by: FUGI
Pauna:
Nais ko po muna humingi ng sorry sa late update, salamat sa mga patuloy pa rin
nagkokomento at nagbabasa ng likha ko
Authors
Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako
nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko
iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN,
nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking
malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba
iyon na rason? hehe)
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________
Blanko,
sobrang blanko ang pag-iisip habang tahimik na pinagmamasdan ni Calyx at Joss
ang munting angel na ngayon ay natutulog na sa mismong kama ni Calyx.
At
sa mga pagkakataon namang magsasalubong ang mga mata ng dalawa ay astonishment
at hindi maipaliwanag na feeling dahil sa isang hindi inaasahan na happenings
sa buhay nila ngayon kasabay nang muling pagtingin nila sa baby na mahimbing na
natutulog sa kanilang harapan.
Hhhhhhhhhhhoooooooooooo.....
sabay na mahabang buntong hininga nila
“Anong
gagawin natin sa kanya?” pag kuwan ay naitanong ni Joss habang nakatingin parin
sa baby
“Hindi
ko alam” ang tanging naisagot ni Calyx dito
-o-o-o-o-
Tinalo
ng malakas na payakag na iyon ng parang sanggol ang magandang fireworks display
ng naturang theme park na pinuntahan nina Calyx at Joss
Agad
agad nila itong hinanap at sumambulat sa kanila ang isang may kalakihang basket
na gawa sa water lily na natagpuan nila sa ibabaw ng compartment ng sasakyan ni
Joss
Nang
malapitan na nila ito ay pagkabigla ang lumukob na emosyon sa kanila, sa
kadahilanang hindi nila alam ang gagawin hanggang sa palakas ng palakas ang
ginagawa nitong iyak na pumukaw sa nabigla nilang katauhan.
Natatarantang
hindi malaman ang gagawin ni na Joss at Calyx
“Kanino
yan?” ang naitanong na lang ni Joss na natataranta dahil sa palakas na palakas
na iyak ng bata na sinaman pa ng sabayang paggalaw ng mumunting kamay nito nito
na nakatikom na parang sumusuntok sa ere at ang mga paa nito dahilan para
tumaas ang kumot na tumataklob sa mga paa nito.
Pero
imbes na sagutin ni Calyx si Joss ay agad niyang bihuhat ang sanggol, dahan
dahan at may pag-iingat pero hindi ito gumana dahil patuloy pa rin itong
pumapalahaw ng iyak
“Tahan
na baby” ang nasabi ni Calyx kasabay ang pag-ugoy nito sa sanggol na nakahiga
sa kanyang mga bisig at sa pangalawang pagkakataon walang effect iyon sa
munting anghel
“Hindi
kaya gutom, o basa na ang diaper nyan kaya umiiyak?” ang naisatinig ni Joss, kalmado
na ito sa punto iyon
Agad
agad hinawakan ni Calyx ang lampin na suot ng bata
“Hindi
naman pa basa” pagkuwan ay nasabi nito pagharap nya kay Joss
“Baka
may gatas sya dyan” sabi ni Calyx sabay turo sa basket na pinaglagyan sa
munting angel na agad naman tiningnan ni Joss at nanduon nga ang mga tsupon,
meron na may timpla na ng gatas meron na tubig lang ang laman meron din
pacifier, mga lampin, towel, at isang maliit na kahon ng gatas na iyon ata ang
milk nya.
Dalas
dalas na iniabot ni joss ang tsupon ng na may timpla nang gatas kay Calyx
“Baby,
ito na ang milk mo, gutom na ba ikaw?” at inilapit na nito ang nipple sa may
labi ng bata pero iniiwas lang nang bata ang bibig nito at nagiiyak pa din
“Ano
ang gusto ng baby, ha!” ang parang tangang pakikipag-usap ni Calyx sa baby
“Baka
nagagalit sya kasi alam nya na wala ang mga magulang niya” ang naiwika ni Joss
sa pag-obserba sa kung bakit pa rin ito umiiyak ay gayong lahat ng paraan ay
nasubukan na nila
Humarap
sa kanya ang nagmamakaawa nang mukha ni Calyx na parang humihingi ng help.
Lumapit
si Joss sa huli ay ihilahad ang pagkuha sa baby
“Ako
muna ang susubok magpatahan sa kanya” may pag-aalangan man si Joss ay iyon lang
ang maitutulong nya kay Calyx.
