by: FUGI
Pauna:
Nais ko po muna humingi ng sorry sa late update, salamat sa mga patuloy pa rin
nagkokomento at nagbabasa ng likha ko
Authors
Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako
nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko
iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN,
nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking
malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba
iyon na rason? hehe)
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________
“Baba!”
ang may pagka-bossy na sabi ni Joss matapos maipark ang sasakyan niya sa isang
malaking mall sa labas ng metro.
Tiningnan
lang ng masa ito ni Calyx na kanina pang tahimik na nagkikimkim ng sama ng loob
dahil sa ginagawang ito ni Joss sa kanya.
“Bababa
ka ba o gusto mo pang hilahin kita palabas ng kotse ko?” sa tono pa ring iyon
“Magmo-mall
lang dayo pa tayo sa south ay ang dami dami na nito sa vicinity lang ng condo
natin, lakas din ng trip mo at nandamay ka pa at sa lahat ako pa ang inistorbo
mo at isinama sa pagka-cut.......” ang tuloy tuloy na sanang paglalabas ng
himutok ni Calyx na hindi naman pinansin ni joss na agad nang bumaba ng
sasakyan at umikot sa harap papunta sa passengers part kung nasaan si Calyx
sabay bukas ng pinto nito.
Agad
na ipinasok ni Joss ang ulo niya at agad inilapit ang mukha nya sa mukha ni
nito na nagpatameme dito.
“Wala
kang magagawa at ako ang masusunod ngayon, kaya ireserve mo na lang yang lakas
mo dahil marami pa tayong pupuntahan” ang mga nasabi nito habang nakarehistro
ang pagkalaki-laking ngiti at kasabay noon ay ang mabilis na paghablot ng kamay
ni Joss sa side ng upuan ni Calyx para i-unlock ang seatbelt nito at nang
maialis na nito iyon ay agad hinila sa braso ni Joss si Calyx ng palabas ng
sasakyan na hanggang ngayon ay halo-halong emosyon ang nararamdaham kaya para
lang syang magaang bagay na hatak-hatak ngayon ni Joss at wala syang maireact
dahil natutuliro pa rin sya at napakaraming bagay ang tuloy tuloy na pumapasok
sa utak nya kaya napatango na lamang ito.
Nakabalik
lang si Calyx sa wisyo ng maramdaman ni ang pag lapat ng kamay sa kanyang
bewang at ng itaas na niya ang kanyang tingin ang mamang guard sa entrance ng
nasabing mall na pala sila.
Matapos
iyon ay agad naman siyang hinila dahan dahan ni Joss pasunod sa kanya.
“Hindi
ako tatakas kaya please lang wag mo akong lalagkarin” mahinang nag-aalangan na
sabi ni Calyx habang nakayuko pero sapat na iyon para marinig ni Joss
Agad
agad naman lumuwag ang pagkakakapit ng huli kay Calyx
“Please
lang din kahit ngayong araw lang kalimutan muna natin lahat ng nangyari sa
nakaraan at hayaan mo akong bumawi” ang nasabi naman ni Joss na hindi hinanarap
si Calyx at ipinagpatuloy na nito ang paglalakad.
Habang
unti-unting lumalaki ang layo ng dalawa sa isat isa ay hindi naman natinag ang
pagtitig ni Calyx sa likuran ni Joss at ang tanging tumatakbo sa isipan niya ay
ang mga huling sinabi nito
“hayaan
mo akong bumawi”
Nang
lubusan nang lumalayo ang espasyo sa pagitan ng dalawa ay parang nagkasariling
buhay ang kanyang mga paa na agad humakbang hanggang sa bumilis na parang takbo lakad na ang ginagawa niya
para maabutan si Joss at nang makalapit na siya sa likuran nito ay biglang
nagsalita ang huli
“Akala
ko ay iiwan mo na ako, tara na!” mahina pero sapat naman para makarating sa
eardrum ni Calyx at maproseso ng utak niya at katulad pa din kanina at hindi na
naman siya nilingon nito at agad na uling pinagpatuloy ang paglalakad na sa
puntong iyon ay madahan na na parang inaantay syang sumabay na dito
Hindi
na napigilan ang pagsilay ng mga ngiti sa labi ni Calyx sa itinuran nito at
agad na nitong sinundan si Joss
Habang
naglalakad ay nanatiling nasa likuran lang si Calyx dahil may pagkailang pa din
syang nararamdam hanggang sa bigla na lang siyang nabunggo sa matigas na
likuran na nasaharap niya
“Arekupo!”
ang nabiglang nasabi ni calyx habang pataas na itinitingin ang paningin at
biglang rumistro sa kanyang mga mata ang nakangiting si Joss na siyang nabangga
nya
“Wag
mo kasi masyadong iniisip ang mga nangyayari ngayon at lalong-lalo na ako,
mamaya hindi lang sa likuran ko ikaw mabangga” ang nasabi ng ngayong
humahagikgik na si Joss
May
naramdamang mainit na sensasyon si Calyx sa mga sinabing iyon ng huli kasama ang
emosyon na parang nahihiya at hindi niya ito maintindihan kaya bilang pambawi
ay agad niya itong binara
“Bakit
ba basta ka titigil alam mo namang may tao sa likuran mo” ang nasabi na lang
nito sabay iwas ng tingin dito
“Kasi
nandito na tayo” Sabay turo nito itaas kung saan nakalagay ang pangalan ng
stall na ngayon ay sa nasa kanilang harapan.
