By: FUGI
--) Akala ko talaga ay matatagalan pa ng ilan pang mga araw bago marestore ang normal functioning ng aking medyo maliit na utak (hehe) salamat kay pareng Oxygen (na O2 ang simbolo sa peridic table of elements, tanda nyo pa ba iyon?? Hehe), na available sa environment na isa sa mga essential na kelangan ng ating utak, ganoon din sa aking maayos pang circulation at mga Lungs, pati na rin sa kapit bahay namin na nagbigay ng napakasarap Cadbury (whole nut) na syang kumumpleto ng recovering ng aking brain
+++++++++
Trivia (yan ha! Simula palang may trivia na, kaya naman doon sa
nakapuna at nakamiss ng trivia portion eto na po......... eto na sya... hehehe)
Pag-usapan naman
natin ngayon ang about sa needs ng utak since naging issue ko sya kaya medyo
nadelayed ang updates ko (haha palusot!:])
Alam nyo ba (wow
lakas maka-kuya kim lang.. hehe) na ang mga pangunahing kailangan ng utak para magfunction
o gumana at magamit natin sa pang-araw araw ay ang mga sumusunod: 1. OXYGEN (nasa
kabutihang palad ay available na sa paligid, ang gagawin nalang natin ay
singhutin ito.. hehehe, what a term??...haha... nga pala mga pipzzzz lacking of
supply of oxygen in our brain for more than 3 to 5 miniutes will lead to a so
called “Brain Damage” at pagtumagal
pa doon, let say about 10 to 14 minutes and above it will result to “Brain Death” that will end our life as
well, kaya the more air we put on in our system, the lengthening our life
expectancy... hehe), pagnaipasok na
natin ito sa ating sistema, dyan papasok si------> 2. GOOD CIRCULATION & LUNGS (tandaan
ang nalalanghap nating oxygen sa kapaligiran ay hindi malinis (parang tubig
kelangang salain). Pagkapasok ng oxygen sa ating katawan ay sasama ito sa atin
dugo o ang tinatawag naming “UNOXYGINATED BLOOD”na kung saan dadalahin ito sa ating
mga baga sa pamamagitan ng magandang sirkulasyon. Sa ating mga baga parang
nasasala at nagiging malinis ito, at paglabas nito sa ating mga lungs ang term
na ngayon ay “OXYGINATED BLOOD” na kung saan ito ay dadalahin ng ating uling circulation
sa mga vital organs kasama na ang ating UTAK para gumana (gets? Yung may mga
tanong at nalilito ay.. ay itago nyo na lang yan, kunyari na lang naiintindihan
nyo.. ok! Hahaha), kelangan din ng ating utak ang------> 3. GLUCOSE (na nakukuha
sa mga pagkaing may sugar content, ang glucose ay isa sa mga end result pag
nagbreakdown ang sugar, examples: yung kinain kong cadbury kanina noong
nadigest sya sa aking digestive system (wow! Hehe) ang isa sa mga naging by
product nito ay glucose, na bukod sa nagbibigay ng energy ang glucose sa ating
katawan isa rin sya sa parang food ng ating brains, kaya pag may mga exams tayo
lagi tayong may baong kendi o chocolates ( yung PLA-TOPS....hahaha), ewan ko
lang sa iba kung nagbabaon kayo ng mga ganyan pag may mga exams kayo, pero
effective sya sa akin lalong lalo na nung nagtake ako ng board exam, sobrang
laking tulong nyan sa akin kasi may puntong sasakit ang utak ko sa dami ba
namang questions na sinasagutan (500 items in two days, 300 items on the first
then the remaining 200 will be answered on the next day), pero pag ka kakainin
ko na yung dala kong kendi ay nawawala na.. promise) at syempre hindi rin
mawawala ang------> 4.
VITAMINS & MINERALS (na available din naman sa mga masusustansyang
pagkaing kinakain natin sa araw araw at ganoon din sa mga clinically &
scientifically made na mga gamot na naglalaman ng mga ganito {from A to Z,
hahaha nag-endorsed pa})
“Ang haba naman nitong
trivia”----> magiging puna noong iba ang masasabi ko lang “Pasensya na po!
