Lunes, Agosto 13, 2012
Martes, Agosto 7, 2012
One Great Love 1
by: FUGI
Authors Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi
ako nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo
tatapusin ko iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay
nina FUGI at IAN, nais ko munang ihandong ang isang napakagandang
LABSTORI na nilikha ng aking malikot na imahinasyon (napakaganda kasi,
kasi naisip ko sya??? pwede na ba iyon na rason? hehe)
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my
mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner
lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________
Malapit na si Calyx sa condo kung saan sya ipinatapon ng kanyang pamilya, kung saan sya mananatili sa buong scope ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Ayaw man niya isipin ang ganoon pero yun ang nararamdaman niya.
Sakay sya ng taxi ng magring ang cellphone nya at tumatawag ang tumatayo na ngayong tunay nyang magulang, ang kanyang yaya.
"Hello ya, miss ko na agad kayo" mahihimigan sa boses ni Calyx ang lungkot dahil simula bata pa laging nasatabi nya ang yaya nya lalong lalo na noong panahon na parang nawalan ng amor ang pamilya nya sa kanya at ito ang taong naging sandigan at pamilya nya sa panahong mag-isa siya kaya labis labis ang lungkot niya ng malamang sa manila na sya papag-aralin ng mga magulang niya.
"Nako ang alaga ko, miss ka na din ni yaya, kamusta na? nakarating ka na ba sa titirhan mo diyan?" pinipilit ng yaya ni Calyx na maging masigla para sa alaga para hindi na madagdagan ang kalungkutan nito pero halata din dito ang pag-aalala at lungkot dahil alam na alam nya ang pinagdadaan ng alaga
"Malapit na po ako ya! Sana nandito na lang din kayo para kahit papaano ay...." hindi natapos na sasabihin sana ni Calyx at halata na din na parang naiiyak na ito kaya pinutol na ito ng yaya nya.
"teka teka anak di ba bawal na umiyak at malungkot, pangako mo iyan kay yaya at magpapakatatag ka, bibisita naman dyan si yaya kaya dapat lagi mo tataandaan ang sabi ni yaya na..."
"magiging Ok din ang lahat" ang pagtatapos ni Calyx sa mga sasabihin ng yaya nya
"tama!" kasabay ang pilit na tawa ng yaya nya
"Salamat yaya ha! sige na po baka maiyak pa ako dito sa taxi nakakahiya kay manong driver" patawa naman ni Calyx
"sige, anak, mag-ingat ka dyan at tumawag ka kay yaya pag may problema, OK! mahal ka ni yaya"
"Mahal na mahal ko din po kayo" at tuluyan na nga naputol ang linya sa pagitan nilang dalawa
-o-o-o-o-
Kasalukuyang ngayong sakay ng elevator si Calyx patungo sa palapag kung nasaan naroroon ang condo nya.Sa loob ng elevator na iyon ay pinilit inayos ni Calyx ang sarili at naglagay ng ngiti sa kanyang labi at pabulong na sinabi na "Kaya ko to!, Kakayanin ko to!"
Maya maya pa ay narating na rin niya ang floor niya kasabay ang pagbukas ng elevator. agad syang lumabas at tinahak na ang daan papunta sa condo nya. Nang mapatapat na sya sa pintuan ng kayang bagong bahay at marahan niyang ibinaba ang mga bagahe niya para kuhanin ang susi at makapasok na. at sa pagkakataong nabuksan nya na ang pintuan at sya namang pagbukas ng pintuan din sa katabi nyang condo unit at agad syang napatingin dito at....
"Ikaw!" ang sabay nilang nasabi ng lalaking papalabas sa katabing unit, parehas mababakasan ng pagkagulat ang dalawa pero agad nakabawi ang lalaki
"Sinusundan mo ba ako?" nang-aasar na nito ngayon matapos makabawi sa pagkagulat
Hindi nalang pinansin ito ni Calyx at tuloy tuloy nang pumasaok sa loob at mabilis na rin isinara ang pinto para masarhan ang kung ano pang nagbabadyang komunikasyon sa pagitan nila ng kakilalang lalaki.
-o-o-o-o-
Hanggang sa puntong ito ay hindi pa rin maalis sa isipan niya ang lalaking iyon kahit ano gawin niyang pag-abala sa sarili, nariyan na ang ayusin ang kanyang gamit pati na rin ang kanyang unit pero wala pilit pa rin itong gumugulo sa kanya.
