by: FUGI
Authors
Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako
nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko
iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN,
nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking
malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba
iyon na rason? hehe)
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________
“Busog na busog ako, yung
calderetang manok na luto mo ang the best na natikman mo, tinalo mo yung kay
mama” ang nasabi ni Joss habang hinihimas himas ang kanyang bundat na bundat na
tyan
“Hindi nga halatang nagustuhan
mo ikaw na kasi ang umubos hindi mo kami binigyan ni baby andrie ih!” ang bara
nito dito habang hawak at iniuugoy ang bata sa mga bisig niya kasabay ang
pagpapadede dito
“Anu nga, hindi binigyan,
inubusan tayo nang...........” baling na sabi ni Calyx kay baby andrie na hindi
naituloy kasi hindi nya alam kung paano nga naman sila irerefer o ano ang
itatawag sa kanila ng bata
“Daddy” maya maya ay segunda
nito
“AH!” ang natureteng nasabi ni
Calyx
“Sa puntong ito tayo muna ang
tatayong daddy ni baby andrie, kaya gusto kong daddy na ang itawag sa akin
simula ngayon para maprepara na ang munting utak ng baby natin” ang nakangiting
sabi ni Joss na ngayon nga ay hinahaplos na ang malabot na bunbunan ng munting
sanggol.
Nanatili lang tahimik si Calyx
“Ikaw ano gusto mo itawag nya
syo? Mommy?” ang humahagikgik na biro ni Joss kay Calyx pero hindi ito ang
naging biro sa pandinig ni Calyx
-o-o-o-o-
Wala nang namagitan pang usapan
sa pagitan ng dalawa simula mangyari ang pagbibirong iyon ni Joss, ngayon nga
ay parehas silang nasa kwarto ni Calyx, si Calyx sa kama nito habang si Joss ay
nasa lapag na sinapinan ng comforter kasama ang munting bata na mahimbing na
natutulog sa kabibili lang nilang crib para dito
Hindi kailanman magiging biro
para kay Calyx ang mga pahapya na joke na may kinalaman sa sekwalidad na usapan
lalo na pagpatungkol sa kanya sa kadahilanang iyon ang naging mitsa kung bakit
siya ngayon nag-iisa sa buhay, hindi man literal na mag-isa, na ibig sabihin ay
walang kaanak, nag-iisa dahil hindi nya maramdaman na may pamilya siya, kaya
nga ipinatapon sya at pinag-aral sa malayo para malayo sa kahihiyan ang pamilya
nila
Pero hindi din maitatatwa ni
Calyx ang kakaibang nararamdaman sa sarili, kaiba sa kahawig nya na kasarian
pero hindi nya mabigyan ng kung anong paliwanag kung ano ito kaya itinago nya
na lang ito sa sarili nya, pero talagang mapanghamon ang planet earth, na
ibinigay sa kanya ang pangyayaring iyon na gumulo sa buhay nya, ang eskandalo
na nagpayanig maging sa pagkatao nya, kaya ang naging resulta ay inilayo nya
ang sarili nya sa mga tao sa paligid nya, isinara ito sa lahat na gustong
pumasok sa buhay nya hindi dahil natatakot sya kundi mas lamang ang
maprotektahan ang sarili at hindi na muling maulit ang mga nangyari sa nakaraan
“Lyx” ang hindi na makatiis na
si Joss
“Alam ko gising ka pa, sorry!”
ang pahabol nito na mararamdaman ang sinseridad sa paghingi nito ng tawad pero
magkaganoon man ay wala paring nakuhang pagtugon ito mula kay Calyx kaya
napabuntong ito ng sobrang lalim
.................
(nakakabinging katahimikan)
................
.................................
“Alam mo yung mga bagay pala na
laging ipinipilit ipamukha sayo ay magiging ikaw sa paglipas ng panahon, grabe
kahit ano pilit mong sabihing hindi, hindi ako magiging ganon, pero wala, yun
pa din ang kakalabasan, kasi pag lalo mo palang nilabanan mas lalo lang syang
kakawala, kaya pagtanggap na lang ang option na matitira sayo, kasi hindi..
hindi din..... hindi din” ang medyo
naiiyak nang si Calyx
“Hindi na rin naman magbabago
ang perception ng tao sayo, kahit ano gawin mo iyon kana para sa kanila” ang
pagpapatuloy ni Calyx
“Lyx...” mahihimigan ang
pag-aalala sa boses nito
Napaupo na si Joss at bumungad sa
kanya ang nakatalikod na tahimik na umiiyak na si Calyx
“Kaya hindi na rin ako magtataka
kung mawa....” hindi na naituloy pa ni Calyx ang mga nais sabihin dahil pagyakap
ng mga bisig sa kanya mula sa kanyang likuran.
