by: FUGI
Pauna:
Nais ko po muna humingi ng sorry sa late update, salamat sa mga patuloy pa rin
nagkokomento at nagbabasa ng likha ko
Authors
Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako
nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko
iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN,
nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking
malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba
iyon na rason? hehe)
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________
“Saan
muna tayo pupunta?” ang naitanong ni Joss pagkasakay na pagkasakay nito sa
diver’s seat ng kanyang sasakyan
Pagkatapos
magkasundo ng dalawa na maging pansamantalang tagapangalaga ng munting anghel
ay napagkasunduan nila na bumili nang lahat ng gamit nito katulad ng mga damit,
gatas, at kung anu-ano pang gamit bata na kakailanganin nito.
“ahm”
ang pag-iisip ni Calyx habang nakatingin sa hawak hawak nya ngayong baby na
mahimbing na natutulog
“Buti
talaga nasama na sya” nakangiting sabi ni Joss habang tinitingnan ang ayos ng
dalawa habang karga karga ni Calyx ang baby na nakaupo sa passenger’s seat na
ginantihan nalang ng ngiti nang huli
“Ibili
muna natin si Andrie ng stroller, para comportable sya habang nag-iikot-ikot
tayo
buying his things” nakangiting nasambit ni Calyx kay Joss
“Great
idea!” pagsang-ayon nito at agad nang inistart ang makina ng sasakyan at maya
maya lang ay pinaandar na ito.
-o-o-o-o-
(Earlier)
“Matagal
pa ba yan? Gutom na ako ih!” sunod sunod na sabi ni Joss habang nakatayo ito sa
pinto ng kwarto ni Calyx kung saan natutulog ang baby kasabay ang pagsilip sa
bandang kusina kung saan nagluluto naman ang huli ng breakfast nila
“Luto
na po, sandali na lang ihahanda ko lang mahal na senyorito” ang sagot na lamang
nito
Maya
maya nga ay pareho na silang nasa hapag at kumakain ng agahan
“Wow,
may talent ka pala sa kusina, nakatikim din ng lutong bahay, namiss ko ito ih!”
ang sunod sunod na nasabi nin Joss habang nilalantakan ang inihanda nito sa
kanya
“Bakit
hindi ka ba marunong magluto, kahit prito man lang?” ang naitanong ni Calyx na
inilingan lang nito
“Puros
fast food ako pag andito pag nakakauwi lang ako sa atin tsaka lang ulit ako
nakakakain ng mga lutong bahay” pagsigundang pagsasabi nito ng totoo
“Lagi
naman ako nagluluto ih! Sige ganto nalang lagi ka na lang may kabahagi” ang
nakangiti nitong sabi kay joss
“Hindi
ko tatangihan yan, wala nang bawian hah!” ang parang batang reaksyon nito na
ikinatawa nalang nilang dalawa
“Nga
pala wala pa pangalang ang baby natin” ang biglang naisatinig ni Joss nang
makabawi ito sa munting kasiyahan nilang dalawa
“Talagang
inaako mo na ah!” ang pagbibiro naman ni Calyx dito na tinanguhan lang na
sinabayan pa ng pangiti ngiti pa ni Joss
“Ahm...
Lee na lang” ang unang suhesyon ni Calyx
“Baduy!
Parang tatak lang ng Damit” bara nito dito
“Angel
na lang, mukha kasi syang anghel” suggestion ulit ni Calyx
“Ano?
Hindi ka na nakaimik dyan, angel na lang nga” ang dagdag nito dahil sa
katahimikan nito halatang nag-iisip ito ng mabuti
“Ahm...
why not Andrie na lang..” maya maya ay naisatinig nito na dahilan para
magkatinginin sila at base palang doon ay parang alam na nila ang ibigsabihin
noon
“Andrie..”
pag-uulit ni Calyx sa ibinigay na pangalan nito na nilakipan pa ng pagngiti
dahil kahit sya ay nagandahan din sa pangalan na iyon
At
nagkasundo na nga sila na iyon na ang ipapangalan sa kanilang ampon na sanggol.
-o-o-o-o-
Halos
pagtinginan sina Joss at Calyx na karga karga si Andie habang namimili ang mga
ito ng stroller para sa huli.
“Miss
ito nalang blue yung kukunin namin” nakangiting sabi ni Joss matapos mamili sa
tatlong stroller na inilabas nang nag-aassist sa kanila
“Sir
baka gusto nyo pa ng mga baby’s item, may mga damit, toys po para sa baby nyo”
suhesyon ng sales lady sa kanila, hala ang pagpapacute nito kay Joss na hindi
nakaligtas kay Calyx
“ahm..
Miss pwede bang gamitin na yung stroller?” pagsingit ni Calyx
“Sir,
babayaran po muna ninyo nandoon po yung cashier” ang sagot dito ng sales lady
“Tara
bayaran muna natin” nakangiting wika ni Joss kay Calyx na tinunguhan lang nito
“Salamat
sir, balik kayo!” ang pahabol ng sales lady bago sila makaalis
“Nagpapacute
syo yung babae ah!” komento ni Calyx nang makalayo na sila
“Oh!”
ang parang wala lang kay Joss na sagot sa kanya
“Ano
ang sunod nating bibilhin? Nakakatuwa pala dito sa baby’s section, may nakita
akong damit kanina bagay yun kay baby andrie” ang excited na sabi ni Joss at
ikinagiti lalo ni Calyx dahil natutuwa sya sa nakikita niya kay Joss, ibang iba
na talaga ito.
