by: FUGI
Authors
Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako
nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko
iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN,
nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking
malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba
iyon na rason? hehe)
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________
“Galing, marunong na sya” si
Calyx na sinamahan pa ng pagpalakpak
“Compliment ba yan o
pang-aasar?” ang nakangiting si Joss
“Actually..... both!” at hindi
na nga napigilan ni Calyx ang mapatawa na sinabayan na din ng huli
Kanina pa gusto tumawa ni Calyx
dahil sa nalaman na kaya pala ito dalas dalas na pinauuwi ni Joss ay dahil sa
hindi ito marunong magpalit ng diaper, pero nang mapansin niya ang
nag-aalangan, nahihiya at napapakamot na lang na si Joss ng sabihin nito ang
rason ng pagtawag nito sa kanya ay agad niyang pinigil ang sariling mapatawa at
agad na lang pinuntahan ang umiiyak na sanggol.
Kita ni Calyx si Joss sa kanyang
peripheral na mataman itong pinapanood ang ginagawa niya para siguro alam na
nito ang gagawin sa susunod at nang malinisan ang bata ay agad namang
iminuwestra nito kay Joss ang bata
“Ikaw na ang magpalit” ang
nakangiting sabi nito na agad naman nilapitan ng huli
“Paano ba ito?” si Joss na hawak
na ngayon ang diaper
“Ganito lang.....” si Calyx na
sinumulan ng i-coach ito
-o-o-o-o-
“Kaya mo na ba mag-isa?”
pagtatanong ni Calyx na masiguro na alam na ni Joss lahat na sinagot na man
nito ng marahang pagtango
“Babalik na ako.....”hindi
natapos na sasabihin nito
“Dito ka na maglunch! Malapit na
namang mag-12 eh!”para may kasabay din ako” pag butt-in ni Joss
Hindi naman agad nakasagot si
Calyx dahil napatitig ito sa mga mukha ni Joss at naalala niya ang itsura nila
kanina pagkagising niya, ang pagkalapit na halos na magdidikit na nilang mukha
konting ibo na lang.
“Please!” ang pakikiusap nito sa
pag-aakalang nag-aalangan si Calyx sa hindi agad pagsagot nito.
“Si..sige” kasabay ang pag-iwas
na ng tingin dito
“Sino ba makakatanggi sayo”
pabulong na sabi ni Calyx na hindi pala nakalagpas sa tenga nito?
“May sinasabi ka ba?” pagpuna ni
Joss sa pagbulong ng huli
“ah eh.. ano kakainin natin? Ang
mabilis na pagpapalusot na lang nito
“Pagkain?” nang-aasar na si Joss
na sinabayan pa ng hagikgik na ikinasimangot lang Calyx na lalo lang ikinatawa
nito
Masaya ang naging lunch ng
dalawa napuno ng asaran at tawanan sa mga nangyari sa araw na iyon sa kanilang
dalawa hanggang sa napabalik na ulit si Calyx dahil sa mga klase nito sa hapon
-o-o-o-o-
Naging smooth sailing ang mga
nangyari sa dalawa kasama ang anghel na kanilang inaruga sa paglipas ng mga
araw na sa hindi nila namalayan na mag-iisang buwan na sila sa ganoong set-up
May mga gusot man katulad nang
mga hindi nila nasusunod ang kalendaryo nila dahil sa mga biglaang lakad ay
nagagawan nila naman ito ng paraan, ng lusot at sa paglipas din ng mga araw na
iyon ay lalo lang napapalapit sa isat-isa ang dalawa, na mas nakikilala nila
ang bawat isa, ang kahinaan nila, ugali, ang kahit hilig at mga hindi gustong
bagay, mas lumalim na nga ang samahan nila.
”Labas tayo, ipapasyal natin si
tsikiting” ang bungad ni Joss pagkapasok sa unit ni Calyx
“Wala ka bang lakad ngayon” ang
nangungunot noo nitong nasabi sa pagkabigla habang hawak hawak ang naglalaway at
pumapalakpak na si baby Andrie
Sanay na kasi ito sa biglaang
lakad ni Joss at magti-text na lang ito na gagabihin ng uwi, pero hindi naman
ito nagpapabaya sa mga responsibilid nito.