Pinasa
dahan dahan nito kay Joss ang munting sanggol na patuloy pa rin sa pag-iyak
“Tahan
na baby!” ang halos pagmamakaawa namang nasambit ni Joss pagkahawak kasabay ng
paghimas-tapik sa likod nito
........huuuuuuuwaaaaaa.....
huuuuwaaa....huuwaa.... ang pahina nang
pahina nang iyak ng bata na agad na ikinatingin ng dalawa sa isat-isa na labis
nilang ikinasorpresa
“Ikaw
lang pala ang gusto ih!” ang natatawa na nasambit ni Calyx, tinugunan lang ito
ng matipid na ngiti si Joss at patuloy paring henehele sa kanyang mga braso ang
batang hindi nila alam kung ano ang ginagawa sa ibabaw ng compartment ng
sasakyan ni Joss
“Umamin
ka, anak mo iyan ano?” dagdag na tanong-biro ni Calyx dito
“Paano
na, ano gagawin natin?” dagdag tanong ni Calyx
“Maghintay
muna tayo, baka balikan sya dito” pabulong na sagot ni joss
Pero
lumipas na ang halos isang oras pero wala ni anino ng tao, ina, ama o
kamag-anak na nakakakilala sa sanggol na iyon kaya napagpasyahan na lang nilang
iuwi muna ito sa kanilang condo.
-o-o-o-o-
Hindi
na namalayan ng dalawa na nakatulog na pala sila kakaisip ng hakbang na gagawin
nila para sa sanggol na sa tinggin nila ay inabanduna na ng mga magulang nito..
......Huuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuwwwwwwwwwwwwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.............
ang nakakagulantang na gumising kay na Joss at Calyx na agad naman napatayo at
hindi na naman malaman ang gagawin
“buhatin
mo na lang ulit, habang ipagtitimpla ko sya ng gatas” ang natatarantang nasabi
ni Calyx kay Joss
Dali-dali
naman lumapit ang huli at dahan dahan binuhat ang nagwawalang sanggol sa hindi
malamang dahilan, kung naguguton o ano
Tatakbo
naman si Calyx bitbit ang mga tsupon at gatas nito papuntang kusina para ihanda
ito. Sobrang bilis nang pagpeprepara ni Calyx dahil sobra na sa lakas ang
atungal ng baby, salin ng mainit na tubig sa tsupon na dahil sa taranta ay
natapunan sya pero hindi na niya ito ininda, tapos lagay ng apat-lima na takal
ng gatas gamit ang kutsa, tas tinakpan at tatakbong pumunta ng kwarto habang
kinakalog ang tsupon.
“Ito
na baby, gutom na ikaw?” ang bata-bataang pakikipag-usap ni Calyx sa bata
habang iminumwesta ang tsupon sa bibig ng sanggol
Umiiyak
na inaabot ng sanggol ang tsupon ng mahawakan nya ito
“Baby
sandali lang check ko lang kung tama na ang init” na sinagot lang ng iyak ng
bata
Nang
macheck na ok na ang temperatura na pwede na ipadede ang gatas sa bata ay agad
na itong inilagay sa bibig ng bata na agad naman pagngasab ng sanggol sa tsupon
para lumabas ang gatas
Agad
agad na tumigil sa pag-iyak ang sanggol at matuloy sa pag-ut-ut sa tsupon nito
“Gutom
na pala ang baby namin diyan ih!” ang nasabi naman ni Joss habang nangingiti sa
pagpanood sa pagdede ng sanggol.
“Baby
namin diyan?” ang pagulit at pagtingin ni Calyx kay Joss na sinagot lamang nito
ng magandang pagngiti
-o-o-o-o-
“ahm....
lyx” pagtawag sa pansin ni Calyx habang dahan dahang papalabas sila ng kwarto para
di mabulabog ang ngayon ay sobrang himbing nang natutulog na bata
“ano,
may plano ka na ba kung anong gagawin natin sa kanya?” ang naisagot na tanong
naman ni Calyx sabay ang pagsulyap sa sanggol
“ahm...
hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko lang magaan ang loob ko sa kanya at
ayaw ko syang dalahin sa DSWD o kung saan mang opisina, ako na lang ang
tatayong gardian niya simula ngayon, at kung may maghanap man, di tsaka natin
sya ibigay, sa totoo nyang pamilya” ang mahabang nasabi ni Joss na nagpatahimik
sa akin
“Tutulungan
mo ba akong alagaan sya?” ang naitanong nalang nito kay Calyx
Lumipas
ang ilang sandali bago nakasagot ito
“Tayo
ang magiging gardian nya simula ngayon” ang nakangiting nasambit ni Calyx
Itutuloy...............
buti naman nakapag update na c author kaso bitin...next na .......heheheh ganda sana my kasunod agad
TumugonBurahinone graet love...pkitapos nito author bago ung book 2 ni ian at fugi
Burahinyannn, may connection na para sa dalawa. so nice aman fugi. he he he
TumugonBurahin