by: FUGI
Pauna:
Nais ko po muna humingi ng sorry sa late update, salamat sa mga patuloy pa rin
nagkokomento at nagbabasa ng likha ko
Authors
Notes: Nais ko muna humingi ng paumanhin sa kadahilanang hindi ako
nakapag-update agad para sa IKALAWANG LIBRO ng IAAP, promise mo tatapusin ko
iyon, kaso bago ko ulit buksan ang bagong pahina sa buhay nina FUGI at IAN,
nais ko munang ihandong ang isang napakagandang LABSTORI na nilikha ng aking
malikot na imahinasyon (napakaganda kasi, kasi naisip ko sya??? pwede na ba
iyon na rason? hehe)
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
Disclaimers: The story is purely fiction, the ideas suddenly invaded my mind while I am alone sitting on a bus going to manila (hahaha, loner lang ang peg!).
_______________________________________________________________________________
Nagyon
ay muling bumabyahe na si na Joss at Calyx at kung saan man sya dalahin ng una
ay wala na siyang pakialam dahil hindi na nya alam kung ano ang kung anong
kakaibang pakiramdam na lumilipol ngayon sa buong pagkatao nya. Hindi nya ito
maiwaksi waksi sa kanya isipan lalo’t higit na maliit na muscle sa bandang
dibdib niya.
-o-o-o-o-
Hindi
naman maintindihan ni Joss ang nangyayaring muli sa pagitan nila ni Calyx akala
niya kanina ay nagiba na niya ang wall sa pagitan nila kani-kanina lang dahil
nakakausap na niya ang huli ng maayos at nakikita niya na sensero ang mga ngiti
na ibinibigay nito sa kanya tanda na hindi na ito iwas o ilag sa kanya dahil sa
mga nagawa niya dito nung nito lang at maging nung mga bata pa sila, ang
pag-iwan niya dito dahil lang sa isang mababaw na dahilan kung tutuusin, pero
dahil sa mga nangyari sa buhay ni Joss kaya naging big deal iyon sa kanya na
ngayon ay bumabawi si sapagkat nakita na niya ang kamalian niya.
Isang
mas malaking pader ang sa pakiramdam niya ang nabuo na naman sa pagitan nila ni
Calyx na bumalik na naman sa pagiging tahimik at hindi na naman siya nito
pinapansin kaya nang hindi na ito nakatiis ay bigla bigla na lang niyang
inapakan ang preno dahilan para biglaang huminto ang kotseng minamaheno niya na
nagsanhi ng mild impact kaya medyo napaabante si Calyx paharap, na nagpagising
sa malalim na pag-iisip ni Calyx.
“Ano
na naman ang nagawa ko?” ang mahinahon pero mahihimigan ng pagkalito sa boses
ni Joss na naging dahilan para mapaharap si Calyx dito pero ang una ay nakayuko
at nakatingin lang sa manubela
“ah...
eh.. pwede bang iuwi mo na” ang wala sa sariling nasabi ni Calyx
“Ayaw
mo talaga akong kasama ano?” mahina lang iyon pero halos pasigaw na iyon nang
rumehistro sa dalawang tenga ni Calyx
Agad
na iniliko na pabalik ni Joss ang kotse nya at mabilis na itong pinaandar.
-o-o-o-o-
“Nandito
na tayo” walang ka-emo-emosyong nasabi ni Joss matapos sobrang katahimikan sa
pagitan nilang dalawa at ng maitapat ang kotso sa harap ng building kung saan
sila naninirahan
“Sa...salamat!”
ang nauutal na nasabi na lang ni Calyx sabay dahan dahang lumabas ng kotse ni
Joss
Pagkasarado
nya ng pinto at agad pinaharorot ni Joss ang sasakya niya at naiwan si Calyx na
nakatulala habang pinapanood ang pagkawala ng kotse nito dahil sa napakabilis
ng pagpapaandar ng huli.
-o-o-o-o-
Parang
tangang nagpagulong gulong si Calyx sa kama niya habang nasa isipan niya anang
mga huling sinabi nito... “Ayaw mo talaga akong kasama ano?” pati ang itsura
nito.
“Ahhhhhhrggggg!”
ang sigaw ni Calyx habang nakadiin ang unan sa kanyang mukha
Labis
siyang nakokonsensya sa kanyang ginawa, na dahil doon pinatotohanan lang niyon
na parang ayaw nya nga makasama si Joss na kabaligtaran naman sa totoo niyang
naramdaman kanina simula ng nagtatawanan na sila, nagbibiruan at nakakapag-usap
nang mahinahon na ginusto nyang mangyari. Kakaibang saya ang dolut noon pero
may hindi maipaliwanag na damdamin na syang parang humadlang kaya nauwi sa
ganoon ang nangyari kanina.
“Ano
ba kasi ito?” ang naitanong ni Calyx sa kanyang sarili habang ang kanang kamay
niya ay nasa dibdib kung saan naroroon ang kakaibang ritmo na pagtibok ng
kanyang puso
Hanggang
sa nakatulugan na niya ang ganoong posisyon
-o-o-o-o-
Wala
pa rin sa sarili si Calyx na ngayon ay nakahandanang umalis para pumasok na at
sa isang bahagi ng isip nya may isang munting hiling na...Sana, sana makasabay
nya itong muli, na sana irewind ung kahapon at hindi na sya magdadalawang isip
na sumama dito
Pero
hindi pinahintulutan ng pagkakataon ang gusto nya, na kahit anong bagal niyang
nilakad ang daan papuntang elevator ay ni hindi niya narinig bumukas ang pinto
ng unit nito.
Ilang
beses nya ring pinindot ang “<l>”button pag magsasara ang elevator na
sinasakyan nya pero wala pa ring lumalabas mula sa unit nito kaya wala na syang
nagawa kung hindi ang pumasok na.
-o-o-o-o-
Hindi
man lang nagtagpo ang landas nila kahit sa school kung saan parehas sila
nag-aaral, halos mabali na ang ulo ni Calyx kalilingon para hanapin si Joss
pero wala hanggang sa makauwi na siya.
Labis
labis na pang hihinayang ang kanyang naramdaman. Kaya bagsak balikat syang
umuwi sa condo niya.
:(
-o-o-o-o-
Lumipas
ang tatlong araw at wala ni anino ni Joss ang nakita ni Calyx sa school at
kahit sa building kung saan sila nakatira at kahit magkatabi pa ang unit nila
hindi man lang nagkasalubong ang landas nila.
Gustong
gusto nang kantukin ni Calyx ang pinto ni Joss pagnapapadaan siya sa tapat ng
unit nito pero wala syang lakas ng loob o mas lamang yung nahihiya siya dahil
sa inasal nya nung magkasama sila.
-o-o-o-o-
Isang
umaga habang sakay si Calyx sa elavator at nang pasara na ito at nahagip ng
paningin nga ang ninais niyang makita sa nakalipas na araw, na naglalakad
patungo sa kanya kay agad niyang iniharang ang kamay nya para hadlangan ang
pagsara ng elevator at nagtagumpay naman sya. Hindi niya naramdam ang sakit na
naidulot nito dahil labis na kasiyahan ang humari sa kanya, at nang magbukas
ito ay sya naman palapit na palapit na sa kanya na si Joss.
Kinakabahanna
nilalamig ang pakiramdam niya sa nakikita pero laking pagkadismaya niya nang
akala niya ay sasakay ang huli sa elevator na sinasakyan niya pero lumiko ito
at kitang kita sa mukha nito ang walang pakialam na itsura.
Tinumbok
ni Joss ang o tamg sabihin na mas pinili nito na gamitin ang fire exit, ang
paghagdan na lang kesa ang makasama siya, ang nasa isip ni Calyx
Natulala
man ay nakabuo nang plano si Calyx na hindi na niya palalampasin ang
pagkakataon na maayos na ang gusot sa kanila ni Joss kaya agad na niya pinindot
ang close button ng elevator kasabay ng pagsasara nito at ang pindot naman ng
underground floor kung saan nakaparada ang kotse nito at ang sigurado siyang
pupuntahan nito.
-o-o-o-o-
“Mag-usap
tayo” ang bungad agad ni Calyx ng makalapit na si Joss sa kotse nito kung saan
siya nag-antay
Pero
imbes na sagutin ito ay agad nang naglakad ang huli sa bahaging driver seat ng
kotse nya na maagap namang naharangan ni Calyx
“Please!”
Itutuloy..........
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento