fugi's playlist

Lunes, Agosto 13, 2012

One Great Love 2

by: FUGI

Authors Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN, nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba iyon na rason? hehe)

Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).

_______________________________________________________________________________

 

Dumaan ang mga araw at hindi na pinahintulutan ng pagkakataon na muling pagbanggain ang mga landas nina Joss at Calyx. Pero magkaganoon man ay hindi pa rin maalis ito sa isip ng huli at tuwing lalabas siya ng unit niya hindi niya maiwasang mapatingin sa pintuan ng unit ni Joss, sa paligid baka may pagkakataon na magkita sila, kahit magkasabay man lang sa elevator ay hindi man lang naganap.

 

Hindi nagtanim ng sama ng loob si Calyx sa ginawang pag-iwas na iyon ni Joss nung mga bata pa sila, ang gusto nya lang ay malaman ang naging rason nito upang maliwanagan siya at noong makita niya ito, may halong gulat man ay mas lamang ang kasayahan para kay Calyx sa kadahilanang may kakilala na siya at baka muling mapagbigyan at masimulan muli ang naudlot nilang pagkakaibigan.

 

-o-o-o-o-

 

Araw kung saan nakatakdang magpaenroll na ni Calyx sa isang prestihiyosong paaralan sa manila ay maaga siyang gumayak para mapadali ang pagproseso niya dito ay makaiwas sa napakahabang pila na ayaw na ayaw nyang kaharapin.

 

Pagkamangha ang rumehistro kay Calyx ng makita ang papasukan niya sa kolehiyo. Hindi na man siya sa bagong baba sa bundok o yung tinatawag nilang sano, pero talaga naman maganda ang desenyong iyon ng paaralan na papasukan, magmula sa gate hanggang sa mga buildings, sa kalawakan ng paligid na sa tabi ng mga kalsadang lakaran ay mag well cared Bermuda grass at mga puno na nagbibigay aliwalas at kapreskuhan sa buong paaralan.


Naging mabilis ang proseso ng pagpapaenrol ni Calyx at nang matapos ay napagpasyahan nyang maglibot libot sa buong campus mara mafamiliarizid sya at hindi nya maligaw sa nalalapit na pasukan.


Sa paglalakad-lakad niyang iyon may pares ng mata ang napadpad sa kanya at nakuha ang atensyon nito. kaya nang makakuha ng pagkakataon ay sinundan na nito ang manghang-manghang si Calyx


-o-o-o-o-


"Pati ba naman dito sinusundan mo pa din ako" ang narinig ni Calyx mula sa kanyang likuran


"Joss" ang may halong pagkagulat nitong naibulalas


"Umupa ka pa talaga ng Private Detective, mula sa condo, at sakto pa talagang sa tabi pa ng unit ko at ngayon pati sa dito sa school na pinapasukan mo" halata sa boses nito ang pagkadisgusto nito


Agad ding napaisip si Calyx sa mga sinabing iyon ni Joss.

 

"Nagkataon lang naman siguro" naibulong nya sa sarili nya. huminga muna sya ng malalim bago sinagot ang pambibintang na iyon ni Joss

 

"Ang dami mo agad na sabi, pero hindi mo ba naisip na nagkataon lang ang lahat, grabe ka! alam ko hindi mo ako gusto pe......"

 

"Tama ka! sobrang naiirita ako sayo, sa mga katulad nyo" ang pagsingit ni Joss na halata na ang galit sa boses nito.


Sobrang nasapol si Calyx sa huling mga salitang sinati nito sa kanya, na may mga emosyon sa kanyang katawan ang nabuhay at bago pa man ito makita ng kaharap agad niyang ipinihit patalikod sa kausap ang katawan at nagwikang...


"Hindi ko na pinipilit ang sarili ko syo, na kahit sobrang nagtataka ako kung bakit bigla bigla ka na lang nagbago nangpakikitungo sa akin, pero sana respeto naman!" at mabilis niyang nilisan ang lugar na iyon


-o-o-o-o-

 

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring gumugulo sa isipan ni Joss ang mga huling sinabi ni Calyx, kahit anong pilit niyang alisin ang engkwentro nilang iyon ng huli ay pilit at nagsumisiksik pa rin ito lalo na ang hindi nakalampas na emosyon sa mukha nito at base din sa boses nito kaya lubos siyang na-guilty sa mga sinabi at inasta nito.

 

Mabait at gustong gusto niyang maging kaibigan si Calyx lalo na nung una nitong makita sa park na nag-iisa at nang makita sa mga mata nito ang labis na kalungkutan parang naalala niya ang sarili niya, magkaiba man ng sitwasyon pero parehas ang satingin niyang nararamdaman nila, ang feeling na nag-iisa. 

 

Pero may mga bagay na kahit ayaw nating gawin ay yon ang nagagawa natin, katulad ni Joss, may mga pangyayari sa buhay nya ang nagpabago sa buong pagkatao nya, mga pangyayari na nagpaiba ng ugali at paniniwala nya kaya nagawa nya ang mga bagay na iyon.


-o-o-o-o-


Muling bumalik ang nakaraan kay Calyx sa mga sinabing iyon ni Joss sa kanya, masasakit na nakaraan na ayaw na nyang maalala at balikan pa, kasi sa alaalang iyon hindi lang buong pagkatao nya ang ibinabaon, kahit kaluluwa nya dinudurog, winawasak.


(.....Flashback...)

 

Sa buhay ni Calyx ang approval ng mga magulang at kuya nya ay sobrang halaga sa kanya, kasi para sa kanya making his family proud on what he do or accomplish is the achievements he could receive, kaya ayaw nya makagawa ng makakasira lalong lalo na sa iniingatang pangalan ng magulang niya, kahit binu-bully sya hindi sya na pinapansin, laging pag-aaral lang ang inaatupag nya, kasi doon lang sya nakakaangat.

Pero may mga tao talagang walang magawa sa buhay at hindi nasisiyahan hanggat hindi napapahiya ang mga taong sa tingin nila ay mahihina at doon hindi nakaligtas si Calyx.


Totoong lampa Calyx, mahina ang loob, siguro dahil pagkabata ay lagi syang outcast kaya ang maki- mingle sa iba ay hindi nya rin magawa, malamya din kumilos kaya isa sa mga ginagalaw sa kanya ay ang ibat-ibang terms tagalog terms sa salitang bisexual. Dahil sa pag-iwas at parang wala lang dito ang ginagawa sa kanya kaya lalong na- challenge ang mga ito at pinagplanuhan kung paano mapapahiya si Calyx at eto ang eskandalong labis na sumira sa buhay ng huli.

 

Kapapasok pa lang ni Calyx sa CR ng Bigla nyang marinig ang pagsara ng pinto nito at nang nilingon nya ito ay tumambad si Bryan, ang leader ng mga pasaway sa kanilang paaralan at mababakasan ang nakakalokong ngisi dito.


"Kamusta na miss!, hindi kaba nagkakamali ng pasok?" ang nakakagagong tanong nito


Kahit na sobrang nag-init ang kalamnan ni Calyx dahil sa pang-aaral nito ay pilit nitong pinakalma ang sarili at hindi na pinansin ang sinabi at tinuloy na lang nais gawin sa lugar na iyon. pero naging mapilit si Bryan sa ginagawa nito at kung ano ano pang below the belt na mga salita na ibinabato nito kay Calyx. Hanggang sa narinig nila ang pagbukas ng pinto at bigla biglang lumapit si Bryan kay Calyx kasabay ang pagkuha nito ng kamay ng huli at lagay sa harapan nya mismo na sumakto sa pagkakabukas ng pinto at nakita ng pumasok ang pusisyon nilang iyon.


"Anong ginagawa mo Calyx?" ang biglang diyalogo ni Bryan sabay kunyaring saway sa kamay ni Calyx na nakapatong sa harapan niya


Hindi nakaimik si Calyx, kahit kumibo ay hindi niya nagawa labis siyang nagulat sa ginawa nito na lalong nagpatotoo sa palabas sa iyon ni Bryan at sa kasamaang loob pa isa sa mga teacher nila ang nakakita ng pangyayari.


Pinatawag agad ang mga magulang ni Calyx dahil sa nangyari. Though hindi kumalat ang eskandalong iyon sa paaralan dahil naging maagap ang teacher sa mga dapat gawin ay hindi nakaligtas si Calyx sa pamilya nya.


****Blag****


Tunog ng pagbalabag ni Calyx sa sahig matapos masuntok ito ng ama pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ng bahay nila


"Yan ba ang natututunan mo sa school na yun, mga kabaklaan? ha!" ang nanggagalaiti sa galit na sabi ng kanyang ama.

 

Napaiyak na lang si Calyx sa mga nangyayari

 

"Isa kang malaking Disappointment, at wala akong anak na katulad mo" mga huling salita ng kanyang galit na galit na ama bago tuluyan itong iwanan. Tiningnan lang siya ng kanyang ina na parang diring diri ito bago ito tuluyang sumunog sa asawa nito.


Mas lalong tinamaan si Calyx sa mga huling sinabi ng ama, tagus na taos sa kaibuturan niya ang mga kataga na sa hinuha ay hindi nya naisip na maririnig sa mga magulang dahil lahat gagawin niya para lang maging proud ang mga ito.


Tahimik siyang humihikbi sa lugar kung saan si tatumba nung masuntok ng ama, nakaupong nakayakap ang mga bisig sa mga binti niya habang nakaub-ub sya sa mga tuhod nya. Paulit-ulit ang mga salitang...... "ISA KANG MALAKING DISAPPOINTMENT" na labis na ikinahina nya


(........end of flashback........)

 

-o-o-o-o-

 

Naiyak na lang si Calyx sa mga nagbalik na pangyayari sa kanyang nakaraan karagdaan pa ang mga huling sinabi sa kanya ni Joss na lalong dumagdag sa kanyang nararamdaman. Nasa isang bench sya sa Park na nasa loob ng campus, na kung saan ay nakatakip sa kanyang mga mata ang mga kamay para hindi makita ang pagpatak ng kanya mga luha.


Dahil sa tayo niyang iyon ay hindi niya napansin na may nakalapit na pala sa kinatatayuan nya at..


"E-eto panyo oh!" ang mahinang nasabi nito..



itutuloy............................

 

 

 

2 komento: