwera lang sa relo at wedding
ring.. kasi ang rationale (wow namis ko itong word na ito, rationale.. hahaha
ano naaalala nyo dyan sa salitang yan mga colleagues??), it harbors
microorganism.:))
Ian: sige
pwede mong hubadin pero isusuot mo agad paglabasan na ha? (ang parang bata
nitong nasabi na ikinangiti ko naman:)
Ako: iingatan
ko ito, mahal na mahal kita (ang pagsasabi ko ng mga huling salita ng walang
tunog sabay ngiti sa kanya)
Ian: I <3
U... (ang sign language naman nito at masuyong nakatingin at nakangiti din sa
akin)
(oh diba,
mapamaraan lang...... hehehe)
Buong araw
naming sinulit ang isat isa, nanood ng sine, kumain, kumain pa ulit (ewan ko ba
kay ian ko parang ayaw na ayaw nya akong magugutom, hindi nya lang alam ang
makita ko lang sya... busog na ako.. ayieeeeeeeeeee.. makabanat lang.. hehe),
naglaro sa quantum at ang pinakakinakiligan ko ay ang kumanta ito sa live open
karaoke (gets nyo ba ang term kong iyon,, hahaha iyon kasi ang tawag ko doon,
dun sa may mini stage sa quantum tas may tv sa baba kung asaan ang lyrics ng
kanta tas may videoke naman na nakaharap sa mga manunuod with matching pang
disco ball.. hahaha,, effort kung makapagdescribe ih.. hehehe)
I wanna make you smile
Whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
All i wanna do, is grow old with you
[ Lyrics from: http://www.lyricsty.com/adam-sandler-i-wanna-grow-old-with-you-lyrics.html ]
I'll get you medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
So, it could be so nice growing old with you,....
I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let you hold the remote control.
So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed when you've had too much to drink
Oh I could be the man that grows old with you
I wanna grow old with you.
Whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
All i wanna do, is grow old with you
[ Lyrics from: http://www.lyricsty.com/adam-sandler-i-wanna-grow-old-with-you-lyrics.html ]
I'll get you medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
So, it could be so nice growing old with you,....
I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let you hold the remote control.
So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed when you've had too much to drink
Oh I could be the man that grows old with you
I wanna grow old with you.
At sa buong pagkanta nito ay sa akin
lang nakatingin ang magagandang mata nito na talaga namang ikalusaw ko dahil
sobra sobra ang K-I-L-I-G na nararamdaman ko.. (kasi kasi naman)
Halos magsasara
na ang mall na iyon bago namin ito nilisan, sobrang enjoy namin na hindi na
namin namalayan ang oras
Nang mapatapat
na kami sa harap ng bahay namin ay hindi muna kami pumasok ni ian sa loob kasi
gusto nito na tingnan muna ang mga bituin, kaya sumandal muna kami sa kotse nya
at mataman na pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan
Bahagyang katahimikan
ang nangibabaw sa aming dalawa hanggang sa magsalita sya....
Ian: alam mo
sobrang saya ko (at nakita ko sa aking peripheral vision na humarap ito sa akin
at mababakas sa mukha nito ang napakagandang ngiti)
Ako: dahil
kasama mo ang taong mahal mo at ako iyon... (ang pagpagtatapos ko sa sinabi
niya at ngayon nga ay magkaharapan na kami)
Ian: kasi
may mga stars ibig sabihin hindi uulan bukas (at mapapansin ang pagpigil nito
ng pagtawa)
Agad akong
sumimangot at pinabukol ang magkabilang pisngi ko bilang kuno hindi nagustuhan
ang naisagot nya:0
Bigla na
lang akong niyakap ni ian
“Mahal na
mahal kita fugi, salamat at dumating ka sa buhay ko” bulong ni ian
Tinugunan ko
ang yakap niya at....
“Salamat at
minahal mo ako, mahal na mahal din kita ian” at nagulat na lang ako ng bigla
ako nitong hinalikan buti na lang at tulugan na kaya wala nang tao sa paligid
Nagtagal ang
halikang iyon, mayusong mga halik, may pag-iingat at punong puno ng pagmamahal.
At nang maghiwalay ang aming mga labi.....
Ian, IKAW ANG AKING
PANGARAP.............
At sa
pagkakataong ito ako naman ang humalik sa kanya
Fin.....................................................
*************
Author’s Note:
Dito na po
nagtatapos ang KWENTONG FIBISCO ko (Ikaw anong kwento mo? Hehehe), but wait
there’s more sa pagsasara ng librong ito ay sya namang pagbubukas ng mga bagong
Pahina ng panibagong Aklat (pero hindi pa po ngayon, papahinga po muna ako)
Nais kong
pasalamatan ng sobra sobra ang mga sumuporta simula’t sapol na kung saan sa mga
komento nila ay nakakuha ako ng maraming shakra para matapos ko itong kwentong
ito, kena:
-Yume
-Coffee Prince
-Jiru
-Ouie
-Hormy
-MarL
-youcancallmeJM
@ syempre sa labing thirteen ko nang member (salamat salamat)
@ kay MAKKI (salamat sa ginawa mong
cover para sa istorya kong ito.. sa uulitin ha.. hehe)
@ sa mga limin din na nagbabasa nito TY
po!
@@@@@ kay KUYA IDOL
ZILDJIAN/ZEKE/ZEPHIEL, na isa na nag-impluwensya sa akin para gumawa
ng kwento kung saan ako naman ang bida at syempre sa pagpapahintulot na maipost
ko sa blog nya ang aking likha, thank you po IDOL, sorry din sa pagkakalat ko
sa blog mo
SOBRANG SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!
Pahabol: baka po yung book 2 ay sa sarili ko nang blog ipost
(fugisimagination.blogspot), para hindi na ako maglatiti pa sa blog ni idol, at
marami na ring post doon, nakakahiya na..
Hanggang dito na lang mga PIPZ. Hanggang
sa muli
Love,
FUGI