by: FUGI
Authors
Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako
nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko
iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN,
nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking
malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba
iyon na rason? hehe)
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________
Kakaiba ang tuwa at fulfillment
ni Albertn pagnaka-capture nya ang mga bagay na sa paligid na may ibat-ibang
mensaheng nais ipabatid gamit ang lente ng pinakamahalagang bagay na pag-aari
niya, ang kanyang kamera
Sa paggala niya ng kanyang
kamera sa paligid hindi inaasahan na nahagip ng kamera nito ang isang lalaki na
may sanggol na nakasukbit sa katawan nito gamit ang baby carrier, nakaupo sa
isa sa mga bench ng park ng eskwelahan nila
Nang makuhanan niya iyon ay agad
niya itong tiningnan, i-zi-noom niya ito para mas makita ang nakunan niya at
nakita ang masayang itsura nito na naikipag-usap sa tangan tangang sanggol.
Hindi niya napansin na napapangiti na pala siya sa larawan na iyon
-o-o-o-o-
“Baby andrie, hindi nasagot ang “daddy
Joss” mo ih!” ang pagkausap ni Calyx sa bata habang nilalaro-laro niya ito
“Kailangan talaga naming
magpapalit ng schedule para hindi ka nawawalan ng kasama, para kahit isa saamin
lagi mo kasama ano nga baby?” ang dagdag pagkausap nito pero abala naman ang
sanggol sa pagkalikot ng mukha niya gamit ang mumunti nitong mga kamay
“Nilalamutak
mo naman ang mukha ko ih!” ang pagpuna nito habang nagme-make face para
pangitiin at laruin ang bata
“hihihi”
ang marahang paghagikgik na nakakuha ng pansin ni Calyx dahilan para hanapin
nya ito kung saan nagmumula at sa pagharap sya sa pinagmumulan ng tawa ay sya
namang pag click ng kamera sa nakatututok malapit sa kanya
-o-o-o-o-
Hindi namalayan ni Joss ang mga
text at tawag ni Calyx dahil bukod sa nasa klase ito ay kasama at katabi nito
ang babaeng masugid niyang nililigawan, si Celestine.
Matagal na niyang kursonada ang
dalaga hindi dahil sa elegante nitong ganda kundi dahil sa likod niyon ay
sobrang mabait at magaling makisama, palagi pa itong nakangiti na lalong
nagpapaganda sa aura nito, pero labis syang natotorpe sa tuwing makakaharap niya
ito, buti na lang at sa tulong ng kanyang mga kabarkada at sa malimit na
pag-te-team-up o pag-li-link sa kanila, at naipahiwatig niya dito na gusto niya
itong ligawan at hindi naman siya nabusted pero halos magtatatlong buwan na rin
siyang nanliligaw dito ay mailap pa din ang “pag-oo” nito pero naiintindihan
naman niya ito sa gusto nitong wag nilang madaliin ang lahat, na mas kilalanin
muna nila ang isat isa, ang nais ni Celestine
“Mukha ba akong whiteboard?” ang
pabulong na sabi Celestine pero ang mga mata ay nakaplaster sa whiteboard na
sinusulatan ngayon ng professor nila
“Ah?” ang maang maangang ni Joss
“Sa unahan mo nga ideretso ang
tingin mo, nakakailang, matutunaw na ako nyan” ang nakangiting biro nito sa
huli
“Ang ganda mo kasi!” sabay
paling na ni Joss sa harapan pero makikita dito ang ngiting hindi mapalis palis
dahil sa pagkakahuli sa kanya
Nangiti na lang si Celestine sa
sinabing iyon ni Joss
-o-o-o-o-
“Tara na!” nakangiting aya na ni
Celestine sa abalang nagkakalikot ng phone nyang si Joss
“Ah eh!” hindi alam ni Joss ang
sasabihin dito dahil sa mga nabasa na text sa kanya ni Calyx
“Bakit? May emergency ba?” ang
panghuhula ni Celestine sa hindi madiretsong sasabihin ni Joss
Napatungo na lang si Joss dahil
sa nahihiya na syang dito sapagkat ilang beses na rin bang hindi niya natutupag
ang pangako dito dahil sa mga nakaraang biglaan nilang lakad ni Calyx
“Sige na! mukhang kailangan mo
nang puntahan yan” mapag-intinding sabi nito
Sobrang hanga talaga sa dito sa
ugali nito talagang hindi siya nagkamali ng taong mamahalin, ang nasabi nya
nalang sa sarili nya at nagpakawala ng matamis na ngiti kay Celestine
“Babawi ako promise!” ang
nagmamadaling sabi nito kasabay ang biglaang paghalik nito sa pisngi nito na
nagpabigla din sa dalaga at agad nagtatakbo palabas ng room nila
Habang papalayo ay narinig pa
niya ang kantyawan ng mga kakaklase na nakita siguro ang ginawa nya.
