by: Fugi
Pauna: eto po ang kadugsong ng Ikaw ang
aking Pangarap (parang lumalabas na ito ang Book II, o kung sa pelikula ito ang
sequel.. hehehe, pero ang totoo wala sa plano ito at tuloy-tuloy dapat ang IAAP
hanggang sa totoo nitong katapusan kaso sa pagdaan ng mga araw at sa dami ng
revisions na naganap ay humantong ako sa ganitong ideya para maiaba naman ang
flow.. hehe). Kung sa unang yugto ay medyo lamang ang pagiging isip bata ko,
dito ay pipilitin kong gawing mas mature base na rin sa edad ko.. hahaha (sana
magawa ko, pray for me!). At nais kong sabihin na kung sa unang libro ay 10%
lang ang katotohanan, dito... dito sa pangalang aklat na ito ay purely kathang
isip na (hahaha kala nyo maglelevel up ng mga ilang percent ang based on sa
aking buhay no?? hehe)
>after a year<
“.. ang
mahiwagang mensahe...” (ang medyo malakas na message alert tone ko, hahaha)
(kung
babalikan ang Book I, ay wala po ako cp doon dahil hindi ko naman hilig pero
dahil sa mapilit kong tatay-tatayan
SLASH super bestfriend SLASH ang aking super duper gwapo kong boyfriend na si
hubs (Ian), yes naman! Ayieee naman kayo.. hehe kailangan ko daw iyon para lagi
daw niya naririnig ang boses ko at para namomonitor nya rin daw ako, oh diba parang
Vital signs lang hahaha)
“Baby fugs
ko, hindi kita masusundo ngayon ha, may inaasikaso lang ako. Sorry po! I LOVE
YOU” ang laman ng text nya
“Inaasikaso?
Siguro para sa anniversary namin bukas” sa isip isip ko lang at sobrang ngiti
ang sumilay sa aking mga labi
Ang bilis
talaga ng panahon mag-iisang taon na pala kami bukas, parang kailan lang noong
pinangarap ko na sana, sana mahalin nya rin ako katulad nang nararamdaman ko sa
kanya at pinagbigyan naman ako sa hiling kong iyon. May mga hindi man
pagkakaintindihan o mga childish fight ay nagagawan naman namin ito ng paraan
mara maayos agad at mas lalo ko lang syang minamahal sa bawat pagkakataong
iyon, mas tumitibay ang pundasyon ng love namin sa isat isa:)
“Mas
mahalaga pa ba iyon sa akin? Ha?” ang kunyari-kunyarian kong reply kay Ian
Wala pang
limang segundo ng biglang nagring na ang telepono ko at nang tingnan ko ito ang
mokong ang tumawag na agad ko naman sinagot
“Hello” ang
kunyari ay walang kagana-gana kong bungad sa kanya
“Nagtatampo
ang baby fugs ko ah!” ang simula niya
“Tandaan mo
wala nang mas mahalaga sa buhay ko kung hindi ikaw, wag na po magtampo, I love
you!” ang dagdag niyang paglalambing
“Ano po iyon
d ko marinig?” ang magmamaang-maangan ko pero sa loob loob ko ay sobra akong kinikilig
sa mga sinabi niyang iyon at kung siguro kung nasaharap ko lang ito ay agad
niyang napuna ito dahil sa lawak ng mga ngiti at feeling ko at kumikuslap pa
ang aking mga mata sa sobrang kasiyahan
“I love you,
i love you, ilove you, I LOVE YOU!!!!!” ang pag-uulit niya na nagsimula sa
mahinang volume hanggang sa palakas ng palakas ang pagkakasabi niya
“I love you
hubs!” ang malambing ko nang tugon kay ian
“Paulit po choppy,
d ko narinig” ang natatawa nitong balik sa akin
“Gaya-gaya”
ang natatawa ko na ring sagot
“Behave ha! At hintayin kita sa school, ingat
po!” dagdag ko at pinutol ko na ang tawag
Hindi na
maalis ang napakagandang ngiti ko habang papasok na ako sa campus, at dahil
doon hindi ko na napuna ang nasa paligod ko dahil ang kasweetan ni Ian ang
tumatakbo sa utak ko (kasi kasi ka-su-weyt ih! Hehehe)
“May bukas
pa ha!, magtira ka, bago bukas wala ka nang maingiti” ang narinig ko na lang
mula sa gilid ko
Nang tingnan
ko si janine ang isa sa pinakamalapit ko, namin ni ian na kaibigan na isa sa
mga nakakaalam ng relasyon namin. Paano may pagkadetektib pala ang isang ito at
simula palang pa ay naoobserbahan na nito ang kakaibang saya ko kapag nasa tabi
ko si Ian at kung gaano ako nag-aalala kapag wala ito at yung mga tinginan daw
namin at kung anu-ano pang proof ang pinagsasabi niya na ikinamula lang naming
dalawa ng ilahad nya sa amin ang mga iyon.
