by: FUGI
Authors
Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako
nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko
iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN, nais
ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking malikot
na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba iyon na
rason? hehe)
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________
“Akin ang Saturday at Sunday ok
lang ba?” si Joss habang hawak ang kalendaryo at minamarkahan ang mga araw na
hindi sya makakatulong sa pag-aalaga sa kinopkop nilng sanggol
Matapos nga ang muntikan nang
mauwi sa away na sagutan nila kanina ay ngayon naman ay masaya nilang inaayos
ang calendar nila ng schedule for the month kasama ang pabibo nang pabibong
bata na si baby Andrei na sa puntong iyon ay kinikilala nang mga magulang ang
dalawa
“Ang daya, bakit sayo lang paano
ako paggusto ko lumabas” ang angal ni Calyx na nakasalampak ngayon sa sahig
habang inaalalayan si baby Andrie na makatayo
“Naka-note na kasi ito sa phone
ko, lakad ng barkada” ang nagpapaawang pagpapaliwanag naman nito
“Sige pero pwede naman kami
lumabas ni andrie sa mga araw na iyon na wala ka” ang pagpayag nito at
pamamaalam na din nito kay Joss
“Basta mabilis lang at wag ka na
ulit makikipag-usap sa mga hindi mo kakilala maliwanag ba” ang mga paalala nito
kay Calyx na tinanguhan nalang nito
“Narinig mo ba iyon baby pwede
daw tayo mamasyal” ang masayang makikipag-usap na baling nito sa bata
Nag-chuckle naman si baby andrie
na ikinangiti naman ng dalawa
“Natuwa naman ang baby andrie
ah!” ang pagpuna ni Joss sabay karga sa bata at itinaas ito sa ere na lalong
ikinatuwa ng bata
“Nga pala kelan ka uuwi sa
atin?” biglang naitanong ni Joss habang karga karga ang bata at hinahalikan
Agad naman nagbago ang emosyon
ni Calyx bigla itong nalungkot na hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Joss
-o-o-o-o-
“Hello! nanay” si Calyx na
tinawagan ang kanyang yaya na itinuturing na niyang pangalawang ina
“Calyx, anak kamusta ka na? miss
ka na ni yaya” ang agad na nasabi nito pagkarinig sa boses ng alaga
“Miss ko na rin po kayo, OK lang
po ako dito, nakakaadjust na po, kamusta naman po kayo?” ang mangiyak-ngiyak na
si Calyx
“Mabuti lang ako, nangunguli ako
dahil wala ang alaga ko, kailan ka uuwi dito?” ang naluluha na din nitong
nanay-nanayan
“Hindi ko pa po masabi dahil
busy na po ako dito” ang pagdadahilan na lang niya dahil kahit gustong-gusto
man niyang umuwi at makita ito lalong lalo na ang pamilya nito ay hindi niya
magawa dahil masasaktan lamang ito sa pagtrato sa kanya ng pamilya na parang
hindi siya nag-eexist sa bahay nila pag-andoon ito
“Ganoon ba anak, laging kang
mag-iingat dyan ha! Wala si yaya para ipagtanggol ka”
“Opo nanay, kayo din lagi kayong
mag-iingat, sige na po!” ang mamamaalam na nito dahil baka humagulhol na ito at
nagpaalaman na nga sila sa isat isa
Tahimik na humihikbi si Calyx
pagkatapos ng tawag na iyon dahil sa sobrang na nya na miss ang nanay-nanayan
at lalong lalo na ang pamilya pero kailangan nyang magpakatatag, kailangan
nyang mapatunayan muli ang sarili sa pamilya
Nagulat nalang ito ng biglang
may humawak sa balikat niya at minaniobra siya paharap at napasalampak na lang
ang mukha nito sa dibdib ni Joss
“Nami-miss mo na ba sila? Kaya siguro
ang lungkot mo kanina nung mabanggit ko ang pag-uwi sa atin” ang nag-aalalang
si Joss na niyakap at inaalo si Calyx
Hindi na lang umimik si Calyx at
niyakap na lang si Joss dahil kailangan nya ngayon ng shoulder to cry on
-o-o-o-o-
Naalimpungatan na lang si Joss
ng maramdamang wala na siyang katabi sa kamang iyon ni Calyx
Pupugas-pugas na iginala niya
ang kanyang mata sa paligid at walang Calyx siyang nakita
“Pumasok na yata, hindi manlang
nagpaalam” ang nasabi nalang nito sabay taob ng mukha sa unan
Maya-maya pa napapaling siya
kung saan nakahiga si Calyx at tumambad sa kanya ang nakatuping papel na
nakapatong sa unan nito. Agad siyang napaupo at inabot pagkatapos ay binuksan
“Salamat sa pagdamay! Gumaan ang pakiramdam ko! Pagkailangan mo din ng
shoulder to cry on, nakareserve na parehas yung sa akin, teka lang pala,
umiikay ka ba? Hahaha biro lang.
“Nga pala may niluto na akong breakfast nasa mesa tas yung mga
instructions sa pagtitimpla ng milk ni baby Andrie nandoon nakadikit sa lata ng
gatas nya, pag nagka problema ka tawag ka lang ok! Uwi agad ako pagkatapos ng
klase ko.
“Salamat ulit! =) ”
Napangiti nalang si Joss matapos
mabasa ang note na iyon ni Calyx
Maya maya pa na nakuha na ang
atensyon nito ng walang anu-anoy umatungal na si baby Andrie
-o-o-o-o-
Nasa klase man ay lumilipad
naman ang utak ni Calyx dahil sa hindi mawala sa isip niya ang pagdamay at ang
yakap ni Joss sa kanya kagabe at nang magising siya kanina ay sobrang lapit na
nang mukha nila sa isat-isa na kaunting galawa na lang ay mahahalikan na nila
ang isat-isa. Sobrang bilis ng ritmo ng pagtibok ng puso niya sa mga oras na
iyon.
Napailing na lang si Calyx na
parang iwinawaksi ang mga imaheng iyon sa kanyang utak
“Kamusta na kaya silang dalawa?”
ang naitanong nalang nito sa sarili patungkol sa naiyan niyang si Joss at Baby
Andrie
Nagulat nalang siya ng biglang
nagvibrate ang kangang telepono at nang tingnan niya ito ay si Joss ang
tumatawag kaya agad syang nagpaalam para mag-CR sa kanyang prof
“Ano kayang problema?”
nag-aalala niyang tanong sa sarili
-o-o-o-o-
“Hello! Napatawag ka?”
nag-aalala nitong pambungad ng masagot nito ang kayang phone
........................
“Ha! Sige sige uuwi na ako” agad
na nagtatakbo pabalik ng room niya si Calyx at nagpaalam ng maayos sa professor
nito dahil nagka-emergency lang at pinayagan naman siya nito
Mabilis pa sa alas kwatrong
umalis si Calyx pagkakuha niya ng gamit niya
“Ano ba kasing nangyari?” ang
sobrang napapalatak na naitanong na lang si Calyx habang patakbong lumalabas na
ng campus nila.
Itutuloy.......
hala! bka hindi mpatahan ni joss c baby andrei kaya ntaranta at tinawagan nya na c calyx!
TumugonBurahinbitin,.... hehehe update na sana ulit
TumugonBurahinHappee Christmas Fugi! You take care! ^^
TumugonBurahinalmost two years ng wlang kasunod to..ano kya ngyari sa ngsulat nito
TumugonBurahin