"Bakit kasi sa dinami-dami ng taong magiging katabi ng unit ko sya pa" naaasar nyang nasabi sa sarili nya
(...flashback...)
"Bawal ang mga lampa kaya ibigsabihin bawal ang isang bata dyan na sumali" ang mga patamang sinabi ng isa sa mga bata na nag-aastang leader kay Calyx.
"Oo nga makakagulo lang" ang pagsang-ayon ng isa na tinunguhan ng lahat.
Laging ganito ang scenario sa park sa loob ng subdivision na iyon kung saan nakatira ang pamilya ni Calyx, na lagi syang outcast, na sya ang binub-bully kesyo ang lampa lampa, parang babae at kung anu-ano pang makitang kapintas-pintas sa kanya kaya ang laging siste ay pumupunta na lamang sya sa swing at uupo doon at papanoodin ang mga bata na naglalaro.
Hindi niya namalayan ang pag-upo sa isang swing ng isang bata na agad syang napuna dahil sa pag-iisa nito habang halos lahat ng bata sa parke ay masayang naghahabulan
"Batang nakapangalung baba" ang pagtawag pansin nito kay Calyx
Mababakasan ang pagkagulat kay Calyx dahil hindi nga naman niya ito napuna at miya mo ma-a-outbalance sa swing na sinasakyan. Agad namang kumilos ito para hindi matuloy ang napipintong pagkahulog ni Calyx sa swing
"Mag-ingat ka kasi!" ang paalala nito ng mahawakan nito si Calyx
"Bat ka kasi nanggu...." ang sinasabi nito habang tumitingala at ng makita ang bata ay hindi na siya nakaimik pa at pautal-utal na nasambit ang salitang "Salamat" at agad na ito umalis sa tayo nilang iyon
"Magugulatin ka pala" maya-maya ay nasabi ng bata sa sandaling katahimikan sa kanilang dalawa na hindi naman tinugunan ni Calyx at itinuon na lang ang atensyon sa mga batang naglalaro
"Bakit hindi ka sumali sa kanila? mukhang gustong gusto mong makisama at makipaglaro" ang muling nasabi nito habang tinitingnan na ngayon ang kung ano ang tinitingnan ni Calyx.
"Ayaw nila" at sa wakas sumagot na muli ito sa kanya pero mababakasan ang lungkot dito
"Di tayo na lang ang maglaro" napaharap si Calyx dito at nakita ang nakangiting bata
"Ako nga pala si Joss, Kalilipat lang namin dyan" pagpapakilala nito
"Ah eh ako si Calyx" tugon nito
"Ano tara na?"
"Saan?"
"Sa bahay dami ko laruan doon" nakangiting paanyaya ni Joss sa bagong kaibigan
Masayang nilisan ng bagong magkaibigan ang parke. Nang mapuntahan nila ang bahay kung saan lumipat ang batang nagngangalang Joss ay napag-alaman nila na magkatapatan lang ang mga bahay nila na labis nilang ikinasiya.
Naging napakasaya ng araw na iyon para kay Calyx dahil sa wakas meron na syang matatawag na kaibigan pero mali pala dahil parang pinatakam lang sya, ipinaranas lang sapagkat sa mga sumunod na araw ay parang hindi na sya kilala ni Joss, na kahit anong paglapit ni Calyx dito ay ilag na ito sa kanya. At ang mga sumunod na nangyari kasama na si Joss sa mga nangbu-bully sa kanya.
Naging malungkot si Calyx dahil sa nangyaring iyon at hanggang sa matapos na ang high school hindi na sila nabigyan ng pagkakataon na makapag-usap at linawin kung ano man ang nagyari sa pagitan nila.
(....end of flashback)
-o-o-o-o-
"Bakit nga ba sya bigla bigla na lang nag-iba ng ugali" malungkot na naitanong niya sa kanyang sarili at ilang sandali pa ay nilamon na sya ng kadiliman ng gabi at nakatulog bitbit-bitbit ang ganyung isipin.
itutuloy.............
--)Salamat kena Jemyro at kababayan (jamespottt.. hehehe), wow ha kayo ay present pa din hehehe ganoon din sa mga lihim na nagbasa nung prologue. TY po! :)
Sabado, Agosto 4, 2012
One Great Love (Pologue)
by: FUGI
Authors Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN, nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba iyon na rason? hehe)
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
__________________________________________________________________________________
(........4 years after........)