“Sabi ko na
ih!” ang huling komento ni janine sa pagtatapos naming magkwento ni Ian sa
kanya ng relasyon namin
“Pero hindi
mo man lang pinahirapan ha! Easy to get ka tuloy” ang natatawang biro nito na
ikinahagikgik naman ng mokong na si Ian
Agad kong
inambangan ng mahinang tampal si Ian dahil sa paghagikgik nito na naging tawa
ng malakas dahil sa ginawa ko
“Paano
kasi.. ano..“ ang walang mahinuha kong naisagot sa komentong iyon ni Janine
“Wag ka
namang magpaliwanag dahil alam ko na ang sagot” ang nakangiting pagtatapos ni
Janine
“Salamat sa
supporta Janine ha!” ang nasabi na lang ni Ian
“Basta wag
mo sasaktan si fugi, kung hindi ako ang susugod sayo at bubugbugin kita” ang
natatawang pagbabanta ni Janine na nagpatouch sa akin kaya nayakap ko nalang
ito.
“Salamat!”
bulong ko dito
“Hindi ako
mangangako pero gagawin ko ang lahat para maiwasan iyon” sinserong saad ni Ian
“Good answer
huh!” natatawang banat ni Janine kay Ian na ikinatawa naman naming lahat
Nangiti na
naman ako nang maalala ang tagpong iyon. Ang swerte namin kay Janine.
“Hala baliw
na, Ca-lling Mr- Fu-gi, please back on earth” ang natatawang pagkuha ng
atensyon ko ni Janine na agad nagpabalik sa aking wisyo
“Sorry may
naalala lang” ang nangingit ko pa ring balik dito
“Kasi naman,
buti hindi kayo napapagod ano?”
“Ha?” ang
nalilito kong sagot
“Paano peras
kayo tumatakbo sa isip ng isat isa” ang biro nito
“Malakas
kasi ang stamina namin” ang pagsakay ko naman sa biro nito
“Oo nga
naman, inaraw-araw nyo ba naman paghindi lumakas ang stamina ninyo” ang
nakakalokong ngiti ni Janine
“Adik!” ang
natatawa ko na lang balik dito
“Tara na
nga, pumasok na tayo ba kung saan pa mapunta ang usapan natin” ang dagdag ko at
nagpatuloy na kaming maglakad papunta sa unang kasi namin
“Asan ka na
ba? Bakit hindi ka pumasok?” ang text ko kay Ian
“Kasi kasi
naman magtitext lang, hindi man lang nagpasabi alam na may nag-aalala sa kanya”
ang nakasibangot ko namang nasabi sa sarili ko
Kanina lang
hindi matawaran ang ngiti ko tas ngayon naman hindi mailarawan ang itsura ko.
“Kasi naman sinagad
ang pagkakangiti kanina” ang komento ni Janine habang nasa cafeteria kami
sasagot pa sana ako ng bigla
“Kain na
tayo” ang masayang nasabi ni anthony sabay lapag ng tray na naglalaman ng
pagkaing inorder niya
Pagkaupong
pagkaupo nito ay nagulat na lang ako nang biglang hablutin ni anthony ang
cellphone ko
“Tatawag
iyong ulupong naiyon, hindi ka noon matitiis, siguro may inaasikaso lang, kain
na muna tayo ok!” nakangiting sabi ni anthony sa akin
Tumango na
lang ako bilang pagpayag dito
Nakakatuwa
dahil ang bestfriend kong ito ay lagi lang nasa tabi ko at kahit nasaktan ko
sya dahil sa pagpili ko kay Ian ay hindi nagbago ang samahan namin kung may
changes man may lumalim ang pagkakaibigan namin at sobrang protektib nito sa
akin lalo na pag wala si Ian
.....bbbbbllllagggggggg.......