Nakakain kasi ng Cadbury (whole nut) hahaha ”
+++++++++++++
@--makki-- & Rue slash Lawfer (nagbabala naman ako! LOL, ay may meeting ka pang
ioorganise makki ha! Magtatayo lang ng un-yon??? hahaha)
@Coffee Prince (grabe is ka talaga sa pinaka observant na comment-ter ko.. at at very nice humor of you (hehehe) sobra mo akong pinasasaya:])
@Yume (so sa mga susunod palang pala na mga chapter ka kung kanino ka papanig so dapat pala ay sobrang pagandahin ko ang moments nila para..... para mahirapan ikaw.. hehehehe)
@Jiru (ganoon pala iyon, sige pag-iisipan ko... salamat salamat:])
@at
sa lahat nag lihim na sumusubaybay sa gawa ko na ito, salamat po!
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po
ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang
naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa
based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na
author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA
TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya
naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa
po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento ko naman
..............at nang mapaling ang tingin ko kay anthony ay napansin kong
parang malalim ang iniisip nito
Agad ko
itong sinuntok ng mahina sa kanyang deltoid area (mga pips alam nyo na yan kung
saan, naitrivia ko na yan sa last last chapter may pics-tures pa nga kaya ang
magtatanong pa niyan ay... ay isusumbong ko sa pansampong boss ng Vonggola
(tama ba spelling?? Hehe).. hahahaha yes naisingit ko ito, paano kasi mga pips
ibinalik na ulit sa Hero TV ang Hitman Reborn kaya naisama ko sya dito.. hehe)
Ako: hoy!
(pagkuha ko dito ng atensyon humarap lang ito sa akin sabay biglang patong ng
kamay nito ulo ko sabay gulo ng buhok ko kasabay noon ay pagpapakawala nito ng
ngiti), buhok ko (parang batang saway ko dito)
Anthony:
kahit anong ayos naman niyan ay cute ka pa din ih! (nakangiti pa rin ito sa
akin sabay alis ng kamay niya), pero kung ako iyon, gwapo pa din ako (natatawa
na nitong sabi sa akin)
Ako: buti
hindi ka nabibigatan (kunyaring seryoso kong tugon sa kanya)
Anthony:
saan naman? (kasama ng natataka nitong reaksyon)
Ako: lagi ka
na lang kasing nagbubuhay ng sarilimong bangko (natatawa ko namang bira dito)
Anthony: ah
ganoon! (sabay lagay ulit nito ng kamay sa ulo ko sabay mabilisang ginulo ang
buhok ko, tawa naman kami ng tawa sa puntong iyon)
Ako: tama na
, hoy! (pagsaway ko na dito), drive ka na kasi late na tayo ih! (naidagdag ko
at tumigil na nga si anthony pagkatapos ay iginaya na ang atensyon sa manubela
at maya maya lang pinaan-andar na ito)
Nang
mapatama naman ang tingin ko sa salamin ng kotse ay nagtama ang tingin namin ni
ian at sa puntong iyon ay nakaramdam ako ng hiya at at at ewan may kung ano sa
tingin niya na parang may nais ipabatid kaso.. kaso hindi ko naman maintindihan
o baka OA lang talaga ako (hehehe)
Ako na rin
ang unang bumitaw sa tinginan na iyon sabay paling sa bintana. Katahimikan ang
sunod na namayani sa aming tatlo, parang parang nagpapakiramdaman kung sinong
unang magbubukas pag-uusapan at babasag sa nanaig na katahimikan
Kaso walang
nangahas, namalayan na lang namin na malapit na kami sa campus at nang
makapasok at maiparada na ni anthony ang sasakyan niya, agad naman kaming
bumaba, pagkababa ay biglang umimik si ian....
