by: FUGI
Pauna:
Nais ko po muna humingi ng sorry sa late update, nagkasakit po ako ng two week,
body malaise at flu, salamat sa mga patuloy pa rin nagkokomento sa chapter’s 1
& 2 na si na :
---->Jiru
(yung names po na ginamit ko dito ay mga pangalan na paborito ko at gusto ko
ipangalan sa magiging anak ko kung magkakameron man.. hehe, opo hindi ko po
nakakalimutan, baka dito ko na ikaw maisama at maging character ka dito.. pero
basta, kaya abangan mo. Hehe)
Authors
Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako
nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko
iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN,
nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking
malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba
iyon na rason? hehe)
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________
"E-eto panyo oh!" ang mahinang nasabi nito..
Hindi
naman agad narinig ito ni Calyx hanggang sa may maramdaman na lang niyang may
sumasagi sa kamay nya na tumatatakip sa mukha niya. Nang matanggal niya ang mga
kamay na nakaharang sa kanyang mga mata ay tumambad sa kanya ang isang kulay
asul na panyo na agad namang binaybay ng kanyang paningin pataas sa kung
sinuman ang taong iyon.
Agad
agad na nagbawi ng tingin si Calyx ng magtama na ang paningin nila ng taong
nasa harap at kaagad na nagpunas ng luha dahil ayaw nya makita siya nito.
“Eto
oh! panyo” ang pag-alok ng lalaki kay Calyx
“Bakit
ka nandito?” natanong nalang nito
“Sasagutin
ko lang ang tanong mo pagtinanggap mo na itong panyo, oh! Hindi na kaya ng
kamay mo lang ang mga luha dyan sa mata mo oh!” ang may halong pagbibiro nito
para sana pagaanin ang atmospera sa paligid nilang dalawa
“May
sakit ka ba? Kanina lang kung maka...” hindi na ito pinatapos ng kausap at
pinutol na agad siya nito
“Kaya
nga ako nandito” huminga ito ng malalim kasabay ang pag-upo sa bench kung saan
nakaupo kanina si Calyx bago pinagpatuloy ang sasabihin
“Tinamaan
ako sa huling sinabi mo kanina kaya” ang simula nito na siningitan naman agad
ni Calyx
“Buti
naaapektuhan ka pa kala ko kasi” na hindi na naman niya natapos sa kadahilanang
sumapaw na muli si Joss
“Sorry!”
mahina pero halos bbumingi kay Calyx at nagpatameme sa kanya
Halos
matigilin siya sa narinig na iyon, naramdaman niya ang sincerity sa paghingi
nito ng paumanhin sa kanya
“Pasensya
na sa inasal ko kanina” paharap at pagpapatuloy nito na sinabi kay Calyx na
ngayon at magkatinginan na ng mata sa mata
Agad
nagbawi ng tingin si Calyx dahil sa hindi niya matagalan ang tingin na iyon ni
Joss, may kung anong kalungkutan itong nakikita sa mga mata nito.
“O..ok
na yun! Pasen...pasensya na din sa inasal ko ngayon sayo” medyo nag-stammer na
nasisaad ni Calyx habang ang tingin ay nakatingin sa malawak at magandang
tanawin
Katahimikan,
nakakabinging katahimikan ang sumunod na naghari sa pagitan ng dalawa, parang
nagpapakiramdaman kung sino ang unang babasag at mag-oopen ng conversation at
nang hindi na makatiis si Joss at may ogusto sana syang sabihin ay bigla namang
umentrada si Calyx
“Kalimutan
na lang natin ang mga nangyari” simula nang huli
“At
magpanggap na lang tayo na hindi magkakilala, para wala na lang gulo, sige na
aalis na ako” huling mga salitang binitawan ni Calyx bago tuluyan tumayo at
naglakad palayo sa kinaroroonan ni Joss na natulala sa mga sinabi nito at ang
nagawa nya na lang ay pagmasdan ang papalayong si Calyx.
-o-o-o-o-
Habang
nasa loob ng elevator si Joss at pumapasok pa rin dito ang huling sinabi ni
Calyx sa kanya na taliwas sana sa gusto nya mangyari, ang maipagpatuloy sana
ang pagkakaibigan nila pero mukhang negative na dahil sa mga nagawa nito sa
huli.
