by: FUGI
Pauna:
Nais ko po muna humingi ng sorry sa late update, salamat sa mga patuloy pa rin
nagkokomento at nagbabasa ng likha ko
Authors
Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako
nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko
iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN,
nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking
malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba
iyon na rason? hehe)
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________
Dahil
sa nakatungo si Calyx ay hindi niya nakita ang palihim na pagngiti-ngiti ni
Joss sa mga ginawa nito, ang pagharang ng una para pigilan syang makasakay sa
kotse nya at ang paghingi nito ng oras para makapag-usap sila.
“Kala
ko ba ay mas gusto mo yung ganito ang set-up natin, yung parang hindi tayo
magkakilala, hindi hindi na nga ako nangungulit na sya gusto mo nung nakaraan.”
ang sunod-sunod na nasabi ni Joss habang pinipilit na pigilin ang mapatawa sa
palabas na kanyang ginagawa at magiging seryoso para mas epektib ang kanyang
drama
Hindi
naman nakatugon si Calyx dahil tama ang mga paratang na ito nanatili lang
siyang tingin sa baba
“Dumidistansya
na ako, dahil ayaw kong ipagsiksikan ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin,
oo may mga nagawa akong mali pero paano ko mo makikita ang pagtatama ko sa mga
pagkakamali ko sayo at ang pagbabago ko kung hindi mo ako pagbibigyang pumasok
sa mundo mo, nakikipagkaibigan na nga ako calyx at wala akong iba pang
intensyon” ang pagpapatuloy nito
Hindi
malaman ni Joss kung saan nya mga nahugot ang mga salitang nasabi nya pero
palihim palihim pa din syang natutuwa dahil nakikita nyang may tama iyon kay
Calyx
“Sorry!”
ang mahinang pagtugon na lang ni Calyx at unti-unting inihahakbang na ang mga
paa para umalis na sa lugar na iyon dahil tumagos lahat ng sinabi nito sa kanya
Bagsak
balikat na naglakad na si Calyx pero agad din naman syang napahinto ng biglang may humablot sa kanyang
braso at hinila siya nito at dahil sa bilis ng mga pagyayari ay namalayan nya
na lang na nakasakay na siya sa passenger seat ng sasakyan ni Joss
-o-o-o-o-
Hindi
maalis alis ang ngiti sa mga labi ni Joss dahil bukod sa nagtagumpay ito ay
alam nyang ito na ang magiging simula ng magandang samahan sa pagitan nila ni
Calyx.
Hindi
naman nakaligtas sa mga mata ng huli ang mga ngiting iyon kaya naman sya na ang
bumasag sa katahimikang sumasakop sa kanila
“Best
Actor!” ang pasinghal na parinig ni Calyx dito
“Sorry!”
ang mahinang tugong naman nito na mahihimigan ng pagmamakaawa
“Mag-usap
naman tayo” si Joss
“Please!”
ang panggagaya ng huli kay Calyx kasabay ang hindi mapigilang paghagikgik nito
“You
moron! Arrrrrhhhgggg, ihinto mo na nga ito, bababa na ako” ang naiinis na
naitugan lang ni Calyx
“Na
ah!” kasabay ng paggalaw ng kanyang pointer finger na nagpapahiwatig ng hindi
pwede habang tatawa tawa pa siya na lalo lang ikinainis ni Calyx dahilan para
manahimik na lang siya
“Yan
ganyan nga, dapat magbehave ka na lang” dagdag pang-aasar pa nito
-o-o-o-o-
Hindi
namalayan ni Calyx na naidlip na pala sya, ugali na talaga niya iyon na
mapasandal lang ay mabilis siyang makatulog. Pero magkaganoon pa naman ay
naramdaman niyang may mga matang nakamasid sa kanya. Dahan dahan niyang
iminulat ang kanyang mata at ang nakangiting si Joss ang bumungad sa kanya
“Nandito
na tayo sleepy head” ngingiting nakakaloko ni Joss
“Nginingiti-ngiti
mo na naman” pagpuna nito
“Wala
naman, may falls pala sa bibig mo pag natutulog ka, buti hindi ka nalulunod”
ang natatawang sabi nito habang mabilis na lumalabas ng kotse niya
“Moron!”
singhal nito na agad din na-conscious dahil sa mga sinabi ni Joss sa kanya
“Yan
wala, wala na yung residue!” patuloy na pang-aasar nito pagkalabas nya ng kotse
nito
Pero
hindi na lang niya pinansin ito at agad na tiningnan ang paligid kung nasaan ba
siya dinala ni Joss
“Theme
Park ha!” ang nakangiti nang nasabi ni Calyx habang tinitingnan ang buong
paligid. Ngayon ay nasa isang sikat na theme park sila sa south.
