@ sa lahat ng palihim na
sumusubaybay maraming TY po:]
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po
ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang
naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa
based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na
author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA
TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman
ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento
Halos si anthony na ang nagdadala
sa akin sa paglalakad naming iyon patungo sa parking lot kung saan niya
pinarada ang kotse nya, at dahil iyon sa pagkakaakbay niya
Ako: ah.. eh anthony, ang.. ang
bi.. bigay (naiilang kong naisatinig sabay nguso sa nakaakbay niyang kamay)
“Masasanay ka rin” pabulong na
nitong nasabi kaya hindi ko masyado naintindihan
Ako: ano iyon? (sabay tingin sa
kanya)
Anthony: ang bagal mo kasi (sabay
lalo niyang pagdiin niya sa akin mapunta sa kanya na naging dahilan para lalong
magdikit kami sa isat-isan), tara na bilisan natin (nakangiti nitong dagdag)
At nang makalapit na kami sa
sasakyan niya ay agad akong tumigil na ikinatigil din naman niya
Anthony: o bakit? (nagtataka
nitong naibulalas)
Ako: sige na bukasan muna
(nakangiti kong sabi dito)
Anthony: dinadaan-daan mo ako sa
maganda mong ngiti ah! Pasalamat ka at.. (hindi na nito naituloy)
Ako: ano?? (panghahamon ko dito),
paano baka lukuhin mo na naman ako, wais na ito (naka-surf kaya kami,, hahahaha
kornik!:]), dali (natatawa kong dagdag at tinawanan lang ako nito)
At binuksan binuksan na nga nito
ang pintuan sa passenger area at pagkabukas ay humarap ito sa akin...
Anthony: bukas na po MAHAL KONG
hari (parang diin nito sabi sa mga huli nitong sinabi, hindi ko sure, habang
nakangiti itong nakaharap sa akin at kasabay din noon ay ang pag-ikot ng kanang
kamay nito ng mga tatlong ikot sabay turo sa pukas na pintuan), pasok na po
(dagdag pa nito, ngiti na lang ang isinagot ko sa kanya sabay lakad then pasok
na loob ng kotse niya)
Nagulat naman ako mga pips (kasi
kasi, katulad uli ng mga nauna kong rason “hindi ako na-inform”.. hahahahaha,
masanay na kayo:]), sa kadahilanang bila niyang ipinasok ang half body niya,
kaya ang naging siste ang magkalapit na kaming magkaharapan
Ako: u...uy! ba...bakit? (nauutal
kong tanong.. kasi kasi)
Anthony: wala naman (sabay
pakawala nito ng maganda niyang ngiti, na nagpatulala sa akin sa kanya,
pinagpala talaga siya ng maykapal, nagising nalang ang ulirat ko ng bigla ulit
itong nagsalita), lulubos-lubusin ko na ang pagsisilbi sayo mahal..... (tas
parang nagpause sya, yun lang ay na-noticed ko, pasensya nurse ih! Behasa nga
kami sa assessment.. hahahaha),.. na hari (dugtong nito sabay lapit ng kamay
niya sa... sa.. sa.. mukha ko?????)
Ako: a...anong ba... ba.. bang
ga..ga..win mo (ang mga naiilang kong naisatinig sa pagitan ng maraming kong
inhale-exhale.. hehehe, kasi kasi naman eh!)
Anthony: bakit ka na-uutal dyan?
(ang pagpuna nito sa akin habang andoon pa din maganda niya ngiti, hindi na ako
nakatugon pa kasi nanghihina na ako sa puntong iyon, kasi naman talaga! Pero
salamat at nakisama ang aking STERNO-CLEIDO-MASTOID MUSCLE at nai-rotate ko sa gilid paiwas sa kanya ang mukha ko), yung seat belt
(sabay hugot nito at pulupot sa katawan ko), para safe (nakangiting dagdag
nito, kasi naman ako OA lang.. hehehe.. yung seat belt pala yung kukuhanin..