Ian: tol
salamat! (sabi nito kay anthony pagkatapos ay sabay tingin nito sa akin at
ngumiti, nagulat nalang ako ng ... ng bigla niyang hawakan ang buhok ko at at
akala ko kung anong gagawin niya, yun pala ay..... ay iniayos pala nito nung
mga tayo-tayo pang mga buhok na dahil sa paggugulo ni anthony nito
kanina.........mga pipzzz nagulat na naman ako.. kasi nga,, alam nyo na naman
ang dahilan “hindi ako nainform”.. hahaha), yan ayos na (nakangiting dagdag
nito, na tinugunan ko na lang ng ngiti din... speechless eh!... hahaha)
Sa kabilang
dako ay hindi na namin napansin na mataman na palang nakamasid si anthony sa
amin
Pagkatapos
noon ay agad na akong inakbayan ni ian at agad akong minaniobra para madala ako
sa paglalakad niya
Ian: tara na
sa gym baka andoon na prof natin (sabi nito)
Agad akong
lumingon sa likod dahil si anthony
Ako: tara na
sa gym! (nakangiti kong aya dito na tinugunan naman nito ng isang magandang
ngiti)
Agad na
akong nadala sa paglalakad ni ian dahil nakaakbay ito sa akin at ramdam ko na
naman ang pagsunod na ni anthony sa likuran namin
Pagkadating
namin sa gymnasium (kung saan sya ang designated room para sa P.E. subject
namin at nang iba pang sections) ay nandoon na ang mga kaklase namin pati na
rin si janine at sinalubong naman kami ng mga ngiti ng mga ito lalo na yung mga
kaklase ko na nagtatama ang mga paningin namin
Janine: dito
na kayo umupo, pinagsaved ko kayo ng pwesto ha! (sabay turo nito sa espasyo sa
tabi niya)
Ako: salamat
(nakangiti kong sabi dito)
Janine: ay
upo na kayo (pag-anyaya nito sa amin, humarap naman ako kay ian)
Ako: kamay
mo po (tukoy ko sa kamay nitong nakaakbay sa akin), upo na tayo (dagdag ko)
Ian: maya na
tayo umupo (nakangiting tugon nito sa akin)
Ako: hala
ginagawa mo lang akong tuunan ih! (parang bata kong sabi dito na ikinatawa nya
lang)
Ian: sige na
nga, nagmamaktol na ang bata (natatawang sabi nito sabay pisil sa pisngi ko at alis
na ng pagkakaakbay nito)
Agad na
akong tumabi ng upo kay janine, nang makaupo na ako, naramdaman kong may tumabi
na rin sa akin at nanglingunin ko ito ay tumambad sa akin ang nakangiting si
anthony, nginitian ko din sya
At nang mapadpad ang tingin ko sa nakatayo pa
rin palang si ian ay nakatingin lang din pala ito sa akin o... o sa ... sa amin
(basta nakatingin sya.. hahahaha)
Ako: upo na!
ikaw na lang standing ovation (biro ko sa kanya at ngumiti lang din ito sa akin
pagkatapos ay iniabot sa akin ang bag niya na tinanggap ko naman, akala ko ay
sa tabi siya ni anthony pipwesto pero nakiusap sya sa isa naming kaklase na
nasa likod ko at doon sya mismo umupo)
Maya maya pa
ay biglang pumasok sa gym ang isang grupo ng pinaghalong babae at lalaki, may
bata pa ang itsura meron namang medyo may edad na, naghiwahiwalay sila at
nagpunta sa umpukan ng ibat-ibang mga estudyante na magkakaseksyon
Ang lumapit
sa amin na galing sa grupo nila ay isang lalaki na parang nasa mid 30’s na at
tinanong ang section namin, umimik yung iba naming kaklasmates at sinagot ang
tinatanong niya at nang malaman niya ang section namin ay agad itong
nagpakilala na sya daw ang magiging P.E. instructor namin. Katulad nang mga
nauna ay pinaghanda niya kami ng 1/8 index card kung saan nilalaman nito ay
impormasyon tungkol sa amin, maya maya ay kinuha na niya ito alphabetically at
pagkatapos ay tinawag kami isa isa para pirmahan ang registration form namin
Pagkatapos
noon ay nagdiscuss sya ng mga rules nya tapos noon ay ibinigay nya iyong
summary ng activities na gagawain namin sa buong semester na iyon tapos yung
grading system para sa subject niya at nang matapos ay agad nya na rin kaming
dinismiss pagkabigay niya ng assignments.
