ROL-COL: (salamat sa inyo!)
@ coffee prince (kamusta na?/ na miss ko itong pagsagot sa mga comment ninyo! pero nababasa ko naman mga komento nyo lalong lalo na yung sayo.. galaing mo kasi sa larangan n iyon.. hindi ka pa ba gumagawang o sumulat ng kwento?? ang galing mo kasi pati yung humor mo,, promisees!)
@ Jiru (kung may scale na 1-10 sang level ang kilig mo, kelangan ko kasi yan isulat sa gagawin kong DAR.. hehhehehe)
@ sa mga lihim na sumusubay.. TY po..
hehe
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po
ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang
naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa
based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na
author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA
TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman
ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento
Kaaalis lang
namin ni ian ng bahay at nasa daan na nga kami nang wala akong kaide-ideya kung
saan ako dadalhin ng mokong na ito, pero ang isa pa sa mga inaalala ko ay ay ay
kanina pa pagpasok ko matapos kong ihatid si anthony ay sya namang pagbabago ng
aura nito, may iba talaga at base sa pagiging tahimik nito ay may something
talaga pero naiilang ako magtanong, kaya naman ay nakakabinging katahimikan ang
pumailanglang
++++++++++++
-------> IAN the
pugi (hehe)
Nang parang natatagalan na nang paghatid na iyon ni fugi
kay anthony, samantalang dyan lamang iyon sa labas ay gumawa ako ng paraan para
matingnan ang kaganapan sa labas, at nang makakuha ako ng tiyempo ay agad ko
tinungo ang pintuan at saktong sa aktong yakapan nila anthony at fugi ang
rumehistro sa aking paningin
Hindi ko matagalan ang ganoong itsura niya kaya agad din
akong bumalik sa loob ng bahay nila
Pikon, inis, galit pero, may iba pang lamang na
pakiramdam akong nararamdaman at yun ay....... selos?? Yan ang pumapaibabaw sa
akin
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko basta ang alam ko
kailangan may gawin na ako
“........ and this time, I know what it is” nasabi ko na
lang sa sarili ko pero may bahid pa ding pag-aagam-agam at pagkalito
Nasa akto akong pag-iisip ng mga bagay bagay ng mga
gagawin ko ng biglang pumasok na sa loob ng bahay nila si fugi, may konting
inis man hindi para sa kanya kundi dahil sa naalala ko ang pigura nila kanina
sa labas ay nanatili muna akong tahimik
Agad na nga akong humarap kay na tita para ipagpaalam ang
aming pag-alis ni fugi at nakangiti naman itong pumayag at nagpaalam na din sa
amin at nagpaalaala na mag-iingat daw kami, nagpaalam na din ako kay john at
syempre kay angel pagkatapos ay hinayaan ko na lang na magpaalam si fugi sa
kanina
Agad na din kaming lumabas at sumakay ng kotse ko,
katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa, nagpapakiramdaman, pero mas
pabor sa akin ang ganito para mas makapag-isip ako ng mga gagawin ko
Alam ko wala pang ideya si fugi sa kung saan kami pupunta
kahit ako ay hindi ko alam kong saan ko sya dadalhin sa mga ooras na iyon,
basta ang alam ko lang gusto ko kasama ko sya at ako lang ang kasama nya, wala
nang iba
Mabilis namin narating ang batangas city sa kadahilanang
wala na masyadong sasakyan sa daan dahil medyo malalim na ang gabi, dinaretso ko
papuntang basilica sabay liko sa may St. Bridge College then ikot sa may Cuta,
nadaanan din namin ang Batangas State University, drive lang ako ng drive nang
sa hindi na siguro makatiis si fugi at na pansin na pabalik na naman kami sa
daan papunta sa kanila
Fugi: saan ba talaga tayo pupunta? Magpapauli-uli? (ang
parang batang sumabog dahil sa katagalan niyang natahimik, hindi ko ito sinagot
at nanatili sa pagmamaneho), Ian!
(pagtawag nito sa akin, pero hindi ko lang
ito sinagot dahilan para lalo itong mainis), itigil mo na nga, baba na ako (ang
medyo may pagkainis na nitong turan)
Pero imbis na sundin sya ay ay mas lalo ko pang binilisan
ang pagmamaneho na sa puntong iyon ay ay alam kong ikinatakot nito
Fugi: ian!, ano ba? (ang halos pasigaw na nito), ihinto
mo (may halong pag-aalala na nito na nagka-crack na ang boses na parang naiiyak
na ito)
Agad naman napukaw ang atensyon ko at dahan dahan ko kang
inihinto ang sasakyan ko
Fugi: an..ano ba ka..kasing problema mo? (may pag-aalala
at nagbabadyang emosyon na pinipigilang kumawala sa pagtatanong niyang iyon)
Ako: ikaw (pabalong kong naisagot)
Fugi: a..ako ang prob....