:])
Pagkatapos ng nakakapanghinang
tagpong iyon ay agad na din lumayo sa akin si anthony, kasabay noon ay ang
paglabas na nang half body nito kasunod ay ang pagsara nito sa pintuan sa side
ko, at nang nalalakad na ito sa harap ng kotse niya ay nakangiti itong
pagkalaki laki at parang pasipol sipol pa (ewan parang ganoon yung itsura,
pasensya na nasa loob na kasi ako ng kotse nya kaya hindi ko maidetalye.. hehe)
++++++++++++++
Ok stop muna at magbigay daan muna tayo sa mahiwagang TRIVIA (takas
maka-TV effect no mga pipz? Yung pag may on air na show tas biglang puputulin
dahil may mga breaking news.. hehehe)
----->ang TRIVIA
Alam kong
ni-nosebleed kayo sa nabanggit kong STERNO-CLEIDO-MASTOID MUSCLE (hehe).
Ang muscle na ito ay matatagpuan sa aking leeg o neck. Sabi sa libro ng Anatomy
& Physiology by Seeley Stephens Tate, it is the prime mover of the lateral
(o gilid) muscle group, is easily seen on the anterior (harap ng leeg) and
lateral sides (sa gilid) of the neck. Alam nyo ba na ang pagcontract nang isang
bahagi ng muscles na ito ay nagdudulot para maigalaw natin ang neck natin side
by side at kung parehas naman na nagcontract sa both sides ang
sternocleidomastoid muscles natin, ito naman ang nagiging dahilan kaya
nakakatungo at nakakatingala tayo (gets nyo ba??)
Eto
po ang Larawan
(yon pong kulay pula iyon. hehe)
Alam nyo bang pwede ninyo yang gamitin sa larong “ILONG-ILONG”, eto yung
larong pambata na kung saan magkaharap kayo ng kalaro nyo tapos may isang
magsasabi ng ILONG ILONG at ang hituturo ninyo ay tumatalon talon sa ilong tas
pag may sinabi nang bahagi nang katawan ang tagapagsalita, kelangan ay
makasunod ang kalaro, tapos ay salitan naman sila, halimbawa: Ako at si Coffee Prince
(hehe)
Ako: ilong-ilong........ mata (at nakasunod si Coffee Prince, turn naman nya)
Coffee Prince:
ilong-ilong........ tenga (syempre nakasunod ako, ako ang bida ih! Hehe )
Ako na ulit:
ilong-ilong................................... STERNO-CLEIDO-MASTOID MUSCLE (at
nawindang si Coffee Prince... hahaha PANALO AKO! peace po Coffee Prince!)
---)at dito
na po nagtatapos ang OA na talaga sa habang trivia na ito, hiling ko na sana ay
maiapply nyo ito sa pang-araw-araw ninyong pamumuhay... hahaha
++++++++++++++
(balik na
ulit sa kwento)
Pagkapasok
at pagkaupo ni anthony sa driver seat at nandoon pa din ang kakaiba nitong
ngiti, hindi ko na ito pinansin pa at baka mang-asar lang ulit ang mokong na
ito
Pinagana na
niya ang makina at makalipas ang ilang sandali ay pinaandar na niya ang kanyang
sasakyan. Naging tahimik ako sa byahe dahil bumabawi pa ako ng lakas sa
idinulot niyang panghihina sa akin kanina sa posisyon naming iyon (kasi naman),
buti at nakisama naman ang mokong at hindi na binulabog ang pag rerecharge ko
(hahaha)
Naging
mabilis naman ang byahe namin at nilang sandali lang ay pinapark na niya ang
sasakyan niya. Nang maiayos na niya ang tayo ng kotse niya ay agad itong
humarap sa akin.............
Anthony:
kain muna tayo, gutom na gutom na ako (sabay himas sa walang kataba taba nitong
tiyan, natawa na lang ako sa inasta nito at tumugo bilang sagot)
Pagkatapos
ay sabay na kaming lumabas at ng mailock na niya ang kotse nya ay sabay na
kaming naglakad papasok ng SM batangas. Napansin ko naman na parang aakbay ito
sa akin ng bigla ko itong sitahin....