-o-o-o-o-
Matapos nilang mabayaran
ang stroller ay agad agad nilang inilapag at inihiga si baby andrie doon. Sobrang
aliw na aliw ang dalawa sa pamimili ng gamit ni andrie, nariyan ang mga Baby Clothing (Cloth Diaper,
Boy Clothing,
Sleepwear and
Wearable Blankets)
“Malaki pa iyan
sa kanya” ang pagtutol ni Calyx sa mga gusto nitong damit para kay baby andrie
“Madali na naman
lalaki si baby andrie, masusuot na rin niya ang mga ito” ang depensa naman ni Joss
dahil alam niya babagay ang napili niyang damit sa bata
“At pag sinuot
niya yan kahit hindi na sya magkumot” humahagikgik na dagdag ni Joss
“Baliw” at
napatawa na lang si Calyx
Nariyan pa ang mga
Toys (Pillows and Soft Toys, Nightlights, Rattles,
Teethers & Pacifiers etc.)
“Hindi pa naman
malalaro yan ni baby andrie, ikaw lang ata maglalaro nyan idinadahilan mo lang
na kay baby andrie yan ih!” ang mga nasabi ni Calyx habang tinitingnan ang mga
pinagkukuha ni Joss na mga laruan
Hindi naman ito
pinansin ng huli at agad na minuwestra ang mga kinuhang laruan sa harap ng
gising na ngayon at dumedede na si baby Andrie
“Baby gusto mo ba
nito, eh! Ito, ito o nailaw, ito naman superman” ang ilan sa mga sinasabi ni
Joss habang ipinapakita ang kung ano anong laruan pinagkukuha niya at kung alin
ang hawakan ni baby andrie ay sya naman niya ilalagay sa basket namin
Binilihan din
nila Joss at Calyx ng bagong Bottle and Nipples (o tsupon ), nang pang Health and Safety na mga
gamit katulad ng Thermometers
and Gadgets, Head and Body
Supports, Shampoos,
Soaps, and Lotions at nang sa tingin ng dalawa ay okay na at nabili
na nila ang mga gamit na kailangan ni baby Andrie ay agad na nilang binayaran
ang mga ito
Napagkasunduan
nila rin na pagtungkol kay baby Andrie ay hati sila sa gastusin at si
Calyx na
ang pinaghawak ni Joss ng pera nila.
Dahil sa aliw na
aliw ang dalawa hindi nila napapansin ang nasa paligid na mataman na nakatingin
sa kilos nila merong mga nagtataas ng kilay sa kadahilang iba ang napupuna nila
sa dalawa kesa sa kung ano ang totoo, may palihim na natutuwa at kinikilig sa
kadahilanan naman iba din ang pananaw ng mga ito sa nakikita sa dalawa pero
walang pakialam ang dalawa dahil parang may sariling mundo ang dalawa kasama si
baby andrie sa mga oras na iyon
-o-o-o-o-
“Tara sa
supermarket” ang masaya paring si Joss na hindi man lang napagod sa pag-iikot
nilang iyon
“Tara na baby”
nakangiting pag-aya naman ni Calyx sa natutulog na ngayong si andrie
“Nagugutom ka ba?”
naitanong naman ni Joss habang naglalakad na sila papunta sanang supermarket
“Ikaw ba?” balik
tanong nito dito
“Grocery nalang
tayo tas magluto ka nalang ulit” nakangiting pagbibigay ng suhesyon ni Joss
“Sa bahay na lang
tayo kumain” dagdag sabi ni joss
“Sige, ikaw ang
bahala, ano ba gusto mo lutuin ko?” pagsang-ayon ni Calyx dito
“Calderetang
manok, yung medyo mahalang, favorite ko yon, miss ko na kumain non” nakangiting
pagsasabi ni Joss
“Sige bilisan
nalang natin, feeling ko bigla ka nagutom sa sinabi mo” natatawang nasabi ni
Calyx
Hindi naman sila
ganoong nagtagal sa supermarket, nagsabi kasi si Joss na sya na ang kukuha ng
mga kailangan nila habang si Calyx ang magsasabi ng mga ito, naiwan nalang ito
sa section kung saan nandoon ang mga ulam, manok, baboy, ang kung ano-ano pa.
Nang makompleto
na nila ang pinamili ay agad na din silang umalis ng lugar na iyon.
Itutuloy...............
thanks sa update fugiiiiii
TumugonBurahinnice galing nmn.....sana makacoonect agad sa prolouge
TumugonBurahinnice may update...still waiting for IAAP.:)
TumugonBurahinhaizt bitin aman maxado fugi eh.. . . he he he demanding, cute kc flow ng story mo. nice! nice! congratz fugi!
TumugonBurahin