“Wala ka bang naaalala sa date
ngayon?” ang tanong nito na agad nagpalingon naman sa kalendaryo at napaisip na
kung anong meron sa araw na iyon, ilang segundo din bago niya naalala kung
anong meron at napatingin siya kay Joss na nakangiting nakatingin sa kanya kasabay
ang pagtango na parang nababasa nito ang naiisip niya sa puntong iyon at ng
magawi naman ang tingin nya kay baby Andrie at papalak-palakpak ito na kala mo
ay natutuwa at nalaman na ni Calyx ang kung ano meron sa araw na iyon na lalo
ikinangiti ni Calyx at napayakap na lang ito sa bata
“Happy month old sa puder namin baby!”
kasabay noon ay ang pagyakap na din ni Joss sa dalawa
-o-o-o-o-
Ngingiti ngiti na may kasamang
paghanga si Calyx habang palihim na sinusulyapan ang mag-ama-amahang si Joss
habang nakasukbit dito ang carrier na pinang lalagyang ng cute na cute sa suot
nitong superman costume na si baby Andrie
Kung hindi nya lang siguro
kilala ang dalawa ay iisipin niyang mag-ama talaga ito dahil sa halos
nakakahawig na ito
“Mag-ama siguro sila!” ang
naisaisip na sabi ni Calyx at hindi na niya namalayan na nakatitig na siya sa
dalawa
“Natulo na” si Joss sabay lahad
ng towel ni baby Andrie sa gilid ng kanyang labi at sa ginawang niyang iyon ay
agad na nakabalik sa wisyo ito at nag-iwas ng tingi kasi nararamdam niya ang
pag-init ng pisngi nya, alam niyang pinamumulhan siya sa pagkakabisto sa
pagtitig nito kay Joss
“Muntikan na kami matunaw ah!”
maya maya’y pang-aasar nito kay Calyx na hindi naman nito pinansin na
ikinahagikgik lang ni Joss
“Sobrang nagagwapuhan ang papa
Calyx mo sa atin ih! Muntikan pang tumulo ang laway ano nga baby!” ang mahinang
bulong nito kay baby Andrie na sapat lang para marinig ni Calyx at magdulot ng
lalong pamumula ng pisngi nito
“Mag...mag—C—C-R lang ako” ang nag-stammer na saad ni Calyx at agad na
itong tumayo at hindi na inantay ang sasabihin nito pero narinig naman nito ang
hagikgik nito habang papalabas ng simbahan
-o-o-o-o-
May awkwardness naman na feeling
si Calyx dahil sa pagkakahuli sa kanya kanina na nakatitig kay Joss ay hindi
niya ito na ipinahalata at nagpanggap na wala na lang syang naririnig na
pang-aasar mula kay Joss
Ngayon nga ay nasa isa silang
malaking mall at naghihikap, naghahanap ng makakainan.
“Saan mo ba gustong kumain?” si
Joss habang nilalaro ang tumatawang si baby Andrie
“Ikaw, ikaw naman ang manlilibre”
pagpaparinig ni Calyx
Naging komportable na nga ang
dalawa sa isat-isa, pero magkaganoon man ay may pagkakataong naiilang pa din si
calyx sa presensya nito dahil sa ang lakas o mas tamang lumalakas ang dating
nito sa kanya pero pinipigilan nya ang sarili dahil baka ito ang ikasira nilang
dalawa
Nagpapasalamat na lang siya at
natanggap nito ang pagkatao niya at hindi ito naging hadlang sa lumalalim na
pagkakaibigan nila.
“Si baby Andrie lang ang lilibre
ko, hindi ka ba nainform na KKB” ang natatawang biro ni Joss na ikinangiti
naman nito
Nasa ganoon sialng kasayahan ng
bigla nakuha ang atensyon
“Anak!” ang boses na nagmumula
sa likuran nila
Itutuloy.......