Ako: hep
hep.. tutuunan mo na naman ako ha! (pagbibiro ko dito)
Anthony: eto
naman, aakbay lang eh! Promise, hindi ko pabibigatin ang braso ko (parang bata
nitong naituran na ikinatawa ko naman, at sa punto iyon ay namalayan ko na lang
na nakaakbay na ito sa akin, wala na akong nagawa)
Nang
makapasok na kami ay agad naman niya akong tinanong kung saan ko daw gusto
kumain
Anthony:
Saan mo gustong kumain? (nakangiting sabi nito sa akin, ito ang tanong na
mahirap bigyang kasagutan, aminin nyo mga pips, kaya naman ang isinagot ko ay
ang gasgas na balik tanong na.....)
Ako: Ikaw
saan mo ba gusto?? (see... hahahahahaha)
Anthony: doon nalang tayo sa dati, ano? (sabay ang pagtaas ng dalawang
kilay nito)
Ako: anong sa dati? (nagtataka ko namang balik dito)
Anthony: sa chowking, diba doon tayo una nagdate, nakalimutan mo na
agad?? (natatawa naman nitong pagrerefresh sa memory ko..... hindi ko naman
alam ko biro ba iyong ibang nasabi nya, siguro naman biro lang iyon kaya naman
nakitawa na lang ako)
Ako: lakas mo rin magbiro, sige doon na lang (pag-payag ko naman at
humahagikgik naman ang mokong sa gilid ko... adik talaga ito), ako naman ang
taya ha, ikaw na nung last (dagdag ko naman)
Anthony: Ok! Nga madami akong oorderen ha! Gutom na gutom kasi ako
(nakangisi nitong pagbabanta sa akin
Ako: o..ok lang (nag-aalangan kong naitugon, paano kasi napasubo ata ako,
makakasapat naman yung dala kong pera kaso sa pagbabanta niyang iyon ay
magkukulang na, hindi ko pa naman nadala yung extra kong pera, kasi nga ay
iniipon ko iyon dahil sa ipangbibili ko iyon kay piyoy (yung piano yon), pero
hindi ko nalang pinahalata kay anthony, nasabi ko na kasi panindigan na..
huhuhu)
Nagtungo na nga kami sa napili namang kakainan, sinabi ko kay anthony na
maghanap na ng table at hiningi ko na rin ang order nito, kaso nagpumilit itong
sya na daw ang pagsasabi ng order niya. Pumili na nga kami at maya maya pa ay
nasa counter na kami
“Good afternoon sir, whats your order?” nakangiting panimula ng babae na
cashier slash taga kuha ng order (ano bang tawag sa ganoon?)
.....at si anthony kasama ang magandang ngiti nito, ewan ko kung para
saan ang nagsalita para sa order nya habang ako naman ay nadako ang tingin sa
babae na parang parang kinikilig sa lagay na iyon....
Anthony: miss, ahm chicken lauriat, tapos ay palitan yung kasama noon na
plain rice ng garlic rice tas dalawang
extra garlic rice tapos siomai at... (napatingin naman ako sa kanya at nasabi
sa aking sarili na “ganoon ba talaga siya kagutom?” at maya-maya ay dumako ang
tingin niya sa akin at bumakas ang ngiti sa kanya at biglang nagsalita ulit..),
at siopao bola-bola yung malaki (sabay tingin ulit nito sa babae), large
pineapple juice at... aat halo-halo yung pinakamalaki (sa pagtatapos nito ay
nagpakawala ulit sya dito ng maganda niyang ngiti bago humarap sa akin at
nagsalita habang ako ay nasa kanya pa rin ang mga mata dahil sa hindi
makapaniwala sa mga inoorder niya), fugi anong sayo? (nakangiting sabi nito sa
akin)
Ngali ngali kong sabihin na.. “hindi pa ba ako kasali sa inorder nya?”