“Ingat hon! Text mo ako kung
asan ka” ang muli niyang pamamaalam kay Celestine habang nakasilip siya sa
pinto ng silid-aralan nila
Kasabay noon ay ang muling
kantyawan ng mga kaklase at nakita nyang pinamulhan na ito ng pisngi na lalo
lang ikinangiti
“Sira!” ang naitugon nalang
Celestine at nagtatakbo na sya para puntahan si Calyx
-o-o-o-o-
“Burahin mo na kasi, para lang
akong ewan ih!” ang maktol ni Calyx sa bagong kakilalang
“Ang cute kaya ng itsura mo” na
pinipigilan ang pagtawa habang hawak-hawak ang kamera at ipinapakita ang
naka-zoom-in na picture ni Calyx sa kanya
“Nang-aasar ka lang, sya
titingnan ko lang, hindi ko buburahin” ang tugon na lang niya dito
“Palusot mo!” ang bara sa kanya
nito na sinimangutan lang ni Calyx at hinarap ang kanina pa nakatingin sa
sanggol sa kanila
“Wag natin kabati itong mama ha!
Inaaway ako” ang pagkausap niya kay baby Andrie na nginitian lang siya
“Anak mo ba ang baby na iyan,
ang bata mo pa para maging ama” ang mga nasabi lalaki
“Ha!” ang nagulat na nasabi lang
ni Calyx
-o-o-o-o-
Agad na nakarating si Joss sa
parke ng kanilang campus agad na iginala ang mga mata para hanapin si Calyx at
si baby andrie
Agad niyang nakita ang
nakangiting si Baby Andrie sa kanya at ang nakatalikod na si Calyx nasa isang
bench sila na may puno na nagbibigay ng lilom sa kanilang kinauupuhan.
Malapit na siya Joss sa
kinatatayuan ng mga ito ng maisipan niya gulatin ang wala paring kaalam-alam na
si Calyx sa kanyang presensya. Pero ng mas makalapit ito ay tsaka pumailanglang
ang isang hindi pamilyar na boses
Imbes na sya ang manggulat at
sya ang nagulat dahil sa masayang pag-uusap ni Calyx at ng misteyosong lalaki
na hindi niya napansin kanina dahil natatakpan ito ng puno
“Sino naman ang mokong na iyon?”
ang naitanong naman niya sa kanyang sarili
Nanatili muna siyang
nag-oobserba sa kanila pero makalipas ang ilang sandali at agad na niyang
ipinaramdam ang presensya niya
-o-o-o-o-
“Sino ba ang mokong na iyon?”
ang hindi napigilang maitanong kay Calyx
“Si Alberth, hindi mo ba narinig
ang pagpapakilala niya?” ang medyo nairitang si Calyx dahil sa inasta nito ng
biglaan itong nagpakita sa kanila at agad kinuha sa kanya si Baby Andrie at
agad silang tinalikuran at iyang umalis na
“Kakikilala mo lang sa kanya? Tapos
kung makipag-usap ka close na close na agad kayo” ang medyo galit na ring tugon
ni Joss
“Walang masama sa ginagawa ko at
mabait yung tao....”
“Mabait? Kakikilala mo palang
paano mo nasabi ha! Hindi mo na isinaalang-alang ang kapakanan ni Andrie ah!”
pagsingit sa kanyang sinasabi ni Joss
-o-o-o-o-
Tahimik, kanina pang tahimik sa
pagitan ni Joss at Calyx pagkatapos ng pagsasagutan nila. Pagkatapos nilang maipaayos
ang mga schedule nila sa registrar ay agad na silang umuwi.
Naayos na nila ang schedule nila
pareho, pasalamat sila at nagawan pa ng paraan dahil hindi pa naman ganoong
nag-start ang regular class at ngayon nga ay hindi na mawawalan ng kasama si
andrie dahil ang siste ay pag may pasok si andrie ay sya namang walang pasok ni
Joss, ganoon ang napagkasunduan
-o-o-o-o-
“Sorry! Pasensya na, pero alam
ko mabuting tao si Alberth, hindi naman iyo sa tagal ng pagkakakilala nasusukat
diba, kung hindi sa gaan ng pakiramdam mo kapag nakausap mo ang isang tao” ang
paghingi nito ng despensa kay Joss pagkapasok nila sa unit nya
Alam na alam ni Calyx na may
mali rin sya at may punto si Joss dahil gusto lang naman nitong
protektahan silang dalawa kaya sya na
ang unang bumasag sa kanihimikang nabuo sa pagitan nila at para maayos na ang
kung ano mang hindi pagkakainitindihan nila dahil hindi makakatulong iyon sa
kanila lalong lalo na ay may mas mabigat na silang responsibilidad
“Psensya na din sa inasta ko
kanina, pero sana naman maging maingat ka sa paligid mo kasi hindi natin masabi
ano mangyayari at please lang wag na wag kana makikipag-usap sa alberth na iyon
wala akong tiwala sa kanya”
Itutuloy.......
ang bagal ng update ni author.....!bkt kaya...sana nmn ppkidalasan ung pagpopost...
TumugonBurahinupdate na agd author hahaha...
TumugonBurahingaling ng story mo
hmmm, may gf pala c joss. anu aman kaya magiging papel ni alberth kay calxy?
TumugonBurahinaw bat ngaun ko lang nabasa toh? hehehhe...
TumugonBurahinbusy bus talaga mga nurses... grave..