“yan
ngumiti ka na din! Tara na enjoy na natin ang buong araw” ang yaya nito kasama
ang isang napakagandang ngiti
Bubuntot
buntot lang si Calyx kay Joss hanggang sa makapasok na sila hanggang sa pagpila
sa para sa ticket nila. Akmang magbabayad na ang huli nang biglang sumingit si
Calyx
“Miss
ito yung bayad” sabay harap kay Joss
“This
time its my treat!” nakangiting sabi nito sabay alis at lakad na paloob
-o-o-o-o-
Nagsisisi
na ngayon si Calyx nang sabihin niyang sya ang bahala sa lahat ng gastos nilang
dalawa ni Joss sa kadahilanang hindi ito nahihiya na kala mo ay sobrang close
na sila
“I-try
natin yun mukhang masarap yon” ang laging linya ni Joss sa kanya sa tuwing
matatapos sila sa mga rides at ibang mga atraksyon ng park na iyon at
makakakita ng ibat-ibang food cart o kainan sa paligid
“Sige
i-try na natin, nahihiya naman ako sayo” nakangiting huwad ni Calyx na
mahihimigan ng pasaring
“Tas
iyon din, siguro masarap din doon, dami bumibili” sa bay turo nito sa kalapit
na Food stand
“Mukha
na namang hindi, madami lang bumibili dahil doon lang yung malapit sa rides na
yon” ang mahinahong pagkontra nito para hindi mahalatang umaalma na sya kasabay
din ang malapit na rides sa tabi nito para gumana ang palusot nito
“Subukan
na din natin para malaman natin para kung hindi nga masarap di sasusunod alam na natin hindi na tayo bibili doon” ang
pagharap naman ni Joss dito na may pagkalaki laking ngiti
“Nakakapagsisi”
ang naibulong nalang ni Calyx
“May
sinasabi ka ba?” nakakagagong tanong lang nito
“Wala”
sabay pakawala nito ng hilaw na ngiti
-o-o-o-o-
Lumalalim
na ang gabi at halos nasakyan na rin naman nilang dalawa ang lahat ng pwedeng
sakyan at puntahan at lalot higit ay mukhang nabilhan din nila lahat ng mga
tindahan doon ng pagkain dahil sa pasadyang pagtuturo-turo at pagpapabili ni
Joss dito
“Joss,
ah eh paano kasi gumagabi na may pasok pa tayo bukas” ang medyo nag-aalangan na
pagpapaalala nito sapagkat kita nya ang labis na pag-eenjoy ni Joss at kahit
sya at ang dami nya rin nalaman sa pagkatao nito.
“Oo nga no!” sabay tingin nito sa relo
niya
“Pasensya na sobra lang ako nag-enjoy kaya
hindi ko na namalayan, tara na” ang dagdag nito
“Salamat!” ang nasambit ni Joss bahang
naglalakad sila palabas ni Calyx
Napangiti naman ang huli sa sinabi nito:)
“Dapat lang, grabe ka, ilang taon ka bang
hindi kumain at lahat nalang binilhan mo, yumaman sayo ang mga food stands ah!”
ang pambabara na tinawanan lang ng malakas ni Joss
-o-o-o-o-
Nang makarating na silang dalawa sa
sasakyan nila ay sya namang pag liwanag sa likuran nila at nang lingunin nila
ito ay labis na paghangan ang dahil sa magagandang fireworks sa kalangitan
“Ang ganda!” ang bulong ni Calyx
Napasandal na lang silang dalawa sa kotse
at pinanood ang fireworks display ng theme park na kanilang pinuntahan
Habang nagpuputukan ang mga iyon sa
himpapawid at nagbibigay ng magandang desenyo sa kalangitan ay ang paggagundong
ng malakas na payagak malapit sa kinatatayuan nina Calyx
Isang malakas na iyak na mas kumuha na ng
atenyon ng dalawa
Itutuloy..........
(abangan
ang mga susunod na kabanata dahil dito na magsisimula ang lahat, ang mga twists
ng storya at ang magpapalapit sa mga bida ng istorya. Salamat!)