Hindi na nito natapos ang sasabihin nya dahil agad kong inalis ang seat belt ko at
kinabig ko ng kamay ko ang batok niya para maiharap ang mukha niya sa akin
sabay lapat ng mga labi ko sa labi niya at........... at BOOM bumilis ng mas
mabilis ang tibok ng aking puso pero kahit ganoon, ito yung mga hindi
pangkaraniwang nangyayari sa aking katawan na, na sobrang sarap sa pakiramdam,
na sobrang gaan
+++++++++++++++++
-------> ako na si FUGI na,,,
na kinikiling (kainis...hehe)
Nabigla na lang natigil ang nagbabadyang emosyon ko sa
pagsasabihin ni ian na ako ang probrema ng.... ng... bigla nya akong hinawakan
sa aking batok at iharap sa kanya at bigla biglang ha...ha..halikan
Kakaiba ang naramdaman ko sa paglalapat ng mga labi namin
na, na parang huminto ang oras, tumigil ang paggalaw ng mundo, ultimo ako ay
napatigil at at at tanging ang paghalik nya lang ang pinayagang gumalaw
(Ganoon
pala talaga pag yon totoong mahal mo yung gumawa ng isang bagay na na na kahit
ordinaryo na sa iba ay nagiging SUPER DUPER EXTRA SPECIAL, EXTRAORDINARY BA! At
dito ko na-realize na hindi OA yung mga sinasabi nila, na imbento lang yung
sinasabing slow motion thing at may parang musikang tumutugtug at kung ano ano
pa pag kasama mo ang tunay mong mahal, parang nagkakaroon kasi ng dimensyon
para sa kanila lang dalawa na kung saan perfect ang lahat, na may mga ganoong
effect, kaya kung nababaduyan, nako-corny-han, naiinis pagnakakarinig ng mga
kwentong ganoon ay ay isa lang ang masasabi ko, hindi ka pa nagmamahal talaga,
maaring sabihin mo na nagmahal ka, pero baka superficial love lang yon, na may
iba ka lang habol...........just a thought lang naman mga pipzzz, ok balik na
tayo sa kwento.. kinikilig ako.. hehe)
Dahil sa hindi ko paggalaw ay si ian na ang nagmaniobra
sa akin at nagpaubaya na lang ako, dahan-dahan, banayad at at may pag-iingat
ang ginawa niyang paghalik, sobrang sarap sa pakiramdam
Nasa ganoon kaming posisyon ng bigla na lang umalpas ang
mga butil ng tubig sa aking mga mata, luha ng walang ibang gustong ipabatid
kung hindi kaligayahan:]
At nang maramdam ni ian ang mga luha kong iyon ay huminto
ito sa paghalik, inilayo ang labi niya sa labi ko at inilagay ang dalawa niyang
kamay sa aking pisngi at pinahiran ng mga hilalaki niyang daliri ang aking luha
at........
Ako: so..sorry (ang pabulong nitong nasabi)
Imbis na tugunan pa ito ay agad kong iniakap ang mga
bisig ko sa batok niya dahilan para maglapat ulit ang aming mga labi, at sa
puntong iyon kahit hindi pa ako maalam humalik (kasi kasi..... ala nakakahiya
naman, kasi, atin atin lang ha mga pipz, first time ko kasi, syempre bukod
naman yung sa pamilya, na pang slum book.. hehehe, yung mga first
kiss--->mother.. hehe,,, get nyo naman di ba? Ayiiieeee naman dyan,, hehe),
ay pinilit ko buti na lang at ginagabayan ako ni ian at sobrang gentle nya,
kaya naman............ ayieeeeee kinikilig ako.. hehehe
Ilang minuto din ang itinagal ng halikan na iyon nang
biglang umimik si ian sa pagitan ng halikan naming iyon
Ian: ako ba first kiss mo? (napamulat na lang ako at
napansin kong nakangiti ito nang akmang iimik ako ay.. ay sabay dikit ulit nito
ng labi niya sa labi ko dahilan para hindi agad ako makasagot at kasabay noon
ay nadala na naman niya ano sa dimensyong ginawa niya at ng halik niya), ako
nga, silence means yes (dagdag nito sabay halik uli sa akin nito)
Agad ko na man itong tinampal sa braso nito dahilan para
mapatawa ito pero hindi niya parin inaalis ang pagkakalapat ng mga labi nya sa
akin (grabe kinikilig ako....... hehehe)
Kahit gusto kong hindi na matapos ang halikang iyon ay
pinilit ko ang aking sariling gumawa ng moves (like jagger, hehe joke), hindi
dahil sa ayaw ko ay kasi kasi kailangan? Hehe
Agad kong inalis ang pagkakaakap ko sa batok niya at
inilagay ang mga kamay ko sa balikat niya para papigilan na ang nakakabaliw na
nalikang iyon, sobra na akong nanghihina ih! Tinapik ko ang balikat nito at..