Pagkaalis ng
prof ay napag-usapan namin si janine yung about sa report namin sa nat-sci at
since sobrang haba pa ng oras bago ang klase namin sa CWTS ay napagkasunduan
naming simulan na iyon
Agad kong
sinabi kena ian at anthony iyon at parehas naman silang nagsabi na sasama na
lang sa amin sa pagreresearch sa library
Nang makarating
na kami sa Library ng school na kung tawagin ay IMC o Instructional Media
Center, ang maganda pa may baggage counter section ang library namin sa labas
nito (hahaha), nang makuha na namin ang mga valuable things (wow!) namin pati
na rin ang imc cards (na essential para makapasok kami doon, makahiram at
makagamit ng kakailanganin namin sa pagreresearch) ay agad na naming iniwan ang
mga bags namin pagkatapos ay nagtuloy na kami sa pagpasok sa loob noon. Inukopa
namin yung table na pang-apatan, magkatabi kami ni janine tas nasa harap namin
si ian at anthony
Agad kaming
nagpaalam ni janine sa dalawa para hanapin ang mga librong mapagkukuhanan namin
ng kelangan naming impormasyon sa gagawain naming report. Medyo nagtagal kami ni
janine sa paghahanap at nang mapadako ako sa kinaroroonan nina anthony at ian
at nakatingin pala ang dalawa sa akin at parang may pinag-uusapan, ipinagkibit
balikat ko na lang at agad itinoon ang atensyon ko sa ginagawa ko
Nakakita
kami ng apat na reference books agad namin itong dinala sa table, pagkaupo ko
ay tahimik lang ang dalawa na nakatingin sa akin, parang may something.. ewan
pero meron talaga ih! Pero agad namang kinuha ni janine ang atensyon ko at
pagkatapos ay brinaws na namin yung mga dala naming aklat , binasa yung topic
ng about sa report namin at pinagdiskusyonan namin iyon kung ilalagay
namin o hindi sa report namin, matapos
ang mahabang palitan namin ng ideya ay napagkasunduan na namin ang mga isasama
sa report namin. Ako na ang nagprisintang magpapaphoto copy ng mga libro at
hintayin nalang nila ako doon para hindi na kami pabalik balik pa
Akmang
bubuhatin ko na ang mga libro nang biglang kuhanin at agawin ito sa akin palayo
ng itaas ko ang aking mukha ay ang si anthony ang sumalubong sa akin
Anthony:
samahan na kita (magiliw nitong pagkakasabi, hindi na ako nakatangi, hawak nya
na ih!.. hehe)
Agad na
kaming lumarga, buti na lang at hindi na kami lalayo pa dahil sa katabi ng
baggage counter section ay meron “XEROX COPIER” (pasensya na sa term ay hindi
ko alam ang tawag duon sa magsi-xerox ih!, pero walang halong biro po mero na
talagang xerox machine at magsi-xerox sa labas ng IMC namin katabi nung baggage
counter)
Noong mga
panahon na iyon ay kami lang ang pagpapa-xerox kaya naman naging mabilis ang
proseso, agad kaming nakabalik at napagpasyahang pumunta ng cafeteria para
magmeryenda
Agad na
kaming lumabas ng IMC at tinungo na ang daan patungong cafeteria. Kami pa rin
ni janine ang magkausap para sa gagawin naming report, nariyan kung anong style
ng reporting, anong materials ang gagamitin at ang hatian sa irereport
Pagkadating
sa cafeteria ay kakaunti na ang mga people there (maka-english lang talaga..
hahaha) kaya dumaretso na kami sa counter lahat para umorder. Nang kukuha na
ako ng tray ay hinarang ako ni anthony
Anthony:
dito mo na sakin isama order mo, magsasayang ka pa ng tray ay madami pang
gagamit (mahabang naitugon nito)
Ako: ang
dami mo agad na sabi ah! (natatawa kong tugon dito), oo na po (at sumunod na
ako sa kanya)
Nang makaupo
na kami ay hinintay muna namin si ian , sya kasi ang huli, nang naglalakad na
ito papunta sa kinatatayuan namin ay napansin kung may iba sa ikinikilos nito
pati sa tingin at kanina ko pa ring napapansing tahimik ito (o di ba hindi nyo
pa siya naririnig ulit magsalita?? Di ba?? Di ba??)
“May
problema kaya ang mokong” nasabi ko na lang sa sarili ko
Kwentuhan,
tawanan at kung ano ano pang kalokohan ang naganap sa oras na nakaupo at
nagmemeryenda kami sa cafeteria pero pansing pansin kong may kakaiba talaga kay
ian
Maya maya ay
nagpaalam si ian na magsi-CR daw siya, agad akong nagpaalam din at sumunod sa
kanya nang medyo malayo na kami kela anthony at janine
Ako: may
problema ka ba? Parang kanina ka pang tahimik?