"Happy 4th anniversary! miss na miss na kita" ang pabulong na naluluha na pagkausap ni Calyx sa isang larawan kasabay ang pagtunton ng mga daliri nito sa bawat parte ng mukha ng nasa larawan.
"Miss na miss ka na namin ni andrie" dagdag ni Calyx at hindi na nagpapigil pa ang parang nag-uunahang mga luha sa paglabas sa mga mata nito.
Halos apat taon na ang nakakalipas pero ganoon pa rin ang sakit, hindi nababawasan, hindi naghihilom. Na para bang hindi na totoo yung kasabihang "Time would heal all wounds" para sa kanya.
Na para bang sa bawat paggising nya at pagharap sa bagong umaga ay lagi syang hinahabol ng mga masasamang pangyayari na pinahintulutan ng pagkakataon na iparanas sa kanya. Pagsubok sa kanyang pagkatao, sa kanyang pamilya, sa mga taong nakapaligid at konektado sa buhay nya at lalo't higit sa buhay pag-ibig niya.
Masakit na mahirap para kay Calyx ang lahat ng ito sa kadahilanang kahit nandyan pa rin sa tabi nya ang mga kaibigan na syang umalalay at umaalalay pagpasahanggang ngayon, hindi pa rin ito sumapat kaya ay parang mag-isa nyang iniinda ang mga pagsubok na dumaan at patuloy na bumabangga sa kanya, sa buhay nya,
Hindi namalayan ni Calyx na gising na pala ang munting anghel na kani-kanina lang ay mahimbing na natutulog
sa tabi nya.
"Baba!" at ang biglaang pagbangon nito at paggapos ng mumunti nitong mga bisig sa katawan ni Calyx
Halos mapawi ng yakap na iyon ang mga dalahin ni Calyx, at na pangiti sya dahil meron parin syang anghel na syang nagbibigay sa kanya ng lakas at kasiyahan sa mga panahong lugmok na lugmok sya
"Gising na pala ang baby ko" sabay pisil nito ng madahan sa ilong nito
"Baba naman ih! big boy na po ako" ang pag-angal nito sa sinabi ng ama pero patuloy parin nitong isinisiksik ang sarili sa pagkakayakap sa kanyang ama
"Hahahaha" hindi napigilan ni Calyx ang mapatawa dahil sa hindi tugma ang sinasabi ng anak sa inaasal nito.
"Ayan masaya ka na po ulit" ang inosenteng nasabi ng bata pagkaalis nito sa pagkakayakap sa ama.
Ginulo na lang nito ang buhok ng anak at binigyan ng matamis na ngiti. Nagtataka sya minsan kung bata ba talaga ang kausap nya kasi parang naiintidihan nito ang nararamdaman nya.
...pipip...... pipip..... (busina ng isang sasakyan ang pumukaw ng atensyon ng mag-ama)
"Si Ninong" ang masayang sabi ni andrie (ang anak ni Calyx) kasabay ang pagtakbo nito palabas ng kwarto para salubungin ang bagong dating.
"andrie! dahan-dahan baka madapa ka" ang paalala sana ni Calyx pero huli na dahil nakalabas na ito.
Nang makababa na si Calyx at tumambad sa kanya ang tuwang tuwang si andrie habang karga- karga ito ni Alberth.
"Good morning!" bati ni alberth kalakip ang isang napakagandang ngiti.
"Paaga ka ng paaga uh!" natatawang biro ni Calyx dito.
"Paano na miss kita agad, kayo ni andrie" nakangiti pa rin nitong sabi.
Hindi na lang nakaimik pa si Calyx sa bititiwang pahayag ni Alberth bagkus ay isang matipid na ngiti ang ibinigay nito dito.
"Dyan muna kayo magluluto lang ako ng breakfast" maya maya ay naisatinig na lang.
Makalipas ang ilang sandali ay tinawag na ni Calyx ang mag ninong para mag-agahan. Napuno ng tawanan ang hapag dahil sa kalokohan ng mag ninong.
"Salamat sa paghatid" nakangiting nasabi ni Calyx kay Alberth ng maihatid na nito sila sa tapat ng restaurant na pag-aari ni Calyx.