-o-o-o-o-
“Yan
mas bagay sayo iyan, tamang tama lang yan sa pupuntahan natin” ang nakangiti
nang komento ni Joss sa kalalabas palang ng fitting room Calyx na hanggang
ngayon ay labis labis ang busangot ng mukha dahil sa kung ano ano ang
pinaggagagawa sa kanya ni Joss na hindi nya mahulaan dahil sibrong
unpredictable ng huli.
Hindi
naman mapigilan ang palihim na pagtawa at pagngiti sa nakikitang itsura nito
Nakailang
labas masok din ang huli sa fitting room na iyon habang si Joss ay parang Judge
na humuhusga kung bagay ba o hindi ang suot niya. Gray semi-fit short and V-neck
shirt with colors such as blue, white and yellow mixing-up (yung parang rainbow
ang style, tas naka-slant ang pagkakaayos, blue then white then yellow), paired
with white shoes.
Hindi
alam ni Calyx bakit sila nandoon sa stall ng isang sikat na local brand ng mga
damit atbp. Pero na naisip na lang nito na baka may bibilhin lang ito kaya sila
nanduon at nagulat na lang siya ng pagkapasok nila doon at nilapitan na sila ng
mag-aasist nang sabihin ni Joss dito na....
“Pakidala
posa fitting room ng mga new arrivals nyo na magkakasya at babagay dito po sa
boss ko” natatawang turo ni Joss sa hindi halatang gulat na gulat na si Calyx,
kundi sobra sobrang gulat;)
Pagkaalis
na pagkaalis ng kausap nila ay agad namang dinala ni Joss ang hindi nagulat na si
Calyx
“Ano
ba talagang trip mo, nang-aasar ka ba talaga” ang natuturete nang nasabi ni
Calyx ng makabawi sa pagkagulat ng dahan dahan syang ipinasok ni Joss sa loob
ng fitting room
“May
dala ka bang damit?” ang naging sagot lang ni joss na ikinakunot lang ng noo ni
Calyx at mababasa sa mukha ni na ang tanoong na “Anong konek?” na agad namang
sinigundahan agad ni Joss para bigyang linaw ang pagkalito nito
“Gusto
mo bang nakauniform ka sa pupuntahan natin?” ang tanong ni Joss
Agad
na tiningnan ni Calyx ang sarili pagkatapos at humarap kay Joss na walang
nagawa kung hindi ang umiling pero...
“Saan
ba talaga tayo pupunta?” ang naguguluhan pa ring si Calyx
“Pagsinabi
ko, handa ka bang mamatay?” ang natatawa na nira ni Joss na agad na sanang
sasagutin ni Calyx nang biglang
“Sir
eto na po yung mga new arrivals namin” biglang pagpasok ni sir na nag-assist sa
kanilang dalawa
“Yan
na pala boss” ang natatawang sabi ni Joss sabay marahan na isinibasib ang mga
nakahanger na mga damit, pants atbp.
“Isukat
mo na” dagdag nito kasabay ang dagliang pagsara ng pinto dahil nakikinita ni
galit sa mukha ni Calyx at ang pagbuka na ng bibig nito para siya ay sigawan
“Arrrghhhhhhhh..”
ang naibulalas na lang ni Calyx na ikinahagikgik na lang ni Joss
-o-o-o-o-
“O
ang bayad ko” ang humahabol na si Calyx kay Joss na mabilis na naglalakad
palabas na ng stall na iyon.
Nang nasa may counter na kasi sila at nang lahat ng item na kinuha ni Calyx ay na- paunch at lumabas ang amount kung magkano ay agad humarang si Joss at ito ang nagbayad pagkatapos ay tuloy tuloy itong lumabas na at naiwan si Calyx si nakatunganga hawak hawak ang pambayad sana nito.
“UY!”
pagkuha ng pansin nito dahil ni hindi man lang siya nililingon nito
Nang
maabutan niya ito ay iniharap niya si Joss sa kanya at agad na isinisiksik nito
ang pera sa bulsa ng pants ni Joss na agad namang hinawakan ng huli na
nagpatigil sa paggalaw ni Calyx
KAKAIBA,
yan ang nararamdaman ni Calyx at napatunganga na lang ito sa kamay nilang
pagkahugpong na ngayon ni Joss.
Itutuloy......