Ian: tahimik
naman ako talaga
Ako: pero
kilala na kita kaya wag ka na nga magdahilan (mahinahon kong tugon dito)
Ian: may
iniisip lang ako, pero ok lang ako (pagsisiguro nito sa akin sabay pakawala ng
ngiti)
Ako: sure ka
ha? (nag-aalangan kong tanong at tungo at ngiti ang tinugon nito)
Nang makabalik
kami ni ian mula CR sa kung nasaan si na anthony ay nagkayayaan na pumunta na
sa room assignment para sa next subject namin ang CWTS. Napagkasunduan na hindi
na kami magpapalit ng damit kasi first meeting naman at baka katulad nang sa
mga nauna naming subjects ay idismiss din naman agad kami
Nang
makarating kami sa room ay halos lahat ay nakapang P.E. uniform pa din, naupo
kami sa favorite spot namin sa likuran katabi ko ian sa kaliwa at si anthony naman
sa kanan tapos sa kanan naman ni ian si janine
Maya-maya ay
dumating na ang prof namin, nasa early 40’s na si sir, mukhang mabait na naman
kaso parang adik (peace sir! Hehe) paanosa mata nya ay yung mga line ng vessels
ay mapula, pero siguro hindi lang nakatulog kagabe kaya ganoon (hahaha)
At katulad
nga nang naunang mga subjects namin ay ganoon din ang pinagawa nito ang
pinagkaibahan lang ay diniscuss ni sir yung about sa uniform namin. Ang tamang
sout dapat namin sa subject nya ay yung t-shirt ng CWTS tapos ay maong pants at
rubber shoes kaso dahil ang sinusundan naming subjects ay P.E., pumayag siya na
ok lang daw yung jogging pants pero dapat t-shirt ng CWTS ang suot namin pero
may exception din, pag comunity kami ay dapat nakamaong kami, sasabihin naman
daw nya kung community kami, wala rin kaso sa kanya ang seating arrangement ang
mahalaga ay pasukan namin ang subject nya. Pagkatapos noon ay ang inaasahan
naming early dismissal (hehe)
Nang
nag-aayos na ako ng gamit ay bigla namang umimik sa tabi ko si anthony
Anthony: ano
ready ka na ba? (ang masaya nitong sabi)
Ako: saan?
(maang kong sagot na tanong sa tanong niya)
Anthony:
tara na! manloloko ka na naman ha! (sabay hila nito ng gamit ko, tinawanan ko
na lang ito sa inasta niya)
Humarap
naman ako kela janine at ian..
Ako: sama
kayo, punta kaming sm ni anthony (pag-aya ko)
Janine:
nako! May gagawin kasi ako (agad na tugon nito)
Ako: lagi ka
na lang busy ah! (pagbibiro ko dito)
Janine:
ganoon talaga (natatawa naman na balik nito)
Ako: ikaw
ian (paling ko naman dito)
Anthony:
baka may pupuntahan o gagawin din ian (pagsingit naman nito)
Ian: oo nga
fugi may pupuntahan pala ako (nakangiti nitong tugon sa akin), galing mo tol
ah! Nahulaan mo (dagdag nito na na kay anthony na ang tingin nito)
Ako: ganoon
ba? (may himig lungkot kong tugon dito)
Ian: bawi
ako next time (nakangiting sabi nito sa akin sabay tapik sa balikat ko)
Anthony: so
tara na fugi (sabay akbay na nito sa akin), una na kami tol (nakangiti nitong
paalam ay ian), sayo din janine (dagdag nito)
Nang
papalabas na kami ni anthony ay pumaling ako sa kung nasaan si ian at nakita
kong nakatingin pala ito sa akin ngumiti at itinaas ko ang isang kamay ko
senyales nang pamamaalam, tinugunan din naman niya iyon ng kaparehas ng ginawa
ko
Pero parang
iba.... parang pilit (nasabi ko ito dahil kilala ko na siya pero hindi ko rin
masiguro)
At tuluyan
na nga kaming nakalabas ng room naming iyon.....
Itutuloy............
Note: nais
ko po sabi na wala masyadong kilig moments kasi ito yung panghuhugutan ng mga
mangyayari sa susunod na chapters kaya po sana ay maintindihan ninyo....
Salamat po!
:(
TumugonBurahinnaiisip ko na kung anong susunod na mangyayari ..
bat ganun si kuya Anthony .. :( what is behind the convi of the two?
is there anything that kuya Anthony told to kuya Ian that makes the latter pretend that he's not hurting seeing kuya Fugi in kuya Anthony's arms?
halata na malungkot si kuya Ian ee .. :( yaan mo kuya Ian .. you weigh heavier to kuya Fugi's heart compared to kuya Anthony .. ahahah!
Thanks kuya Fugi ~
why in all of a sudden? kuya Anthony became that bad?
boses: di mo pa nga alam yung usapan nila .. you're jumping to conclusions agad ..
ako: ABA'y sorry naman .. sige na nga .. intayin ko nalang next chapter .. ;)
wew.. stress reliver talaga ang stories mo tol :)
TumugonBurahin