Ang tunog ng
suntok ni anthony kay ian dahil sa lakas nito na nagdulot ng putok ng labi ni
Ian
“Tandaan mo,
mas malakas ma dyan ang gagawin ko sayo sa oras na lokohin at paiyakin mo si
Fugi at aagawin ko sya sayo pagnangyari iyon” ang seryosong sabi ni Anthony kay
Fugi
“Makakaasa
ka pare” ang seryoso ding balik ni Ian habang nakasalampak sa sahig dahil sa
pagkakasuntok nito sa kanya
Inalalayan
ko namang makatayo si ian at pag katapos ay agad kong inambangan ng mahinang
suntok sa dibdib si Anthony na ikinahagikgik lang ni Ian at anthony
“Aray!” ang
sigaw ni Anthony habng tumatawa na ng malakas
“Ang swerte
mo pare ho! Ipinagtatangol ka pa” nakangiting nang sabi ni Anthony kay ian pero
alam ko na nasasaktan sya kay niyakap ko na lang ito
“Salamat at
sorry!” ang bulong ko dito
“Mahal kita
kaya gusto ko maging masaya ka” ang balik nito
Napaluha naman
ako sa sinabi nito at hinigpitan ko lang lalo ang yakap dito
“Ehem!” ang
pagpapapansin naman ni ian
“Nagseselos
na ako ha!” ang parang batang sabi ni ian
“Pare,
ngayon lang, pagbigyan mo na ako” balik ni Anthony habang lalong humihigpit ang
yakap nito sa akin
Maya maya ng
kumalas na kami sa yakapang iyon
“Pare last
na wag ka magagalit ha” ang nasbi ni anthony at nagulat na lang ako sa ginawa nito
Bigla akong
kinabig ni anthony at dahil sa bilis ng mga pangyayari ay nalaman ko na lang na
magkalapat na ang labi namin. Mabilis man iyon naramdaman ko ang labis labis na
pagmamahal ni anthony sa akin
Simula noon
ay naging parang magkapatid ang turingan nilang dalawa pero minsan ay natatawa
na lang ako sa paging isip bata ni ian dahil hindi niya maiwasang oagselosan si
anthony hehe
“Ako na
maghahatid sayo ok” si Anthony habang palabas na kami
Hindi na
lang ako umimik. Paano hindi man lang nagparamdam ang mokong ni text o tawag
magkahalong inis at pag-aalala ang aking nararamdaman.
“Wag ka na
mag alala malay mo naman busy lang iyon sa pangsusurprise sayo di ba
anniversary nyo na bukas” ang biro ni Janine
“OO nga
naman” pagsang-ayon ni anthony
“Pasurprise
surprise, hindi na nakakatuwa pwede naman niya ako itext, o tumawag para hindi
ako nag-aalala” ang na busangot kong sabi
“Tara na nga
at nag-aalburoto na ang bulkan” ang natatawang sabi ni Janine
Nagpaalamanan
na kami at sumabay na ako kay Anthony. Tahimik lang ako habang nasa byahe
hanggang sa bigla na lang nagring ang telepono ko at nang tingnan ko ay si ian
ito at nang dahil sa inis ay hinayaan ko na ito
“Si Ian ba
iyon?”
“OO” ang
walang gana kong sagot kay anthony
“O yan
tumatawag na sayo ang ulupong bat ayaw mo naman sagutin?”
“Yan mo na
yang ulupong na iyan” ang nasabi ko na lang na nagpahagikgik kay anthony
“Gusto mo ba
itanan na kita, parang ayaw mo kay ulupong ah!” ang natatawa nang banat nito
“Adik, kahit
na ulupong iyon mahal ko pa rin iyon” natatawa ko nang sagot
“Yun naman
pala sagutin mo na” sulsol ni anthony
At agad ko
na nang sinagot ang tawag ni Ian
“Hello”
simula ko
“Sorry baby
fugs ko kung hindi ako nakakatext o nakakatawag, nandito po ako sa campus, asan
ka po?”
Sasagot na
sana ako nung bigla na lang nagulat ako sa biglaang pagpreno ni Anthony at ng
silipin ko kung ano ang nangyari ay na kita ko na may humarang na itim na kotse
sa amin at may lumabas na mga nakaitim na mga lalaki at palapit sa amin
“Baby fugs
ko nandyan ka pa ba?” ang narinig ko sa kabilang linya
Natulala ako
sa mga sumunod na nangyari dahil bigla lumabas si Anthony ay bigla syang
pinagtulunga ng mga lalaking iyon
“Ian!” ang
natatakot ko na lang nasabi
“Baby fugs! Anong
nagyayari sayo?” ang nag-aalala na niyang nasabi
Hanggang sa
nabuksan na ang pinto sa side ko at bigla na lang niyang tinakpan ang bibig at
ilong ko at may na ako na kakaiba na nagpahilo ay maya maya lang nawala na ang
malay ko
Itutuloy.....
kawawa nman c fuji...panibagong...pagsubok para kina ian at fuji......./...........fuji hwag mong tagalan ung posting ng one great love mo ha......inaabangan ko lagi yan...khit minsan lang magcoments d2..........tnx 4 sharing your story.....
TumugonBurahinuna pa lang nakakloka na ! ehehe new journey na nila sa wkas :)
TumugonBurahinI think it was a surprise for fugi for their anniversary...just a guess..
TumugonBurahinpara sakin tulad din ni sam1308 it is a part of surprise ni ian kay fug's sana totoo un keln ung next part po slmt po
TumugonBurahin