“Sssssssshhhhhhh........ walang
magbabago, hindi na ako mawawala at hindi na kita iiwan katulad noon” ang
pabulong na naiwika ni Joss dito
Nanatili ang dalawa sa ganoong
posisyon hanggang sa hindi na nila namalayan na nakatulog na sila pareho, hindi
dahil sa pagod dahil sa pinaggagawa nila sa araw na iyon kagaya ng mamimili ng
gamit para kay baby andrie at ang pag-aayos ng unit ni Calyx para isalansan ang
mga gamit ng bata sa condo nito bagkus dahil sa yakap na iyon ni Joss,
nakaramdam si Calyx ng kapayapaan, na parang nawala lahat ng dahalin niya
simula pagkabata at maging ang issue nito sa pamilya at higit sa lahat naramdaman
nito na hindi sya nag-iisa at hindi na muling mag-iisa dahil may Joss na siya
na nasatabi nya na kahit hindi man nya tahasang inamin ang isang damdamin sa
katauhan nya ay dahil sa yakap nyang yun alam alam ni Calyx tanggap na sya nito
ano man ang mangyari
-o-o-o-o-
Unang nagising si Joss dahil sa
may naramdaman syang nakuskos sa may dibdib nya at ng masanay at nakita nya ang
himbing na himbing na si Calyx na nakaunan na pala sa kanyang braso at ang
mukha nito ay nakahilig sa kanyang dibdib. Imbis na maasiwa sa posisyon nilang
iyon ay nangiti na lang ito sa nakikitang itsura ng pagtulog nito, ang aliwalas
kasi ng mukha nito
Maya maya pa ay napagdiskitahan
nito ang ilong ni Calyx ng makakita ito ng hibla ng buhok nito sa kanyang
dibdib. Ikinalikot nito ito ng pahapyaw sa bukana ng ilong nito na naging
dahilan para mangati ito at kamutin naman ito ni Calyx na ikinahagikgik naman
ni Joss
Maya maya ay nakita ang orasan
at may klase ito sa araw na iyon sa umagang iyon kaya dahan-dahan itong tumayo
para hindi magising ang himbing pang si Calyx at nang makita niya ang crib ay
ang sobra ring himbing na natutulog na si baby andrie
At nangiti na lang siyang
pinagmasdan ang dalawa
Humalik lang ito kay Baby Andrie
at nag-iwan ng note para alam ni Calyx kung nasaan sya at pagkatapos ay umalis
na ito at tinungo ang unit niya para makapaghanda sa pagmasok sa klase nya sa
umagang iyon
-o-o-o-o-
“huwaaaaaaaaaaaaaa” ang
pumalahaw na iyak ni baby Andrie na na talaga namang gumising sa buong pagkatao
ni Calyx
Tatakbo ito nilapitan si baby
andrie at agad kinarga
“ano ang gusto ng baby andrie,
nagugutom na ikaw?” at agad niyang kinuha ang tsupon nito na puno ng gatas na
sa tingin niya ay bagong timpla kaya biglang pumasok sa isip nya si Joss, at
unti-unti niyang naalala yung kagabe na nangyari
Agad syang kinabahan pero mas
lamang ang pagkailang dahil sa mga nasabi niya dito
“jo.....joss” ang nag-aalangan
niyang pagtawag at agad sumilip ng dahan dahan sa nakauwang na pinto ng kwarto
nya nang makitang wala ni kahit bakas ng anino nito at nakahinga ito ng sobrang
luwag pero hindi rin maaalis ang pagkadismaya kasi wala ito sa unit nya pero
hindi na lang niya ito binigyan ng pakahulugan
“Kuh! Gutom na gutom ang baby
andrie ah!” ang masayang pagpuna nito sa masigasig
na pag-ut-ut nito sa nipple
ng tsupon nito
Maya maya ay nahagip ng mga mata
ni Calyx ang pilas ng papel na nakatupi
sa may
study table nya. Agad nito itong nilapitan at kinuha
“Lyx, grabe ka pinaliguan mo ang
katawan ko ng laway mo ih!. Hahahaha hindi na kita tatabihan :)) nga pala hindi
na kita ginising himbing ng tulog mo, pati si baby andrie ganoon din, may naman
agad sayo ah! Hehe, may klase pala ako kaya ako maaga umalis pero babalik agad
ako pagkatapos isa lang naman iyon at sa hapon na ang sunod. Ingat kayo ni baby
Andrie, goodmorning!” –Joss
Pagkakalawak nang ngiti naman
ang plumaster sa mukha ni Calyx pagkatapos mabasa ang note nito
“Pumasok ba lang si daddy joss
mo kaya maaga umalis” ang nakangiting sabi nito kay baby andrie
“Pumasok si daddy Joss,
pumasok..pumaso....” ang hindi naituloy na sabi ni Calyx dahil may naalala ito
at agad na tumingin sa orasan
“May pasok din ako.....” ang
sigaw ni Calyx sa sarili nya dahil sa patulog na si Baby Andrie kaya hindi nya
ito naisatinig
Itutuloy..................