Ako: i..iannnn! (ang bahagya ko nang pagtawag sa kanya na
ikinatigil naman niya sa paghalik at paglayo ng mga labi niya at mukha niya sa
akin)
Ian: so.........sorry hin..hindi ko mapigilan (nakangiti
ito sa akin), ang lambot kasi, ang ang sarap pa (dagdag nito na ikinainit ng
pisngi ko alam akong namula ako sa puntong iyon kaya naman hinampas ko na lang
ito sa balikat niya na hindi naman niya ininda, bagkus ay......), napupula ka
oh! (sabay turo nito sa pisngi ko)
Ako: ian! (ang kunya ay galit galitan ko sabay gaya ng tingin ko paiwas sa kanya at
pag dako ng tingin sa bintana para makaiwas)
Ian: ang cute mo talaga (humahagikhik ito)
Agad nitong inistart ang sasakyan pagkatapos ay pinaandar
na ito, bigla rin naman akong napaharap sa kanya
Ako: sa...saan na tayo pu...punta? (nag-aalangan kong
tanong)
Ian: uuwi na tayo sa bahay ko (na may nakakaloko itong
ngiti)
Ako: adik ka! Pababain mo ako dito, uuwi na ako (parang
tanga ko lang na pagmamaktol na tinawan nya lang)
Ian: wala ka nang magagawa, sa bahay ka matutulog at naipagpaalam
na kita kay tita (natatawa pa rin ito at hindi na nga ako nakaimik pa)
Kabado..... kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan
na dahil doon ay ay hindi namalayan kung asaan na kami, nagising na lang ako ng
huminto ang sasakyan at at nasa tapat na kami ng bahay nila............ HELP
(hehehe)
Itutuloy.............
OMG! C IAN NA! WEW SABHIN MO KAY IAN KUNIN NYA DIN FIRST KISS KO..HAHAHA
TumugonBurahinlagot ka!!!
fugi!
deds ka mukang makukuha ni ian lahat ng first mo! :)
BTW anun ung nuhuili ka? ndi ko nagets comment mo s akin hehe
nagets ko na ung huli ka boy! hahahaha ui.. gusto ko makipagclose sa iyo! :)
TumugonBurahinuna, 8 out of 10 yung kilig ko, yung 10/10 kasi na kilig e yung scen ni mew at tong sa the love of siam, yung, kinantahan ni mew si tong nung house party ni june (tang?), if di mo pa napapnuod, panuorin mo! ^^
TumugonBurahinsecond, ayaw ko ng bed scene sa series na ito. haha, pinangunahan e, i love it this way, innocently sweet. ganun.
ayun lang, if need mo ng clear copy ng tlos, meron ako, problem lang paano ko ibibigay. haha
PUCHA!
TumugonBurahinhaha .. grabe kilig dito kuya Fugi .. woooooooooohhh!
tama c kuya Yume .. nakafirst kiss na sayo si kuya Ian .. tapos .. tapos ..
makakaFIRST BASE pa ata .. hahaha! kuha mo? ;) (uy .. namula siya .. XD)
comment >>
salamat .. touched naman ako dun .. chos .. ;) matagal-tagal na rin kasi akong nagbabasa ng mga ganitong stories .. kaya ayun .. pati sense of humor ng mga authors nakuha ko .. (lakas ng shakra ko ee .. haha .. YES naipasok ko to!)
boses: hoy .. bat mo ginagaya si kuya Fugi?
ako: ikaw nga ginagaya mo si kuya Vince ee .. (sa kanya ko po natutunan etong 'boses boses'
boses: baliw! ikaw nagtatype dyan ee .. ako pa sinisi mo ..
ako: Kdot
CORNY LANG .. ahahah!
Thanks kuya Fugi ~
nainggit naman ako sa lovelife mo ..
LOVELIFE? ano nga ba yun? bitter?
sana ako rin .. :)
kinikilig ako! na aniinggit! wew!!!!!
TumugonBurahinkakainis ka fugi! iyo na lahat!