"Sa lagay ba ay libre na lang" natatawang nasabi nito.
"Gusto ko na nga din, hindi pa lang handa angtaong gusto ko makasama, kaya hinihintay ko pa rin sya" siryoso itong nakatingin na mga mata ni Calyx habang binibitawan ang ganoon salita.
-o-o-o-o-
Naging busy si Calyx dahil sa dami ng costumer nila para sa araw na iyon. halos mapuno na ito kaya naman hindi nya mabigyan ng tamang atensyon si andrie pero hindi naman sya nagkukulang silip silip ito sa opisina nya pag may pagkakataon.

"Oo nga po ninong" ang pagsulpot naman ni andrie mula sa likod ng sasakyan, nginitian at ginulo lang nito ang buhok ng inaanak bago muling hinarapan si Calyx.
"Sa lagay ba ay libre na lang" natatawang nasabi nito.
"Sabi ko na nga ba ih! kailangan may suhol, O heto!" sabay abot nito ng paper bag na agad naman nitong kinuha.
"Yes! anong kaya ulam ko ngayon?" masigla nasabi nito habang binubuksan ang laman ng bag na ibinigay nito.
"Ayaw pa kasi mag-asawa para may maghahanda na nang ganyan para sayo, hindi yung lagi mo na lang ako iniistorbo mo" biro naman nito habang tinitingnan si Alberth na sa puntong iyon ay biglang napatinmgin sa kanya.
"Gusto ko na nga din, hindi pa lang handa angtaong gusto ko makasama, kaya hinihintay ko pa rin sya" siryoso itong nakatingin na mga mata ni Calyx habang binibitawan ang ganoon salita.
Agad umiwas ng tingin ang huli at binalingan ang anak na naglalaro sa likod ng sasakyan
"Andrie, paalam na ikaw sa ninong, baka malate pa sa trabaho"
"Sige po ninong, ba-bye" kasabay ang paghalik nito sa pisngi ni Alberth
"Behave ha! wag pasaway sa baba at batayan mo baka kung sino-sino lumapit sa kanya" pagpapaalala naman nito.
Matapos magpalamanan ay agad naman umalis na si Albeth at nang mawala na sa paningin ng mag-ama ang sasakyan nito at magkahawak kamay at masaya nilang tinungo ang papasok ng restaurant na pag-aari nila
-o-o-o-o-
Naging busy si Calyx dahil sa dami ng costumer nila para sa araw na iyon. halos mapuno na ito kaya naman hindi nya mabigyan ng tamang atensyon si andrie pero hindi naman sya nagkukulang silip silip ito sa opisina nya pag may pagkakataon.
Nanghumupa na at unti unti ay nababawasan na ang mga tao sa loob ng restaurant ay nagpasya na syang muling bumalik sa opisina niya para samahan ang anak. Pero ng bukyan nya ang pinto ay tumambad lang sa kanya ang mga laruan nito at walang andrie sa loob ng opisina nya.
-o-o-o-o-
Dahil sa pagkainip ni Andrie sa opisina ng ama ay napagpasyahan nitong lumabas. pagkabukas niya ng pinto ay nagpasilip silip muna sya kung nandoon ang kanyang ama at nang makitang wala ito doon ay agad siyang kumaripas ng takbo palabas.
Hindi sa sinusuway nya ang ama dahil sa nangako na ito na magbi-behave na ito dahil sa nagawa nyang kasalanan sa loob ng restaurant ng ama, nung nabangga nya ang isang waiter at tumilapon ang daladala nito at magstay na lang sa upisina ng ama kaya lang ay sobrang naiinip ang munting bata at gusto laging nakabuntot sa ama kaya hindi na niya natiis at nagpasyang maingat na lumabas sa kinalalagyan nya.
Nang makalabas si andrie ng restaurant ay labis labis itong natuwa, aliw na aliw sa mga taong pumapasok at lumalabas sa restaurant ng ama at sa pagsunod niya ng tingin sa mga ito ay nadakuan ng kanyang paningin ang isang pamilyar na pamilyar na mukha sa kanya kaso hindi nya maalala kung sino ito kaya hindi nya ito inalisan ng tingin hanggang sa makapasok ito kasama ang kasama nitong babae.
Buti na lang at salamin ang nagsisilbing pader ng restaurant kaya kitang kita pa rin ni Andrie ang lalaking pilit nyang inaalala hanggang sa nasabi nya ng.......
"Dada ko!" at nagtatakbo sya sa loob at tinungo ang pwesto ng lalaki

Agad na hinanap ni Calyx ang anak at agad na sya nitong tatawaging ang anak ng makita nitong bigla itong umakap sa lalaking nakatalikod sa kanya kaya hindi niya makilala kung sino ito pero hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya parang may nagbago bigla sa sistema nya, parang bigla syang kinabahan, may kung anong koneksyon na nagpapabilis ng tibok ng puso nya.
Dahan dahang Lumapit si Calyx hanggang sa marinig niya ang pag-iyak ni Andrie, ang medyo paglakas ng boses ng babae at ang boses na yun na nagmumula sa nakatalikod na lalaki, ang boses talaga namang nagpatigil sa kanya, parang nawala sya sa wisyo dahil sa boses na iyon.
-o-o-o-o-
"Dada dada" ang muling pagyakap muli ni Andrie sa lalaki na ngayon ay pumapayagak na dahil sa pagtataboy ng lalaki sa bata
"Bata ano bang sinasabi mo" ang nasabi ng lalaki habang muling inaalis ang mga kamay ni Andrei na nakaakap sa kanya pero imbes na kumawala ang bata ay mas humigpit pa ang kapit nito sa lalaki at umiyak ng mas malakas na nakaagaw ng atensyn ng lahat ng costumer sa loob ng restaurant na iyan.
"Ito ba ang surpresa mo ha Joss?" ang medyo galit na simula ng babaeng kasama ng lalaking nagngangalang Joss
"Hon, hindi ko sya kilala" ang pagharap nyang muli sa babaeng kasama nya
"So ano joke lang????" ang medyo sarkastikong nasabi nung babae biglang tumayo na ito
Agad namang tumayo din si Joss at pipigilan ito pero ang mga sumunod na nangyari ang nagpagulat sa lahat
"Mamloloko ka!" sabay buhos ng tubig sa mukha nito at mabilisang umalis sa lugar na iyon.
Natigilan naman pansamantala si Joss sa mga nangyari pero agad ding nakabalik sa realidad ng marinig nyang muli ang iyang ni Andrie at marahas nya itong inalis sa pagkakayakap sa hita nya na labis na nakasakit sa bata at pagkatapos ay lumuhod ito para lumebel at magtapat ang kanilang mukha ng batang sumira ng buhay at relasyon nya.
Lalong humagolgol ang bata sa ginawa ni Joss.
"Bad ka... ayaw ko na po sa iyon" ang nauutal na nasabi ni andrie sa pagitan ng pag-iyak nya habang pinipilit na pagpapaluin ito
"Alam mo ba ang ginawa mo ha, sinira mo...." hindi naituloy ang mga sasabihin ni Joss dahil sa pagtatama na iyon ng mata nila ni Andrie ay parang may kung ano siyang naramdaman, parang, hindi nya maipaliwanag at may kung anong mga pagyayari ang bigla biglang pumapasok sa isipan nya na nakapagpatulala sa kanya
Nakita ni Andrie ang ama sa gilid at mabilis na ipinakawala ang sarili sa pagkakahawak ni Joss
"Baba ko" at patakbong lumapit sa ama at isiniksik ang sarili sa ama na sa puntong iyon ay wala pa rin sa sarili
"Baba, bad po sya, ayaw ko na po sa kanya" ang muling nasabi ng kawawang si andrei sa ama, na syang kumuha at nagpabalik ng atensyon nya
Agad nyang kinarga ang anak para aluhin at nagiiyak ito sa balikat nya pero hindi naialis ni Calyx ang mata nya sa lalaking nakaluhod at nakatulala sa mga oras na iyo
"Sana hindi sya iyon" ang nasbi ni Calyx sa sarili nya pero hindi sya pinagbigyan kasi sa pagtayo nito at pagharap nito sa kinatatayuan niya at magtama ang mga paningin nila, parehas silang natulala at nagkusang kumawala ang mga luha ni Calyx
"Joss" naibulong ni Calyx sa sarili.......
And maybe someday we might just find a way
And we can love forevermore...
And we can love forevermore...
-----------------------------------------------------------------------
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)