Ako: ah.. eh.... pork chowpan at tubig lang sa akin miss (ang nasabi ko
sabay harap na sa babae, hindi ko na nalaman ang itsura ng mukha ng mga oras na
iyon)
Narinig ko na lang na humahagikgik sa tabi ko ang moko
Anthony: miss pa-cancel naman ng iba sa order ko at patira lang
ng........ tapos padagdag na lang...... (paglalahad ni anthony habang
nakaplaster ang maganda nitong ngiti), pasensya na ha! (pagwawakas niya at ang
babaeng cashier slash taga kuha ng order ay hindi man lang nagalit at nakuha sa
ngiti ng ugok na ito)
Namalayan ko nalang na sya na rin ang nagbayad at pagkatapos ay inakbayan
na niya ako paalis sa counter at naghanap na kami ng table
Ako: loko mo ah! (panimula ko na, sabay siko ko sa kanya, tumawa lang
ito), pasalamat ka hindi nagalit yong babae at di ba ako taya ngayon? (dagdag
ko)
Anthony: gwapo kasi (sabay pogi sign nito), wag ka na kasi umangal, ako
na kasi ang bahala sa date nating ito (sabay pakawala ng nakakaloko nitong
tawa)
Ako: adik ka (yun nalang nasambit ko sabay siko ko ulit sa kanya.. kasi
kasi naman, joke ba iyon?? Hehe at humagikgik lang ito)
Nang makaupo na kami ay naghintay lang kami ng ilang minuto at dumating
na order namin, at nagulat ako ng ng ang inorder nya sa akin ay iyon inorder ko
nung magksama rin kaming kumain sa isang branch nitong kainan na ito
Ako: wow saulo ah! (pagkamangha kong naibulalas)
Anthony: syempre! Magaling makatanda utak ko, at in shock ka kasi kanina
(sabay tawa nito), kaya yan na lang ulit inorder ko
Ako: ikaw kasi ih! (parang bata kong sabi sabay bilot ng tissue at bato
dito na lalo lang niyang ikinatawa), kain na tayo, bawal ng tumawa ha! (may
awtoridad kong dagdag na ikinahagik lang ulit niya)
Naging tahimik naman nang magsimula na kaming kumain at pagnagtatama ang
tingin namin ay nandoon pa rin ang malokong ngiti ng hinayupak.. hehehe
Nang matapos kami sa pagkain ay nangpahinga muna kami at sa puntong iyon
ay sinabi ni anthony na manood daw kaming sine at pumayag na din ako kaso dapat
ako naman ang magbabayad at tumungo na lang siya at ngumiti na parang ewan
bilang sagot
Nang kaya na naming maglakad ay umakyat na kaming second floor at nang
marating na namin ang sinehan ay tiningnan namin kung ano magandang panoodin
Isa sa mga pagpipilian ay ang romantic comedy na pelikula nina toni at
sam yung You are the one (napapanood ko ang teasers hanggang sa ilabas ang full
trailer nito bago mag-asap.. hahaha, kaya alam kong maganda ito), kaso ay
hinayaan kong si anthony ang pumili, pinagmasdan ko na lang siya habang parang
isa isa niyang sinusuri ang bawat letra at titik sa mga title ng mga pelikulang
now showing... hahaha
Maya maya ay humarap ito sa akin at.......
“You are the one” sabay ngiti nitong pagkakaganda sa akin
Ako naman at naaligaga sa pagkakasabi nito niyon kaya naman ay nasabi ko
na lang ay...
Ako: ha!? (parang tanga lang, kasi naman)
Itutuloy...........
hahahahaha kakakbasa q lng ng isa may bago n naman :)
TumugonBurahinpasenxa n delayed aq magabsa ngaun pero ayun.
naeexcite na ako sa next n mangyayare. pero nakakakilig hahaha
O.o
TumugonBurahinat talagang may portion ako dito aa .. CHOS .. ahaha!
ilong ilong ilong.... tenga .. XD .. kakawindang talaga yung STERNO-CLEIDO-MASTOID MUSCLE [pag sinabi mo yun .. sasampalin kita ng pabalik-balik .. haha JOKE! PEACE!]
salamat .. hehe --
naks .. kayo na ni kuya Anthony ang nagdedate ..
kakilig naman yun seatbelt scene yo ulit ..
bat ganun .. laging bitin .. walang kiss? ahaha! [lande]
asan na si kuya Iannnnnnn? .. :( nag-MOMENT na naman yun for sure ..
Thanks kuya Fugi ~
abangan namin .. watching movie scenario niyo ni kuya Anthony aa .. ;)
lololz sa ilong ilong portion, natawa tlga ako. hahaha
TumugonBurahin*hello kay coffee prince!
@fugi - anong year mo na ba? 2nd year? Si Seeley rin pala AnaPhysio book nyo.
Bitin tong chapter na to..iiiih..