Nagising
na lang siya sa malalim na pagmumuni-muni ng tumunog na ang elevetor that
signals na nasa floor na sya kung nasaan ang unit nya.
Nang
mapatapat siya sa pintuan ng unit nya ay hindi napigilang tingnan ni Joss ang
kabilang pinto kung saan naroroon si Calyx at na pabuntong hininga na lang ito.
Isinalpak na nito ang susi at ng akmang bubuksan na niiya ang pinto at kasabay
naman ng pagbukas ng pintuan ni unit ni Calyx na nakapagpalingon kay Joss at
nagtama ang kanilang mata
Agad
namang umiwas si Calyx at agad na dumeretso sa paglalakad pagkasara nya ng door
ng unit nya, talagang pinanindigan na nito ang sinabi na magpretend na lang
silang hindi nila kakilala ang isat isa sa tumuwing kukrus ang mga landasin
nila
-o-o-o-o-
Naging
mabilis ang takbo ng mga araw at kinabukasan na ang pagsisimula ng klase,
bagong pakikibaka ito para kay Calyx
Nasa
patio sya nang mga sandaling iyon habang iniisip ang mga mangyayari kinabukasan
“Sana
maging ok ang lahat” naibulong nya sa sarili habang pinagmamasdan ang mga
naglalakihang building at mga kumikinang na mga ilaw sa harapan niya
Hindi
agad napansin ni Calyx ang presensya at mga mata na nakatingin na pala sa kanya
ng mga sandaling iyon hanggang sa mapalingon siya sa gawi kung saan naroroon
ang terrace ng katabi niyang unit at nakita ang taong matagal na rin niyang
hindi nakikita, si Joss
Babati
sana ang huli ng bigla bigla itong nagpatiuna pabalik sa loob ng unit nito at
nagsara na ng sliding door kasabay ang kurtina na agad ikinalumo ni Joss
“Wala
na talaga.” naiiling nitong sagot
-0-0-0-0-
Nagising
si Calyx sa tunog ng alarm clock niya at agad naghanda para sa first day of
school niya. Inuna niyang magluto ng kakainin niya (marunong siyang magluto
dahil sa yaya niya, kaya nakahiligan at ngayon nga ay pagyayamanin pa niya ito
sa pagkuha ng kursong mag-e-enhance nito).
Kakaibang
saya ang nararamdaman ni Calyx pag nasa kusina siya habang nagluluto, sobra
niya itong na-eenjoy. Umabot ng halos kalahating oras bago pa sya nakapaghain
at nakakain ng breakfast. Sunod niyang ginawa ay nagpahinga ng konti bago
maligo at ng matapos ay nagbihis at inihanda na ang mga gagamitin niya at nang
matapos na lahat ay humarap ito sa life size mirror niya at ngumiti habang
nagwiwika ng
“This
is it!” at tuluyan na syang lumabas ng condo nya, dire-diretso patungong
elevator at nang matapat at malayo pa ang floor kung nasaan ito para
magserbisyo.
Nang
mapatapat na sa kanya at bumukas na ang elevator na iyon iyon ay nagulat siya
nang bigla bigla ay may humawak sa braso nya at bigla bilga siyang hinila
papasok doon kasabay ang mabilisang pagkilos ng humila sa kanya at pinindot
agad ang close button ng elevator na iyon.
Sobrang
pagkagulat naman ang namayani kay Calyx ng matunghayan kung sino ang taong iyon
at ng magtama ang kanilang paningin ang nakangiting si Joss ang bumungad sa
kanya
“Joss!”
naibulong nito
“Good
morning!” nakangiti nitong bati sa kanya
Itutuloy......
Sure, aabangan ko, and kahit di pa namn dito lalabas e magbabasa pa din ako.
TumugonBurahin*I like Calyx's name, parang tunog video game, pwede sya sa Organization XIII from Kingdom Hearts.^^
the next part na..can't wait.hehehe
TumugonBurahin^__^
TumugonBurahin